CHAPTER 14

5 0 0
                                    

KIENNE'S POV

So ngayon paalis na kami, kasama ko nga si Rees, Cali at Vlint. Kasama ko boyfriend ko kasi naginsist siya na sumama para raw may katulong ako kung sakali man marami akong bilhin. He really knows me well. I love shopping, well lahat kami pero sa aming lahat ako ang pinakagirly at sumunod pa si Elic at itong si Cali. Si Rees at Sel, ewan ko ba sa dalawang 'yon kala mo lagi magaamok eh.

"Baby? Why are you smiling?" Vlint asked me suddenly.

"Nothing babe, I'm just happy 'cause you're here." Ngiti kong sagot.

"Oh, that's sweet huh?" Sabay halik niya sa bandang sintido ko.

"Ano na Rees, halikan rin ba kita sa sintido mo?" Biglang sabat ni Cali.

"Eh kung barilin kita sa mismong sintido mo Cali?" Pagbabanta ni Rees ng akma na siuang hahalikan ni Cali.

"Chill inaasar ka lang eh." Natatawang sambit ni Cali.

"Kayong dalawa diyan, ang ingay niyo respeto sa bebe time 'no." Sabat ko.

"Respeto respeto, may respeto ba kayo rito sa nasa likod niyo?" Pakunwaring pagtataray ni Cali.

"Eh kung magharutan kayo d'yan nitong si Vlint kala mo hindi nagkita ng isang taon, sana sinaksak niyo na lang ako." Kunwaring naiiyak na sambit ni Rees.

At tinawanan lang namin ni Vlint sila Cali, palibhsa bitter HAHAHSHSHAHSHS grabe ewan ko na lang. Btw, as I mentioned earlier Vlint Waner is my boyfriend we're 1 year and a half at masasabing kong going stronger pa rin. He wants to be business man, so obviously he's taking business ad. I love him so much, gentleman, matalino, may mukhang nilalaban mga beh tas matangkad. Well, player din ng basketball eh kaya ganon. Ideal nga ika nila, sorry but I got him already, he's mine now.

"I love you baby." Bigla kong sabi sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"I love you so much baby." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at saka ito hinalikan.

'Di alintana ang mga taong kasama namin sa likod na mukhang nakita rin ang ginawa ni Vlint at 'di nga ako nagkamali nang biglang sumabat si Rees.

"Grabe pda parang gusto ko na lang tumalon bigla sa kotse na 'to." Sabat nito.

"Edi tumalon ka, 'di naman kami mag-aalala sayo." Pabarang sagot ni Cali.

At tumawa naman kami nang malakas maliban kay Rees na halatang napikon sa sinabi ni Cali, habang ito namang si Cali ay tuwang-tuwa sa sinabi niya.

Mga ilang minuto ay natatanaw na namin ang parking ng mall, dumiretso kami ron para malamang ipark ang kotse ni Vlint pero hindi pa namin natatanaw ang kotse nila Kiro. Baka natraffic lang ng slight 'no. Kinuha ko phone ko at nagchat sa gc.

SAMAHAN NG MGA ULAGA

Kienne: @Elic @Sel nasan na kayo? Nasa parking lot na kami.

Elic: teka malapit na rin kami, hintayin niyo na lang kami.

Kienne: okay, ingatss.

"Hintayin na lang daw natin sila, malapit na rin naman sila eh." Sabi ko kila Cali at agad naman silang sumang-ayon. Makalipas ang isang dekada joks, ilang minuto nakita na namin ang itim na kotse at ito na ang mga taong inaantay namin. Nakapark ang kotse ni Kiro malapit sa kotse ni Vlint, unang bumaba si Sel at nakabusangot papalapit sa'min kasama si Elic na halatang maiiyak na dahil sa kakatawa. Habang papalapit sa'min tinuturo ni Elic si Sel habang natatawa sa nakabusangot na mukha ni Sel.

"Oh Sel ba't naman ganiyan ang mukha mo?" Tanong ni Rees pero 'di sumagot si Sel at nanatiling nakakunot ang noo at nakabusangot pa rin.

"Teka ba't 'di pa bumababa si Kiro?" Tanong ni Cali.

