SELENE'S POV
Kailangan ko nang pumunta ng cr, hindi ko na matagalan ang paninitig nitong si Helios. Parang may balak eh eme HAHAHAHA basta kailangan ko na pumuntang cr para makahinga dahil naiirita ako sa presensya niya.
"Excuse me, cr muna ako." Paalam ko at tumango naman sila.
Pero hindi talaga ako sa cr dumiretso, sa labas ako dumiretso. May parte kasi sa resto na 'to na parang tambayan, maganda ang view at sadyang nakakawala ng inis. Anong mayroon sayo at ayaw na ayaw ko sayo? Bukod sa pangiinis mo ano pa ba ang kinaaiinisan ko sayo? Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis kong iyon. Naputol ang pagkausap ko sa sarili ko ng may nalanghap akong usok.
"Kuya excuse me? Kung may balak ka pa lang bugahan ako sana naging tambutso ka na lang." Mataray kong saad.
"Harsh as always." Sagot nito at nagulat ako sa pamilyar na boses nito.
"Anong ginagawa mo rito?" Nakataas kong kilay na saad.
"Naninigarilyo malamang, may dala nga akong stick ng sigarilyo 'di ba? Alangan namang maglaba ako rito?" Pilosopong saad nito.
Naninigarilyo pala 'to, bisyo pft. Ayaw ko pa man din sa naninigarilyo. 'Di talaga tayo magkakasundo duh ayaw ko ngang magkasundo tayo eh.
"Ha, ang funny mo. Last mo na 'yan." Pagtataray ko.
"Teka nga bat ba inis na inis ka sa'kin?" Tanong nito.
"Ewan ko, ayaw ko sa presenya mo eh." Sabat ko.
"Ayaw mo sa presenya ko, dahil ako mismo ang gusto mo ganon ba, Sel?" Natatawa niyang sabat at unang beses na tinawag niya ako sa palayaw ko.
"Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihin mismo sa harapan ko 'yan?" Usal ko.
"It's none of your business." Panggagaya niya sa'kin.
"Alam mo ba kaya ako umalis para makalayo sa presensya mo tas ngayon susunod ka naman?" Sabat ko.
"Oh sorry, hindi ko na kasalanan na smoking area ang kinatatayuan mo ngayon." Sabat nito at hinanap ko ang signage na nakalagay rito at ayon nga potek ba't naman hindi ko napansin yon?
'Di ako makapagsalita, parang gusto ko na naman lumubog bigla dahil na naman sa kahihiyan.
"O-oh m-malay ko b-bang may signage d'yan." Nauutal na sabat ko sabay turo sa karatulang 'yon.
"Palusot." Saad niya.
"Palusot your ass, moron." Sabay alis at nakabusangot na naman papasok sa resto at bigla niyang tinapon ang paubos niyang sigarilyo at sumabay sa'kin pero binilisan ko maglakad para mauna ako at nakasunod siya.
"Ay kailangan sabay?" Tanong naman nitong si Cali na akala mo imbestigador kung mangilatis.
"Asa, siya ang sumabay sa'kin." Sabat ko.
"It's coincidence, wag kang assuming miss." Tutol ni Helios.
"Ha? Ang kapal ikaw nga 'tong sum-" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.
"Shut up or I'll make you shut up?" Pagbabanta nito.
Okay what the potek, bigla akong napipe sa sinabi niya, natakot ako sa maaaring mangyari kaya tumahimik na lang ako. Edi ayon, after non naglakad-lakad kami at handa nang umuwi at naalala ko na naman na katabi ko 'tong mokong na 'to. Oh, I have a bright idea, lumapit ako kay Elic.
"Beh, tabi na lang tayo mamaya sa likod? Please." Usal ko habang nagpuppy eyes.
"Sel, puppy eyes ba 'yan? Bagay, mukha ka namang bilot (tuta)." Natatawang sabat ni Elic.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-