SELENE'S POV
Siraulo ata 'to, kanina pa hoy nang hoy.
"Are you deaf?" Tanong naman ni Helios. Sino bang kausap nito, parang tanga lang. May nakikita ba 'to na hindi namin nakikita? Grabe ka- naputol na naman ang pangungusap ko sa sarili ko ng sumabat si Helios.
"Sel." Bakas ang pagiging seryoso at pagkamaawtoridad nito.
"Oh, hi Helios." Pilit ngiti kong tugon.
"Kanina pa kita tinatawag eh." Sabat niya.
Lah? Ako raw tinatawag niya, eh wala nga akong Sel na narinig eh puro hoy nga narinig ko. Imbento ampotek.
"Me? Seriously Helios? Eh wala nga akong narinig na Sel eh, ngayon lang kaya lumingon na ako." Sabat ko.
"Kailangan muna kitang tawagin sa pangalan mo bago ka lumingon?" Nakangiti niyang sabat.
Malamang, sa ganda ng pangalan ko tas hoy lang itatawag mo? HAHAHAHAH chos pero totoo naman eh hindi hoy pangalan ko 'no duh.
"Maybe? Puro ka hoy eh may pangalan ako. Ano pang sense ng maganda kong pangalan kung hoy lang itatawag mo?" Pagtataray ko.
"What about love? Baby or babe? What if I'll call you with that, lilingon ka ba?" He chuckled.
Aba't siraulo 'to, namumuro na 'to sa'kin ah, bibingo na. Kapal, love? Baby? Babe? Duh mukha mo Helios, over my unique and pretty name HAHAHHAHA joks. Lupa lamunin mo na ako, kung ano-ano na naman lumalabas sa bibig nitong si Helios. Sakto, malapit na ako sa room.
"A-ah guys, d-dito na room ko." Pilit na ngiting saad ko.
"Oh eh bakit nauutal ka d'yan?" Tanong ni Kienne.
"H-ha? N-nauutal, sino?" Kunwaring natatawang tugon ko.
"Wala." Natatawa namang sabat ni Kienne at tumingin kay Helios na iiling-iling.
Siraulo ka talaga Helios, sana 'di masarap ulam mo mamaya. Iwinaksi ko muna ang mga sinabi ni Helios para sa introduce yourself kasi nga naman baka ano pang masabi ko. Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang magpapakilala, letter D ang surname ko kaya madali lang matawag.
"Hi, good morning. I'm Yurika Selene Dalaxiano. I hope we can be friends." Magiliw na bati ko at ramdam ko ang paninitig ng mga kaklase ko sa'kin.
"Hi, Selene." Pagbati naman ng kung sinong lalaki 'to.
"A-ah hell-" naputol ang sasabihin ko dahil sumabat siya, ano 'to Helios 2.0?
"Fin, Fin Zourel." Pagpapakilala niya at iniabot ang kamay sa'kin.
"A-ah hello, Fin. Nice to meet you." Sabay ngiti at inabot ko ang kamay niya.
"If you don't mind, can I invite you for lunch? Tutal maya-maya lunch na rin naman." Nakangiti nitong saad at lumabas ang malalim na dimple, grabe. Marupok ako ha eme.
Pero grabe naman 'to ang speed, mas mabilis pa sa sopas. (Sana gets niyo HAHAHAHA).
"A-ah thank you for inviting pero kasama ko mga kaibigan ko mamaya eh." Naiilang kong sagot.
"Ah ganon ba? Okay, maybe next time." Nakangiti niyang saad at pumunta na siya sa upuan niya. Tinanguan ko lang 'to.
Tumagal ang pagpapakilala, paulit-ulit bawat subject kaya ayon lunch time na.
"Sel." Tawag na namin niting si Fin. Well, mukha rin naman siyang mabait tsala nanlalaban din ang mukha at height nito pero pass, PASSADO HAHAHAHAHAH joks. Sel, behave nandito para mag-aral. Natatawa na lang ako sa pagkausap sa sarili.
"Oy?" Tugon ko sabay ngiti.
"Sabay tayo papuntang canteen." Yaya niya at um-oo naman ako. Sabay lang naman eh, bahala sila kung issue na sa kanila 'to.
"Hmm okay." Simpleng tugon ko. Malapit na kami sa canteen ng bigla akong tawagin Elic.
