SELENE'S POV
"Pwede ka naman maglakad nang hindi nakahawak ang kamay."
Ano na naman bang problema ni Helios, kung umasta akala mo boyfriend ko. Hindi ko alam ba't niya nasabi 'yon. Nagseselos ba siya? Pft, bakit naman?
Bakit nga ba nagseselos ang isang tao? Dahil gusto niya ako? Lah asa, asa talaga. Nababaliw na ako kinakausap ko na sarili ko, duh no, sabi kaya sa isang page yung ano the facts, kapag madalas mong kinakausap ang sarili mo baka tumalino ka raw HAHAHAHAAHA. Kinuha ko ang phone ko at nagchat sa gc kailangan ko pala ichika sa mga 'yon ang chinika sa'kin ni kuya kagabi.
SAMAHAN NG MGA ULAGA
Sel: @Elic @Rees @Cali @Kienne, hoy mga beh may chika ako 'no, mainit-init pa.
Rees: ano ang chika?
Kienne: oha basta chika nangunguna ang manok ko.
Cali: tru beh.
Elic: kailan ba nahuli ang isang 'yan?
Sel: oh basta may chika ako mamaya, punta tayo kila Elic mamaya don ko ichichika. Bye.
"Al-, A-ah Sel." Tawag ni Fin, Huh? Anong Al? Pft, baka alamat lang 'yon HAHAHAHAHAHA o baka guni-guni ko lang 'yon.
"Oh bakit Fin?" Tanong ko.
"Dito na room natin oh, lalagpas ka na eh. Puro ka dutdot sa phone mo." Natatawa niyang sabat, may kaboses siya at yung tawa niya pamilyar.
"A-ah oo nga, salamat Fin." Sabat ko at tumango lang siya.
"Hoy Yuri." Biglang sabat niya, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Pa'no mo nalamang Yuri nickname ko?" Sabat ko.
"A-ah 'di ba Y-yurika first name mo? Pinaikli ko lang." Nakangiti niyang sabat.
"Ah oo nga, ulyanin na ata ako." Nakangiti ko lang na saad. Ilang minuto ang nakalipas at pumasok na ang prof namin.
"Good morning class, our lesson is about Genetic Engineering. Now, how do you define it?" Unang pasok at unang tanong sa umaga.
"Miss." Sabat ko at nagtaas ng kamay.
"Yes? What is your name?" Tanong niya.
"Selene po." Nakangiti kong saad.
"Okay, Selene define Geneting Engineering." Tanong agad naman nitong si prof.
Shet, bahala na. Ito lang tanda kong description nung shs.
"U-uhm G-genetic Engineering is a process in which the genes either in a plant or animals can be change to produce a desire result." Sabat ko.
"Okay, good." Nakangiti nitong saad.
"Next, who's the father of genetics?" Tanong ni prof.
"Gregor Mendel, Miss." Sabat ni Fin.
"Can you please give me the full name, Mr?" Tanong nito.
"Zouler po." Usal ni Fin.
"Okay, Mr. Zouler. Please give me his full name." She said.
"His full name is Gregor Johann Mendel, Miss." Diretsong sagot ni Fin.
"Okay, atleast may alam kayo kahit papa'no. That's nice." Sabat niya habang nakangiti at tumangot ito sa'min.
Makalipas ang ilan pang discussion ay lumabas na kami para sa break time. 30 mins lang. Sakto na para bumili sa canteen.
"Ang galing mo naman kanina." Sabat niya habang nakangiti, pamilyar talaga 'tong mga ngiting 'to. Baka nakatsamba lang ako non HAHAHAHAHAHA.
"Sus, you too." I said at tumawa lang ito.
Namataan ko naman ang papalapit sa gawi namin na si Helios.
"Ah Yuri, una na ako sa canteen ha? Sunod ka na lang sa room. Don na kang tayo magkita." Sabat niya habang nakangiti at tumango lang ito kay Helios, na hindi man lang siya nilingon. Pft, ano pa bang aasahain ko rito.
