HELIOS'S POV
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong may kasabay si Sel papuntang canteen. Sino naman 'tong asungot na 'to? Hindi pa ako nakakagawa ng hakbang at hindi pa nakakaporma ng sagad sa babaeng 'yan tas ikaw makakasabay mo lang siya ng ganon kabilis?
"Hoy bro." Tawag ni Kiro.
"What?" Sagot ko.
"Mukha kang angry birds." Asar nito sa'kin.
"Ganda mo magbiro, dude." Seryosong tugon ko at halata ang pagkasarkastiko ko. Medyo malapit na ako kila Sel at nagpantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni Elic.
"Hoy, Selene. Grabe 1st day ah, 1st boy din ba 'yan?" Natatawa pang saad ni Elic.
Sa mga sumunod na minuto, tuluyan na kaming nakalapit kila Sel tumingin ito sa'kin at nakakunot noo ko siyang tiningnan nang biglang sumabat si Cali.
"Hoy, Sel ipakilala mo naman kami sa kasama mo." Sabat ni Cali.
"Ah oo, guys si Fin. Fin Zouler. Fin, meet my friends." Nakangiti niyang pagpapakilala.
Fin Zouler huh? Pangalan pa lang, wala nang kadating-dating. Fin tas Heilos Yeurijan? It's obvious, I'm the winner at ayon nagpakilala na sila sa isa't isa.
Nakikinig lang ako sa pagpapakilala ng mga 'to. Nang matapos na sila ay hindi na ako umimik. Bigla naman nagsalita 'tong si Kiro.
"Hoy, Ijan ikaw? Wala ka bang balak magpakilala?" Natahimik sila at nagtaka sa sinabi ni Kiro.
Malamang nagulat 'tong mga 'to dahil tinawag ako ni Kiro na Ijan. Bibihira lang naman nila 'yon marinig or should I say this is the first time they heard Kiro calling me Ijan, malamang they're not so close to me.
"Wala." Tipid kong sagot.
"Sige na Ijan, magpakilala ka na." Pilit naman sa'kin ni Vlint, hindi man ako tumingin sa gawi ni Sel ay ramdam kong tumingin ito sa gawi ko. Kaya wala akong nagawa at nagpakilala ako, nakakainis.
"Fine. Helios Yeurijan Consorte." Walang kagana-gana kong sabat.
"A-ah I'm glad m-meeting you, bro." Hanep, nautal siya.
"Pft, I'm not glad meeting you." Mahina kong sabat pero sa wari ko'y narinig nila.
"Wews." Sabat naman ng mga mokong kong kaibigan, Kiro at Vlint.
Napansin kong lumapit si Fin kay Sel at para bang may binulong.
"Oo naman Fin, halika ka tumabi ka sa'kin." Sagot naman nitong si Sel, pft ano naman kaya ang sinabi nitong Fin na 'to. Nakakunot pa rin ang noo ko nang tumingin ako kay Sel.
She's not mine yet but keep your distance to her. Isa sa mga katagang gusto kong sabihin ngayon mismo sa mukha mo Fin Zouler, kaso wala, kaso hindi pwede. Hindi ko rin naiintindihan ang nararamdaman at sarili ko. Kung nagugustuhan ko ba talaga siya, sa mismong siya or nagugustuhan ko siya dahil para siyang si- para siyang si Xy.
"Bro, tayo na lang umorder. Tara." Yaya ni Vlint. Tumango lang kami ni kiro.
"Ikalma mo ang makapal mong kilay, Ijan." Natatawang saad ni Kiro.
"Manahimik ka na lang Kiro, patagal nang patagal dumadaldal ka eh." Pambabara ko.
"Tama, ikalma mo muna bibig mo Kiro. Badtrip ang Ijan natin." Natatawang saad naman ni Vlint, pinagkakaisahan ako ng dalawang 'to.
"Hoy Ijan, there's something or maybe someone bothering you?" Paniniguro ni Kiro.
"Wala." Sabat ko.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
Любовные романыThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-