SELENE'S POV
"Hoy mga marecakes, narinig niyo naman ata 'yon. So, tara na." Sabi ni Elic.
Ayon na nga, lumabas na kami sa kwarto ni Elic para magdinner. Ayaw pa naman nila tita at tito ng nagiintay kaya dali-dali kaming bumabang magkakaibigan.
"Oh, hi girls." Bati ni tita Tess, ermat ni Elic.
"Oh, hi girls." panggagayang bati rin ni tito Roj, erpat ni Elic."Hello po, tita tito." Bati namin ng mga kaibigan ko.
"Di ba malapit na pasukan niyo? Nako for sure new school year, it means new boys." Sabi ni Tita Tess na halatang nangaasar.
Nagtinginan kaming magkakaibigan at saka sabay na tumawa. Sa aming lima, dalawa lang ang may boyfriend, si Elic at Kienne. Well, alam naman nila tita na may boyfriend na si Elic and hindi naman sila tutol, ganon din sa pamilya ni Kienne. Elic's boyfriend is Kiro Fidel while, Kienne's boyfriend is Vlint Waner, they are both close to us. We are all friends, lahat kami nagkakasundo dahil pare-pareho kami ng gusto at gawain.
"So, anak kumusta kayo ni Kiro?" Tanong ni tito Roj kay Elic.
"Ayos naman dad, going stronger," kinikilig na sagot no Elic. Nakangiting tumango naman ang tugon ni tita at tito.
"How about us naman 'di ba?" Biglang sabat ni Cali habang nakapamaywang.
"True ka d'yan marecakes." Pagsang-ayon naman ni Rees.
"Mga beh, don't y'all worry because, as tita said, new school year means new boys." Sabat ko habang tumatawa na halatang excited na rin.
"Ay yes, nagsalita ang ready sa commitment." Sabat ni Kienne na halatang may bakas ng pagkasarkastiko.
"Duh, whatever bij." Sagot ko sabay irap at ayon na naman ang pagtawa ng mga kupal kong kaibigan pati nila tita at tito.
"Salamat po sa dinner, Tita Tess at Tito Roj." Sabi ni Rees.
"Salamat po." Sabat din ni Cali habang nakangiti.
"No worries girls, always kayong welcome rito sa bahay." Nakangiting sagot ni Tita Tess at sabay-sabay na kami pumanhik sa kwarto ni Elic.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-