Third Person POV
Pagkatapos ng morning rituals nila sa oval ay punta agad sila sa Blue Eagle Gym for drills lalong lalo na malapit na ang season.
Rinig namin ang palakpak ni Coach Almadro nang makapasok na kami sa gym. Kanya kanya na din silang upo sa mga benches for motivational speech.
Mataman naman silang nakikinig sa pahayag ng kanilang coach.
"Malapit na ang UAAP Season at nasa bago tayong management ngayon." ang sabi nito habang palakad lakad sa harap ng mga manlalaro. "You did good job last season pero sa nakikita ko ay kulang pa ng lakas at puso kaya ngayon mas pagbubutihan pa natin ang ating trainings at mas mag fofocus tayo sa mga iilang drills like spiking at ang defense."
Coach Almadro once again clap and everybody stands up and find partners for some drills. Nagka partner ulit sila Jho at Bea para sa Spike Drill. Tinitrain din kasi si Bea para maging Utility spiker kahit middle blocker siya para naman mahasa ang techniques niya. Si Jho naman ang taga depensa sa likuran.
Makikita sa mukha ni Bea ang pag-aalala lalong lalo na pag natataman si Jho sa braso o di kaya gugulong para sagipin yung bola pero hindi niya gaanong pinapahalata dahil seryoso ang lahat sa training. May pagka stricto kasi si Coach Almadro kaya puro game face ang lahat.
Pagkatapos ni Bea ay palit naman sila ng posisyon ni Jho. Siya naman ngayon ang taga salo ng mga atake ni Jho pagkatapos ay taga kuha ng bola sa mga natatapon dahil pinalitan na siya ng dalawang libero.
Bigla naman siyang napalingon ng madinig niya ang impit na pagsigaw ni Jho habang nilalagay niya ang bola sa lagayan. Agad niyang nilapitan si Jho kahit napatayo na siya at akay akay ni Alyssa.
"Anong nangyari?" nag alala niyang tanong saka pinalitan niya si Alyssa sa pag-aakay.
"Hindi maganda ang landing ko." sagot naman ni Jho habang inaalalayan siya ni Bea paupo. Papalapit naman sa kanila ang therapist na si Jade.
"Namamaga na siya." komento nito kaya dali-daling nilagyan ng ice ang namagang bahagi.
"Is she okay?" tanong naman ni Bea na nasa tabi ni Jho. Hindi rin makakaila ang pag aalala nito sa kaibigan.
"Of course." Jade smile to her. Mataman din namang nakatingin si Jho sa kanilang dalawa. Dampi sa kamay ang nakaagaw ng pansin ni Bea kaya napatingin siya kay Jho.
"Okay lang ako. Ano ka ba --- ouch!"
"Okay ka nga."
Medyo natawa naman si Jade sa kanilang dalawa. Nahawa na din si Bea kaya medyo ngumiti siya dito.
"What's your name?" tanong ni Bea.
"Oo nga, bago ka dito?" sang-ayon ni Jho. Bigla naman siyang napahawak sa kamay ni Bea nung maramdaman ulit ang kirot sa kanyang tuhod.
"Sorry." Hinging paumanhin ni Jade. "Ako nga pala si Jade. Oo bago lang ako dito... kahapon pa ako ni-assign as therapist niyo ni Coach Oliver."
Tatango tango naman ang dalawa. Hindi maiwasan ni Bea na hindi mapatingin kay Jade dahil para sa kanya ay nagagandahan siya sa maamong mukha nito. This makes her feel giggle inside but it can't be. She shrug it off and look again to Jho.
"Pwede ka ng bumalik dun.. okay na ako dito."
Tiningnan ni Bea ang nasa court at tingin niya ay parang patapos na din ang trainings.
"Patapos na din siguro ang training. I'll stay here." aniya ni Bea.
"Ang sweet naman." komento ni Jade na kakatapos lang maglagay ng yelo sa buong tuhod ni Jho.
Hindi na rin nagsalita ang dalawa pero makikitang napapamulahan si Bea sa sinabi ni Jade.
"Lalagyan nalang natin ng brace yan after 2 hours pag nag subside na yung pamamaga." saka tumayo na si Jade. "Iwasan ang masyadong galaw sa paa ha. Kailangan lang talagang ipahinga pa yan. We will notify all your classes about the incidents. Maiwan ko nalang muna kayo ha."
