B E A
"How sure are you that Im into Jho."
Agad kong tanong ni Maddie.
Andito kami ngayon sa roof top ng dorm na kasama si Ponggay. Actually, ako lang naman talaga mag isa dito eh. Pagka kasi may klase si Jho at wala naman akong ginagawa sa bahay dito ako madalas tumambay.
Maginhawa kasi sa pakiramdam dahil masarap yung hangin dahil sa mga puno na nasa palibot at saka hindi mainit dahil may canopy.
Kaya kanina ng makita nila ako Pongs at Maddie ay naki-join na rin sila. Wala din kasi silang klase at hindi naman volleyball season ngayon kaya wala ring training.
"Duh! Hindi ba halata?" roll eyes pang sabi ni Ponggay.
"Hindi!" agad kong sagot. Oh talaga lang ha? Napainom nalang ako ng juice na nasa lamesa pagkasagot ko ng ganun. "At saka bakit niyo ba laging pinilipit yung sa amin ni Jho?"
"Ay! sarap lang batukan!? Ikaw na nga tong tinutulungan namin dito para atleast malabas mo yang tinginang malagkit kay Jho ikaw pa tong deny ng deny. Sarap mo din ibitin patiwarik eh." tuloy-tuloy sabi ni Maddie.
Ang harsh niya.
Napapalatak nalang ako. Bakit ba? At kung sabihin ko naman sa kanila na Oo! Sege na nga, crush ko si Jho. -- ay hindi -- mahal ko na nga ba siya? -- ano bang gagawin nila? Pano ba nila ako tutulungan?
"At saka Bei, tingin din naman namin na may gusto si Jho sa yo."
Napangitin agad ako kay Ponggay.
"Di nga?" di mapaniwalang bulalas ko. E kasi naman pag tinatanong ko si Jho na naiilang na ba siya lagi naman niyang sinasabi 'hindi o medyo o okay lang' tapos ang ending 'magbestfriend naman tayo'.
"Pinanganak ka bang manhid o bulag?" sarkastiko namang sabi ni Maddie. Kanina pa siya ha.
"E imposible naman kasi yang sinasabi ninyo." tutol ko. Ayaw kong mag assume no baka sa huli masasaktan lang ako.
"Eto ha -- try to imagine." tinabihan pa ako ni Maddie saka sumenyas-senyas pa yung kamay niya sa ere. "Sa dami-dami ng kaibigan ni Jho, sino lang ba ang umaakbay sa kanya ng ganito." at saka inakbayan niya ako pero agad ko namang inalis yun. Di ako sanay ah at lalong di ako komportable.
"Si Bea." singit ni Ponggay.
"Sino lang ba ang pumupunta sa building niya at sinusundo siya."
"Si Bea ulit."
"At higit sa lahat -- sino ba ang lagi niyang nilalapitan pag nasa training tayo."
"Si Bea!"
"Eh kasi nga bestfriend kami!" agad kong sabi para matigil na sila. "Aray ko!" Binatukan ba naman ako.
"Lahat ng sinasabi ko, ikaw lang gumagawa nun sa kanya at hindi siya nag rereklamo. Tingin nga namin gusto naman niya dahil kitang kita naman diba." Pinandilatan pa ako ng mata ni Maddie kahit singkit pa to.
"Alam niyo -- kayong dalawa." turo ko kina Ponggay at Maddie. "Tigil-tigilan niyo na yang kakatingin sa social media ha dahil parang pati pag iisip niyo na iimpluwensiyan na rin kasi eh."
"Ihulog ko na kaya to dun." nawawalang pasensiyang angal ni Maddie. Inalo naman siya ni Ponggay.
Crazy Maddie. Nakasalubong pa ang mga kilay.
"Relax Mads." natatawang hagod ni Ponggay sa kanyang likod. "Here. Inom ka muna -- hindi naman kasi ganyan mag interrogate."
Interrogate? Ako naman tong sumalubong ang kilay.