"Oh anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ko.
"Can we talk?" Sabat niya sa malumanay na tono. Wow himala? Mukha sincere siya ngayon? Nahiya naman ang katarayan ko ngayon lang.
"A-ah sige lang, about saan ba?" Naiilang kong saad.
"About you and Fin." Diretsong sabat niya.
"Ha? Me and Fin? Wala naman ah? Friends lang kami non." Pagdipensa ko pero teka nga ba't ba ako nageexplain sa kaniya na pa bang nakagawa ako ng kasalanan sa kaniya?
"Okay, noted. So, pwede kita puntahan sa room niyo mamaya?" Tanong niya bigla.
Hala mima, ano bang nangyayari sa dito kay Helios? Naengkanto ba 'to? Asan na ying Helios na mahangin?
"H-ha? Bakit?" Wala sa sariling tanong ko at tinawanan ba naman ako.
"Malamang, para sunduin ka." Sabat ko.
"Lah? Ano ako gradeschool? Tsaka kasama ko naman si Fin mamaya eh." Sabat ko at biglang nawala ang pagiging sincere ng mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Ah okay." Biglang lumamig ang tono ng pananalita niya at saka tumalikod at akmang naglalakad ba.
Shet ba't naman ganito? Nakonsensya naman ako. Gagstik, hoy. Pano na? Babawiin ko ba?
"Helios." Bigla kong sabat at nagulat ko dahil sa pagtawag ko 'yon at parang nabuhayan ang mga mukha niya.
"Bakit Sel?" Nakangiti niyang saad.
"A-ah ano, pwede naman sa gate mo na lang ako hintayin." Nakatungo kong saad.
"Talaga?" Hindi magkamayaw ang pagngiti niya sa'kin.
"Oo, sige na. Bibili pa ako eh." Tsaka umalis, palihim akong ngumiti dahil 'di ko alam ba't ganon ang inasta ko. Napatigil ako nang hilahin niya ang kamay ko."
"Teka, samahan na kita. 'Don rin ang punta ko eh." Sabat niya habang nakangiti, hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Napansin niya rin siguro ang pagtitig ko sa mga kamay namin.
"A-ah sorry. Tara na." Bitaw niya at sumunod lang ako sa kaniya.
Ilang minuto lang ay nakita ko rin si Vlint.
"Oh 'di man lang sinabi na sinund-" naputol ang pagsasalita ni Vlint nang biglang sumabat si Helios.
"Oo Vlint, bumili ka na kang tas ibigay mo kay Kienne baka nagugutom na 'yon." Sabat ni Helios at pinandilatan niya ito ng mata.
"A-ah oo nga pala sige dude, bye Sel." Kamot nito sa batok at dumiretso sa counter.
"Teka magtitinapay na lang ako, break time lang naman, ikaw ba ano gusto mo?" Sabat ko, nagulat namab siya sa sinabi ko pero agad din nawala ang gulat sa mukha niya.
Wow Sel, ikaw ba 'yan? Si Helios ililibre mo? Close na kayo? Nabigla rin ako sa sinabi ko HAHAHAHABABABSH."Hindi ano, kundi sino." Makahulugang sabat niya.
"Huh?" Nagtakang tanong ko.
"Ah wala, later 6:00 p.m. I'll pick you up." Biglang sabat niya at umalis.
Lah anong meron? Pupunta ba ako? Shet, hindi pwede may usapan kami mamaya nila Elic na may chikahan kami. Pa'no na? Napatingin ako sa relo ko at napansin malapit na matapos ang 30 minutes break. Binilisan ko ang paglalakad para makapasok agad.
"Oh Sel ba't antagal mo?" Tanong ni Fin at bakas ang pagkaseryoso nito, oh ano namang problema nito?
"Ah may kinausap lang." Sabat ko.
"Si Helios, yeah right." Sabat niya.
Pft, bahala kayo ang weird niyong lahat.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-