SELENE'S POV
Grabe hindi ko naman alam na katulad din ng nangyari sa'kin ang sa kaniya, nagcheat din sa kaniya ang ex-girlfriend niya samantalang ako, nagcheat sa'kin ang ex-boyfriend ko. Same scenario but different reasons.
Naalala ko na naman ang pag-amin niya. Habang sinasabi niya yung mga katagang 'yon yung mata niya, bakas na bakas ang sinsiredad doon at respeto niya sa'kin. Sana nga Yeurijan, sana mapanindigan mo ang sinabi mong mahihintay mo ako.
"Sel." Tawag niya.
"Oh?" Sabat ko.
"Pwede ba tayo lumabas ulit? I mean katulad nito?" Tanong niya.
"Oo naman, magdadala na ako ng panggas. Nakakahiya naman kay Kiro." Natatawa kong sabat.
"Pft, sagot ko na 'yon ay pero kailangan ko rin ng bayad." Sabat niya habang nakangiti.
"Sige how much?" Paghahamon ko habang nakangiti.
"Money is not what I'm talking about." Sabat nito.
"Oh ano nga?" Sabat ko.
"Just your smile and laugh, that's enough. Sapat na 'yon na kabayaran." Sabat niya at malawak na ngumiti, inalis ko naman ang tingin sa kaniya at tumingin sa labas. Palihim akong ngumiti at sigurado akong hindi niya ito makikita.
"Hmm sel? Ayos ka lang? Did you enjoy the place?" He asked.
"Yes." Sabat ko.
"Did you enjoy the view?" Tanong niya ulit.
"Yes." Sabat ko ulit.
"Did you enjoy the food?" Tanong niya ulit.
"Yes." Sabat ko na naman.
"Did you enjoy the place together with me?" Sabat niya.
"Ye- wait what?" Nagulat ako sa bigla niyang tanong eh ba't ba?
"I said did you enjoy the place together with me?" Tanong niya habang nakangiti
Naging masaya ba ako? Well, maganda ang view at ayos din naman ang kinain namin. Pero hindi ang tanong niya kung nagenjoy ba akong kasama siya sa lugar na 'yon?
"H-hmm I t-think, it's a y-yes." Nahihiya ko pang sagot at tumingin muli sa labas.
"Yes what?" Nahihimigan kong nang-aasar 'to.
"Wala." Sabat ko.
"C'mon Sel, say it please." Sabat niya habang nakatingin sa'kin at nagpapuppy eyes? Potek bagay sa kaniya mukha siyang aso eh.
"Wag kang tumingin sa'kin ng ganiyan Yeurijan." Banta ko.
"Why? Because you find me cute huh?" Sabat niya. Lah kapal talaga nito kahit kailan.
"Asa, 'wag kang tumingin sa'kin ng ganon dahil baka mabunggo tayo tsaka naalala ko yung aso namin dati, kapag nagpuppy eyes ka kamukha mo siya." natatawa kong saad.
"So? Where's the dog you're talking about?" Tanong niya at saka ngumuso.
"Wala na, he's dead." Sabay lingon ko sa kaniya at nagulat naman siya.
"Hoy, Sel tigilan mo nga 'yan ang pangit mo magbiro." Sabat niya at nakanguso pa rin.
"Sino bang may sabing nagbibiro ako? Patay na nga yung aso namin na 'yon." Natatawa kong sabat.
"Baka mamatay din ako niyan, kasi sabi mo magkamukha kami kaya baka may chance na mamatay din ako." Sabat niya pa at lalo naman akong natawa.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomantikThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-