"May inaasikaso pa kasi." Natatawang sabi ni Elic.

"Inaasikaso?" Sabay sabat namin ni Vlint.

"Oo may inaasikaso ako, Vlint Waner." Sabat ni Kiro habang ngingit-ngiti sabay baling sa pinto ng kotse.

"Inaasikaso your face bro." Natatawang sagot ni Vlint. Well, Vlint and Kiro are friends, close friends. Kaya ganiyan sila makitungo sa isa't isa.

"That's the truth dude, may inaasikaso akong paimportante masyado." Halatang may pinaparinggan itong si Kiro.

May narinig akong tumawa galing sa kotse nila Kiro, base sa tawa niya ay mukhang lalaki ito at 'di nga ako nagkamali sapatos pa lang nakikita ko ay lalaki na ang nagmamay-ari nito at nagulat ako ng biglang nagsalita si Vlint.

"Wtf, dude? Don't tell me that's-" putol na sambit ni Vlint at biglang sumagot ito.

"Yeah, dude it's me. One and only Helios." Putol nito sa sasabihin ni Vlint.

"Sino pa nga ba ang paimportante sa grupo? Edi ang nagiisang Helios lang naman na 'to." Sabat ni Kiro at nagfist bump tas may yakapan pa. Cheesy.

"Dude, I can't breath." Reklamo ng Helios kuno.

"Sorry dude, I just missed our hangouts, B5 you know btw how's your stay in states?" Tanong naman ni Kiro.

"Well, it's fine. So, what I've mention earlier I'm just here to have a vacation I guess." Matamlay nitong sagot at saka tumingin kay Sel saglit? Teka, tama ba o guni-guni ko lang? Hmm I smell something fishy.

"So, you're gonna stay here for days or maybe months?" Kiro ask suddenly.

"I think so?" Sagot naman nitong si Helios.

"Di ba yan marunong magtagalog? Pana'y english wala naman na siya sa amerika. May saltek amp." Mahinang sabat ni Sel pero narinig din naman ata nitong ni Helios pero mukhang hindi naman ata naintindihan.

"Sorry miss? What are you saying?" Sabat nitong si Helios sabay lapit kay Sel.

"Wala, sabi ko siraulo ka. Eh anong pakialam mo sa sinabi ko. Asa rin namang naintindihan mo eh laking amerika ka naman. Kaya kahit anong sabihin ko ayos lang." Mahabang sabi ni Sel.

Nakatitig lang si Cali at Rees sa dalawang nagsasagutan dito at ang dalawang lalaki naman ay bungisngis nang bungisngis sa likod ni Helios. Omg don't tell me, nakakaintindi siya ng tagalog? Tangeks ka talaga Sel. Huli ka balbon.

"Miss, for your information. I can understand tagalog." Natatawa sabi ni Helios kaya tumawa na rin kami dahil sa reaksyon din nitong si Sel na gulat na gulat.

Well, 'di naman kasi halata na marunong siya magtagalog at 'di rin halata na may dugong pilipinong nananalaytay dito sa lalaking 'to, kung susuriin mo itong si Helios ay mukha siyang amerikano, matipuno at may ibubuga ang mukha, he's tall also matching with brown eyes tas may accent din siya kung magsalita.

"A-ano?" Gulat pa rin na tanong ni Sel.

"A-ano?" Panggagaya ni Helios at lalo kaming natawa.

Hindi nakasagot si Sel at nanatiling nagtataka ang mukha nito.

"Hmm, for your information Ms. Judgmentaln hindi talaga ako amerikano, I'm a Filipino puro, natural at walang halong kemikal." Sabat niya habang natatawa at
pinagkakadiinan ang word na Ms. Judgemental.

Wala pa rin sagot si Sel at nagpatuloy pa rin sa pagpapaliwanag si Helios.

"And, I understand what you are saying minutes ago? Siraulo ako? Well, sorry I'm not but we'll see kung magiging siraulo ako, especially that I met someone like you." Nakangiti at kumindat niyang saad kay Sel, nanlaki ang mga mata namin nila Rees.

"Woah, dude." Nagfist bump naman ang tatlo habang tumatango-tango.

In the midst of UnlikenessWhere stories live. Discover now