"Hoy, Selene. Grabe 1st day ah, 1st boy din ba 'yan?" Natatawa niyang saad, kasama niya si Cali kasi sa same building sila.
"Alam mo Elic, 'di mo lang kasama si Kiro nababaliw ka na naman." Sabat ko.
Saktong paglabas din nila Kiro at lumapit ito agad kay Elic para halikan sa noo.
"PDA ampotek." Sabat ni Cali.
"PDA? Lah kumusta naman yung dalawang naghaharutan?" Sabat ko, habang nakatingin kay Kienne at Vlint na magkahawak ang kamay at maya-maya'y nagkikilitian. Hanep talaga.
"Hoy, Kienne. Baka nakakalimutan mong school 'to hindi pasyalan?" Mataray na saad ni Rees.
Natawa naman kami sa iniasal ni Rees. Bitter yarn? HAHAHAHAHAHA. Nakita ko naman ang paninitig ni Helios sa'kin, hindi naman masama hindi rin naman maganda. Wala lang sakto lang pero ba't kinakabahan ako? Para bang may nagawa akong mali.
"Hoy, Sel ipakilala mo naman kami sa kasama mo." Sabat ni Cali. Ay oo nga pala si Fin gagstik muntik ko na makalimutan.
"Ah oo, guys si Fin. Fin Zouler. Fin, my friends." Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila.
"Cali." Pagpapakilala ni Cali.
"Rees." Sabat naman ni Rees habang nakangiti.
"Kienne." Akmang kakamay, ay pinigilan agad ito ni Vlint. Pft possessive yarn. Natawa na lang si Fin.
"Elic." Aabutin na rin sana ni Elic ang kamay ni Fin nang samaan ng tingin ito ni Kiro. Grabe mga possessive talaga ampotek.
"Guys, chill. Mukha niyo akong bubugbugin eh." Natatawang sabat ni Fin.
"Bro, syempre mahirap na. Btw Vlint, Kienne's boyfriend." Natatawang sabat ni Vlint at next sumabat naman si Kiro.
"Kiro, bro. Elic's boyfriend." Pagpapakilala niya habang nakangiti.
"Nice meeting you all." Nakangiting bati ni Fin sa lahat.
"Hoy, Ijan ikaw? Wala ka bang balak magpakilala?" Natahimik ang lahat at nagtaka sa sinabi ni Kiro. Ijan? Huh? Bakit, eh 'di ba Helios pangalan nito?
"Wala." Tipid niyang sagot.
"Sige na Ijan, magpakilala ka na." Pilit ni Vlint at tiningnan ko naman ito.
"Fine. Helios Yeurijan Consorte." Walang kagana-gana nitong sabat.
Woah kaya pala Ijan kasi Yeurijan? Infairness nanlalaban din pala pangalan nito? Helios Yeurijan Consorte, pero teka nga ba't parang pareho kaming may Y, second name nga lang sa kaniya tas ako nasa first name. Tapos magkatunong pa na Yuri, iba lang spelling nung sa kaniya.
"A-ah I'm glad m-meeting you, bro." Medyo utal na sabat ni Fin. Tumango lang si Helios.
"Pft, I'm not glad meeting you." Mahinang saad nito pero rinig namin.
"Wews." Sabat ni Kiro at Vlint.
"Sel? Okay lang ba talaga sumabay sa inyo?" Pilit na ngiti ni Fin.
Nakakainis 'tong si Helios, ang ganda ng pagpapakilala sa kaniya ni Fin tas ganon ang pagpapakilala niya. Palihim ko itong inirapan pero nakita niya ako and he smirked.
"Oo naman Fin, halika ka tumabi ka sa'kin." Yaya ko.
Palihim ako tumingin kay Helios at nakakunoot na ang noo nito. Ano bang problema nito? Parang siraulo.
Nag-umpisa na silang umorder at nakaupo lang ako.
"Hi Fin." Bati ni Rees sa kaniya.
"Hello, Rees right?" Nakangiti niyang saad at tumango naman si Rees.
"Pasensya ka na ron sa inasal ni Helios." Sabat naman ni Cali.
"Ah that, it's fine." Natatawa niyang sabat.
Omg, feeling ko crush ko na siya. Ang bait niya tapos pak na pak ang peslak (mukha) mga ati.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-