B E A
Bei, next week na submission ng research natin and you are not here?
Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kotse as I am reading the text of Althea. I texted them kasi na hindi ako makakasama sa group meeting and research dahil may lakad ako.
Anong lakad?
Gusto lang naman na magpasama ni Jho sa Batangas dahil fiesta daw sa kanila and she said gusto daw ako ma-meet ng Mama at kapatid niya.
I'll make it up the next day, I promise na may ma i-co-contribute din ako. Just let me have this day.. please. *pout.
And I hit send and start the car. Late na ako -- usapan namin ni Jho na susunduin ko siya sa dorm ng 10am para saktong pagkadating namin sa kanila ay lunch na. And it's already 10:30am cause I oversleep.
Beatriz, asan ka na? -- Jho texted.
At ilang sandali lang ay tumawag na ito. I accepted the call and put it on my bluetooth since I am driving.
Bea: I'm sorry, I overslept. Pero papunta na ako diyan. (agad kong sabi)
Jho: Naku naman -- okay sege.. nasa labas na ako nag-antay. Bilisan mo ang init pa naman dito.
Bea: You can wait inside naman po... I'll call you pagkadating ko.
Jho: Dito nalang ako para makonsensiya ka naman.
Bea: Hay naku Jho. Baka mas lalo ka pang umitim diyan. (as I let out a little laugh)
Jho: Tse -- bilisan mo na kasi. (medyo nairita pa nitong sabi)
Bea: Andiyan na nga ako -- i'll be there in 5 minutes.
Natataranta tuloy ako sa pagmamaneho ko.
Jho: Baka yang 5minutes mo 1 hour yan ha.
Bea: I know the way -- sege na, im driving.
Jho: Okay, bye ingat ka. (and then she turn off the call)
Nagconcetrate na ako sa pag dadrive hanggang sa makarating ako ng dorm. Naabutan ko naman na pabalik balik ng lakad si Jho sa labas ng porch ng dorm.
Tigas naman kasi ng ulo nito, sabing sa loob nalang mag antay.
I roll down my car window as I stop in front of her.
Jho: Your late again, sabi mo 5minutes?
Bea: 1 minute lang naman ah -- halika na.
Agad din naman siyang pumasok sa loob and we headed instantly.
Bea: You hungry?
Jho: Hindi pa naman, nag breakfast kasi ako kanina. Ikaw?
Bea: Im not hungry.
Halos dalawang oras rin ang byahe namin papunta sa kanila plus traffic din na hindi na siguro yun masusulosyonan. Buti nalang may kasama akong maganda yata ang mood at kahit ano ano nalang ang dinadaldal sa akin.
About highschool life, about her childhood na yung nahulog daw siya sa malaking butas at pinabayaan siya ng mama niya doon hanggang sa maghapon para daw hindi na siya maging makulit, about her love in art kaya niya kinuha ang kursong Information Design. And also about her Dad and how they ended up into broken family but her Dad is still supporting them. Buong byahe, it's all about her which is nag enjoy naman ako.
And to that, mas naging kampante ang loob ko sa kanya. She just make me laugh in any ways she want. and honestly I super enjoy it.
Jho: Pwede e-park sa may banda diyan -- wala naman masyadong dumadaan dito. (turo niya sa kabalang kanto.)