B E A
Nagising ako ng maramdaman ko ang mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko pati narin ang mahinang hilik na narinig ko. With my eyes a bit close ay lumingon ako sa natutulog pa ding si Jhoana who snuggle at me. Di ko tuloy mapigilang di mangiti dahil sa inosenteng mukha na maagang kong nabungaran.
Medyo maliit kasi yung bed niya dito sa dorm kaya halos pinagkasya nalang naming dalawa ito unlike dun sa bahay ko ay queen size yun kaya kahit na magkatabi kami matulog doon ay di kami masyadong magkadikit. This is the first time that Im super close with her na medyo naka awang pa ang bibig.
Bago pa ako mawala sa huwesyo ko na baka madampian ko pa siya ng halik ay agad na akong bumangon at pumunta ng banyo. Buti nalang wala kaming trainings ngayon dahil kung hindi paniguradong late na ako.
Total mamayang hapon pa yung klase ko I decided to stay a bit dito sa dorm para maka pagprepare ako ng breakfast para kay Jho bago ako umuwi ng bahay. Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay bumaba na ako sa kusina.
Nadatnan ko naman doon si Ate Ly na nagkakape. Tulog pa siguro yung ibang team mates namin o yung iba ay mag maagang pasok siguro.
"Good morning Ate Ly." bati ko bago ako kumuha ng tasa para magtimpla din ng kape.
"Good morning Bei -- di pa nagising si Jho?" tanong niya.
"Not yet -- she's still snoring." natatawa kong sagot. Pagkatapos kong magtimpla ay kinuha ko yung hotdog at bacon sa freezer at nilagay sa may sink para ma-thaw at saka ako naupo katapat kay Ate Ly.
"Anyway -- you doing good in our game kahapon." compliment niya. "You really improve a lot -- keep it up."
"Thank you Ate Ly. You know naman that I will really do my best para naman atleast mapantayan ko kayo." Ate Ly kasi is a legend na and she's one of the athlete that I am looking up to.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Im flattered!" Pabiro niyang sabi. "Ngapala, If you dont mind may tatanong sana ako sayo Bei."
Mataman naman akong tumingin sa kanya hudyat na pwede siyang mag tanong na kung ano at sasagutin --
"Are you dating Jho?"
Napa awang tuloy yung bibig ko sa tanong ni Ate Ly. Buti nalang hindi ako uminom ng kape dahil kundi baka naduraan ko na siya sa gulat.
At saka ang bilis ng epekto ng kape biglang nagpalpitate yung dibdib ko. Whew! But I remain my cool -- ayokong mahalata niya na nag ci-cringe na ako.
"Im sorry kung na shock ka." Paumanhin ni Ate Ly. Parang naramdaman yata niyang nangangapa ako ng sagot.
"Its okay Ate." Tugon ko nalang. "And nope. Im not dating Jho." sagot ko sa kaninang tanong ni Ate Ly. Tatango tango naman ito sabay higop sa kanyang kape.
"Well, don't get me wrong if you have something for her."
Natawa tuloy ako dahil parang ganun na yata ako ka obvious at Jho nalang yung hindi pa nakakahalata. Grabe namang manhid yun.
"But as a team and ofcourse as your team captain, gusto ko sana na e-consider mong team mates kayo and you know that if something happens baka maapektuhan ang buong team. I hope you get what I mean, Bei. And I know one day, you'll be a team captain, maiintindihan mo talaga ako." dagdag pa niyang sabi.
Natawa ulit ako sa sinabi ni Ate Ly cause me being a team captain. Wushu -- matagal pa siguro yun o baka hindi mangyayari yun. Madami pa akong dapat matututunan para makuha ko yung level na yun.
At saka about sa amin ni Jho, gets ko naman yun -- kaya nga mas lalong nagdahan dahan ako sa nararamdaman ko kanya. Ayoko din naman mauwi sa wala yung pinaghirapan ng buong team.