B E A
Ang bilis dumaan ang mga araw na naging buwan pero habang tumatagal ay mas lalong lumalalim yung nararamadan ko kay Jho. Everyday I always makes sure that she is the happiest. I'll buy her some random gifts, treat her to watch sine, surprise her for a dinner date and ofcourse showered her a little bit corny jokes and love quotes in her cellphone.
Minsan naman ay mag jo-joyride din kami o di kaya sasama siya sa family bonding namin and I love how my family treat her -- and speaking of treating her -- alam naman nila mommy at daddy what I felt towards Jho. At first nagulat sila, hindi din naman nila yun inaasahan -- ako nga rin eh, i caught off-guard. But eventually, they accepted me naman and they are proud of my braveness on telling them the truth.
But speaking of telling the truth -- sumuko na sila Ate Ella sa kakatalak sa akin dahil hanggang ngayon hindi ko pa din nasasabi kay Jho kung pwede ko ba siyang ligawan o ang tanungin lang ba siya na kung ano sa tingin niya kung talagang totohanin na namin yung ship-ship na yan.
Natatakot kasi ako.
Natatakot na baka pag sinabi ko -- lalayo siya sa akin, maiilang siya sa akin at tuluyang mawala yung friendship namin. Kahit may mga green flags na akong nakikita ayoko pa ding mag take ng risks. Naalala ko kasi nung time na pabiro ko siyang sinabihan ng totohanin kaya namin -- ayun, todo kantyaw ang natanggap ko at saka may sinabi pa siyang pwede namang turuan ang puso.
Siguro okay na sa akin to ngayon -- sa amin -- yung safe.
Pano pag naunahan ka?
I dont want to think about that -- siguro saka ko na isipin yun pag andiyan na. Sa ngayon sulitin ko ang bawat araw na kasama si Jhoana -- mga araw na masaya na nandiyan siya. Panalo o talo -- basta yakap agad pag nakascore. Okay na ako dun.
Pero kahit naman open na kami sa ganyang set up at open kami sa mga fans dahil minsan ay pinagbibigyan namin sila hindi maiiwasan na matatapakan na yung privacy namin. Yung tipong sila yung na didikta kung ano gawin namin -- dapat ganun dapat ganyan -- tao rin naman kami -- naiinis sa mga ganyang bagay. May sari-sarili kasi kaming buhay at ayaw naming umiikot yung mundo namin sa mga taong sariling kapakanan lang ang iniisip
May times nga dinumog kami ni Jho at nasabunutan pa siya ng di namin kilala at hindi rin namin nakita. Halos umusok na ilong niya sa inis pagkasakay namin ng kotse at ako pa ang napagbuntungan niya ng inis.
Kaya may mga panahong distant na kami sa isa't-isa pag lumalabas na kami ng dug out o di kaya pag umaalis na kami ng arena. Pag magkasama naman kami ay sinisiguro din naming wala ng masyadong tao o di kaya sa backdoor kami lumalabas papuntang parking lot. Para kaming mga artista.
Nakapasok kami sa semi finals ng Volleyball Conference kaya todo paghahanda namin. Yung dating papitiks pitiks lang kasi daw hindi UAAP nag iba ihip ng hangin ngayon. Sabi ni Coach O na we always put our head in the game mapa UAAP man o hindi dahil hindi naman pangalan namin ang dala dala namin kundi pangalan ng Ateneo.
Kaya naman maaga kaming gigising at medyo gabi na rin makaka uwi kaya minsan mag tetext nalang ako kina Daddy at Mommy na sa dorm nalang ako makikitulog. Sinabihan pa nga ako nila Ate Ly na sa dorm nalang ako mag stay hanggang matapos yung Ateneo carreer ko pero ayaw ko din naman magdesisyon sa mga ganyang bagay dahil alam kong hindi rin naman papayag sila Dad.
Kagaya today, I am comfortably hugging Jho habang tulog pa din siya at syempre naka hug din siya sa akin. Unti unti kong minulat yung mata ko para e check sana kung anong oras na pero --
"Shet!" Agad kong bulalas dahil almost 7am na. Bumalikwas agad ako ng tayo na ikinagulat naman ni Jho na parang naalimpungatan.
"Ano ba Bea!" Reklamo niya. Lumingon siya sa side table clock and I swear parang gusto kong humagalpak sa tawa ng makita ko yung nanlalakihan niyang mata sa gulat. "Shet shet shet!! O my gosh! Late na tayo!"