SELENE'S POV
Umorder na yung tatlo, si Vlint, Kiro at Helios. Nang hindi na namin sila matanaw ay agad naman nagchika itong si Elic.
"Hoy alam niyo ba? Ijan is acting really weird lately." Usal nito.
"Yeah, pansin niyo rin pala yon." Sabat ni Kienne.
"Oo nga, parang biglang nabadmood nung makita kayong magkasama eh." Sabay tingin ni Cali sa'kin at kay Fin.
"Feeling ko nga may gusto na sayo 'yon Sel." Sabat ni Rees.
Sinasabi ng mga 'to? Ganon pa rin naman si Helios. OA lang ata 'tong mga 'to.
"Hindi ah? Ganon pa rin naman siya simula nung una natin siyang nakita hanggang ngayon." Pagtutol ko.
Tsaka asang magustuhan ako non, we're not enemy nor friends. Magkakilala lang kami.
"Osige pustahan." Sabat ni Cali.
Aba't mga kupal gagawin pa kaming pustahan para magkapera?
"Hoy ayusin mo buhay mo Cali." Sabat ko at tinawanan lang ako.
"Oh basta may kakaiba sa kinikilos ni Helios." Paniniguro ni Elic.
"Yeah, agree." Sabat nila.
"Oh 'wag na kayo maingay malapit na sila." Anunsyo ni Fin na syempre narinig ang lahat kanina.
"Kayong magkakaibigan, kung makapagkwentuhan kanina tungkol kay Helios grabe eh. Pero nung paparating na parang wala lang." Mahinang saad ni Fin sa'kin kaya napatawa ako. 'Di man aki tumingin sa gawi ni Helios alam kong nakakunot na naman o nakasalubong ang kilay nito.
"Ayan na ang fooodss." Saad ni Elic para hindi magduda yung tatlo kung may pinag-usapan ba kami o wala.
"Teh, kita din namin kasi may mata kami." Pamimilosopo ko.
"Love, oh look. Inaaway ako ni Sel." Kunwaring naiiyak na usal ni Elic.
Kung hindi ko lang 'to kaibigan naiumpog ko na 'to sa lamesa HAHAHAHAHAH joks. Nakikinig lang ako sa bangayan nila at ito namang si Fin may sinabi.
"Alam mo lahat pala kayo bungangera 'no? Y'all are too loud, eh magkakalapit lang namna kayo." Halos pabulong niyang saad kaya kami lang anh nakarinig at natawa ako.
Natapos ang tanghalian at babalik na kami sa aming kaniya-kaniyang classroom pero nanibago ako hindi man lang ako kinulit nitong si Helios di tulad ng ginagawa niya noon. Oh eh ano namang pakialam ko? Mas goods nga 'yon eh.
"I told you, he's acting weird." Sabat ni Elic.
"Agree." Mahinang saad nila.
"Hindi 'yon weird, it's natural." Paniniguro ko kahit alam ko sa sarili kong kakaiba talaga.
"Natural pa rin ba sayo yung inasta niya ngayon? Sabihin nating oo but let's see on the following days." Sabat ni Cali na may pinupunto.
Nakarating na ako at si Fin sa room at humiwalay na rin ang iba ko pang kaibigan. Iniisip ko ang mga pinapakita sa'kin ni Helios, ang gulo niya. Basta sa'kin natural pero may mali. I don't know.
Tama ba sila may gusto ka sa'kin pero kasi malabo pa sa blur eh. Wala akong nararamdaman sayo pero kung ipagpapatuloy mo ang pinapakita mo maaaring mahulog ako.
Natapos ang mga walang sawang paalala ng mga prof kung ano ang dapat gawin at gamitin tuwing time nila. Buti naman at wala pang gawaing mga binigay siguro naiintindihan naman nila na nagaadjust pa kami. Salamat naman, dumaan ang ilang oras at uwian na. Lumabas na ako ng room at kasabay ko ulit si Fin.
"Sel? Are you okay?" Tanong nito at bakas talaga ang pagaalala sa mga mata nito.
"Ha? Oo naman Fin." Saad ko habang nakangiti.
"That's nice, pansin ko kasi kanina ka pa parang lutang." Sabat niya.
So kanina niya pa ako tinitingnan? Ikaw talaga Fin ha, iisipin ko may crush ka na sa'kin HAHAHAHAH.
"Ah hindi naman." Sabat ko at pilit ba ngumiti.
"Hoy babae." Tawag ni Kienne.
"Yes, Kienne?" Sabat ko.
"Nagchat si Elic sa gc sabi niya hindi na raw siya makakasabay sa'tin kasi sasabay na siya kila Kiro." Paliwanag ni Kienne.
Edi hindi ko na makikita kahit saglit si Helios? Eh ano naman bang pakialam ko? Duh self don't tell me nagkakaroon ka na ng pake sa kaniya? No way, 'di kami magkakasundo niyan. Ang dami naming pagkakaiba at 'yon ang pinakakinaaayawan ko.
"Oh ba't parang nakabusangot ka d'yan?" Sabat ni Cali.
"Eh pa'no hindi nasilayan si Helios kung kailan uwian na." Tugon ni Kienne.
"Ah guys dito na ako, dito na nakapark ang kotse ko eh. Bye guys, bye Selene see you tomorrow." Sabay ngiti nitong si Fin.
"Grabe iba ka talaga mare, Rapunzel yarn?" Sabat ni Rees.
"Mga baliw, ganon lang talaga si Fin. Siya una kong nakaclose sa'ming magkakaklase." Saad ko.
"Malay mo una mo rin maging boyfriend." Sabat ni Kienne.
"We'll see kung papayag ang isa." Biglang makahulugang sabat ni Vlint.
"Agree." Pagsang-ayon ni Cali.
Pft, itong dalawang 'to kupal. Kung ano-ano siguro napapansin ng mga 'to eh, kaya kung ano-ano rin ang sinasabi.
"Both of you, will you please stop imagining things and have a false accusation about someone or someone's feelings?" Sabat ko.
"Maka false accusation ka naman d'yan? Kailan pa naging mali ang mga napapansin namin mismo? Tsaka lakas makakriminal ha, illegal ba magmahal o magkagusto ngayon? Isang krimen na ba 'yon sayo? Tsaka anong someone someone ka d'yan? Wala naman kaming tinutukoy, ikaw ang may binubuong konklusyon d'yan." Sabat ni Cali.
Ay shet may punto siya.
"Heh, wala ah. Yung sinasabi niyo may pinaparating eh." Dipense ko.
"Accusation means someone done something illegal or someone committed a crime. If the way I act towards you is kinda accusation for you then I'm ready to be imprison." Biglang sabat ng pamilyar na boses.
Ang boses na 'yon, shet. Si Helios yon.
"Wews." Sabat ni Vlint.
Hindi ko napansin na bumalik sila dito sa may gate.
"O-oh E-elic? Akala ko m-mauuna na kayo?" Pag-iiba ko ng usapan sapagkat wala akong salitang maibabato ngayon sa sinabi niya.
"Ah binalikan namin si Rees kasi sabi niya sasabay daw siya sa'min." Nakangiti niyang sabat, alam ko nasa utal nito eh.
"True, pinabalik ko sila. Wala akong sasakyan eh. Nagcommute lang ako kanina." Sabat ni Rees.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-