Chapter 10

296 11 1
                                    

B E A

"Don't make yourself drunk!" Sabi sa akin ni Jho habang umiinom ako ng San Mig Light ngayon.

It's our victory party after we get the Championship. Andito lahat ng mga players pati na rin yung ibang players sa iba't ibang sports and even some students and some fans are here too, pero para naman di ako dumugin ay nilagyan ng harang from our tent to the fans at may bantay ito sa magkabilaan. 

"I won't." sagot ko with a smile on my face.

Magkatabi kami ngayon ni Jho and panay naman ang sigawan ng mga fans na nasa di kalayuan namin. Di na nga namin nakikita mukha nila dahil sa hawak-hawak nilang cellphone.

Jhobea!! Jhobea!!

Nakita ko ding parang naririnding lumapit sa amin si Jia at si Ate Ells.

"Pano naman kasi, nagtabi yung dalawa. Hindi matatapos yang sigawan ng mga yan!" sabi ni Jia habang paupo na tumabi din sa amin. 

Nagpaparinig na naman tong mga to. 

"Sinabi mo pa! Sakit na nga ng tainga ko." dagdag naman ni Ate Ells na pinanlakihan kaming dalawa ni Jho ng mata. Nag gesture pa itong parang kinilikot yung tainga niya.

Para namang walang narinig si Jho sa sinabi ng dalawa at sumandal pa sa akin habang naglalaro naman sa cellphone niya. 

"Oh sumandal pa!" di makapaniwalang saad ni Ate Ells.

"Yaan mo nalang kasi sila Ate Ells." sabi ni Jho na di tumitingin sa amin at busy sa paglalaro ng kanyang cellphone. "Ayoko ding iwanan tong higanteng to, baka malasing -- naka tatlong bote na ng beer o."

Tiningnan ko naman yung hawak kong beer na nasa kalahati pa lang.

"Ikadalawa ko pa lang to ah." napunta na agad siya sa pangatlo?

"Advance eh." 

"Eh ikaw, di ka nainom?" tanong ni Jia kay Jho. "Hoy!! laro ka ng laro diyan." asik naman niya tas hinablot yung cellphone nito.

"Jia naman eh." reklamo nung isa saka tumayo. 

Napatingin naman ako kay Jho. Nakasalubong pa ang kilay nito na parang naiinis na kinuha ni Jia yung cellphone niya.

"Relax Jho, we are here to enjoy." ngiting sabi ko sa kanya.

"Oo nga, tapos upo upo ka lang diyan, laro-laro sa cellphone at sandal-sandal diyan sa Beatriz mo." nanunuksong sabi nman ni Jia sabay tungga ng beer na hawak niya.

Walang magawa si Jho kundi naupo nalang uli sa upoan at akma sanang iinumin ko na yung hawak kong beer ay kinuha niya ito sa kamay ko at tinungga niya. 

Nanlaki ang mga mata ko habang tininitingnan siyang iniinom yung dati kong hawak na beer. Nadinig ko ding yung kaning ingay ay parang domoble pa. 

Anong problema ng babaeng to. Nagtataka na ako sa kanya. Pagtapos kasi ng championship nung isang linggo ay parang naging protective na siya na di ko mawari. Don't get me wrong na hindi ko gusto yun, actually, gustong gusto ko nga eh at parang -- hay. 

Hindi lang yata gusto ko lang si Jho -- I think --.

"Oh." sabay abot ni Jho sa akin nung bote na parang naubos na niya. 

"Konti nalang kaya yan." reklamo ko naman. "Wait let me get you one. Ikaw Ji?" 

Tiningnan ni Jia yung hawak niya saka tumango indicating that she want another one. Pagtayo ko ay nag usap na ang tatlo at yung tanging narinig ko nalang ay -- nakakainis kasi -- na galing yung kay Jho. 

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now