Chapter 24

622 19 4
                                    

J H O

"Bakit yan suot mo?" Tanong sa akin ni Nico nung makalabas na ako ng kwarto. Suot ko ngayon yung rainbow na tshirt at saka pants. 

"O bakit? Anong masama?" balik kong tanong habang sinusuklay ko yung buhok ko. 

Championship kasi ngayon ng UAAP Season 81 at pupunta kami ng MOA Arena para manood. Excited na ako -- excited na kinakabahan para sa team mates ko. Kahit hindi nakapasok ang Lasalle at hindi sila ang kalaban ngayon magaling din naman ang UST. Ang taas pang tumalon. 

At saka syempre -- suporta na rin para kay Bea no. Hindi na yun nag tetext eh -- siguro dahil busy sa trainings at exams niya na nagkasabay pa. 

"Rainbow talaga?" 

"Oo! Bakit ba Nico?" 

"That's LGBT Flag Jho."

Alam ko -- tuya ng isipan ko. Sa ito yung gust kong suotin ngayon.

"Wala na akong ibang damit." pagdadahilan ko nalang. "At saka paki naman kung LGBT ek ek to -- wala na ba akong karapatang magsuot ng rainbow color na damit? Halika na baka ma late tayo --" 

Dami pang issues sa buhay. 

Agad ko siyang hinila para makaalis na kami. Kanina pa nag tetext sa akin si Ate Ella kung nasan na ba ako dahil madami na daw tao sa Arena. 

Halos isang oras din yung byahe namin dahil sa lintik na traffic na yan. Dapat 15-20minutes lang yun eh. 

Pagkadating namin ay agad akong pumunta ng dug out. Gusto ko lang makita yung teams para kumustahin sila. 

"San ka pupunta?" tanong sa akin ni Nico nung bumitaw ako sa kamay niya. 

"Sa dug out. Una ka na dun -- susunod lang ako maya maya." tapos ay nagmartsa na paloob ng dug out. 

Nang makita ako ng teammates ko noon ay binati agad nila ako at kinamusta ko na din pero yung makita ko hinahanap yung matangkad na tao pero parang wala siya dito. Asan na ba yun?

"Nasa washroom lang --" biglang sabi sa akin ni Maddie. 

Napairap nalang ako -- mind reader yata tong babaeng to eh. 

"Sino?" maang-maangan kong tanong.

"Si Bea! -- sus -- si Bea lang naman kasi pinunta mo dito." 

"Uy -- di ah -- kayo talaga pinunta ko dito no." 

"Kasama mo yung boyfriend mong malandi?" tanong ni Ponggay ng makalapit sa amin ni Maddie.

"Grabe naman to. Oo-- andun na sa loob."

"Hiwalayan mo na kasi -- alam naman naming --" di na natuloy ang sinasabi ni Ponggay ng lumabas na si Bea galing ng washroom.

"Jho --" agad niyang tawag ng makita ako. Pano ko ba siya makakalimutan kong ganito siya sa akin despite sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa kanya?

"Hi." masigla ko namang bati. Lumapit siya at niyakap niya ako ng ilang segundo. 

"Ay mas malandi pala to." hirit pang sabi ni Maddie tapos ay iniwan na nila kami ni Bea.

"Goodluck Bei -- pero sure akong makukuha niyo championship ngayon." pagpapalakas loob ko sa kanya.

"Talaga? You believe that?" kita sa mata si Bea yung pag-asa na kaya nila ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now