Pagkaalis ni Jade ay siya ding paglapit ni ng mga team mates nila. Si Coach Oliver Almadro naman ay kinausap ang therapist tungkol sa nangyari at sa ano kung anong gawin.
"Buti nalang may instant tagabantay no?" umpisa ni Maddie.
"Oo nga eh.. instant concern agad." gatong naman ni Jia.
"Shh -- kayo talaga. Wag niyo nga ginaganyan si Ineng. Kita niyo naman na sobrang nag-aalala itong si Bea sa kanya oh. May pahawak pa ng kamay!" seryosong sabi ni Ella sabay upo sa tabi ni Jho. Agad din namang nagbitiw ng kamay ang dalawa.
"Isa ka pa eh!" tabig ni Den kay Ella.
"Tama na nga kayo sa panunukso sa kanila. O Jho, okay na ba pakiramdam mo? Kaya mo bang maglakad?" tanong sa kanya ni Alyssa.
"Hmm -- masakit pa Ate Ly."
"Samahan ko nalang po siya sa dorm ngayon Ate." presenta ni Bea na siyang ikinangiti ng ibang team mates nila pero nanatiling tahimik dahil kay Alyssa.
"Mabuti pa nga Bea." singit ni Coach Oliver na hindi namalayan ang pagdating. "Nakausap ko si Jade kanina na puntahan nalang si Jho sa dorm para doon ilagay ang braces. You can stay with her this day lang pero babalik ka bukas sa training. Ikaw naman Jho, pwede ka na sa susunod na araw nalang para makapagpahinga ang tuhod mo."
"Salamat po Coach."
"Okay girls, training adjourn. Don't be late on our afternoon training." pahabol na tugon ni Coach Oliver bago siya umalis.
Isa isa na ding nagsi alisan ang mga manlalaro dahil may mga klase pa sila. Tanging sila Bea at Jho nalang muna ang nagpa iwan dahil hindi pa kaya ni Jho ang tumayo. Minsan napapapikit nalang siya sa sobrang kirot.
Inayos naman ni Bea ang kanilang mga gamit saka nag punas nalang ng pawis. Tumingi sa relo dahil mukhang nakakaramdan na siya ng gutom.
"Malapit na pala ang tanghalian. Nagugutom ka na ba?" tanong ni Bea.
"Hindi pa naman pero baka ikaw nagugutom na?"
"Hindi pa din naman" tanggi nito pero sa totoo lang kumakalam na ang tiyan niya dahil konti lang ang nakain niya kaninang breakfast. Na didistract din kasi siya sa panunukso ng mga kaibigan. "Sabay nalang tayo maya-maya -- we can have a take outs." suhestiyon ni Bea.
"Sabihin mo lang sakin kung kaya mo ng tumayo ha. Bubuhatin nalang kita papuntang kotse."
"Ha? Bubuhatin mo ko?" gulat na pagkasabi ni Jho.
Tumango naman si Bea.
"Nakakahiya naman -- kaya ko na din sigurong maglakad."
"Di ba nga sabi ni Jade hindi mo pwedeng pwersahin ang tuhod mo. Pero kung naiilang kang buhatin kita, pwede na rin piggy back ride." suhestiyon niya ulit saka nag wiggle ng kilay.
Natawa si Jho sa tinuran ni Bea. She finds it cute.
"Ang cute mo rin eh." bulalas ni Jho na siyang ikinatigil niya.
"Ha?"
"Ang sabi ko ano -- ah! Tara, kaya ko ng tumayo. Nagutom na pala ako." taranta niya saka naman inaalalayan siyang tumayo ni Bea at maingat na sumampa sa likurang bahagi ng huli.
"Hmm! Amoy Pawis!" tukso ni Jho.
"Ikaw din kaya kaya quits lang tayo." natatawang sagot lang ni Bea saka nag-umpisa ng maglakad papuntang kotse.
And only both of them knows how fast their heart beats at the moment their skin touches.
-------------
Author's Note:
Hi guys, hindi na ako nag proof read kaya sorry kung may mga mali-maling grammar o spelling kayong madadaanan. Sana nag enjoy kayo sa bagong story na to :)
Ciao.