Chapter 15

286 11 0
                                    

B E A

"Ay Otso talaga." Bungad sa akin ni Maddie ng makita akong nakasuot na ng new jersey namin. Nagpalit kasi ako ng jersey number nung nagsukatan na dahil since conference lang naman ito at hindi ito UAAP. 

Bakit nga ba?

Nung nagsimula na ang sukatan ng jersey namin ay magkatabi kaming nakaupo nila Ate Ella, Jia, Maddie at Ponggay. Si Jho kasi ang unang sunukatan sa amin kaya kaming lima ay parang mga batang nakatingin lang sa kanya.

Amuse na amuse naman ako at saka nakapangalumbaba sa kaliwang kamay ko. Yung apat naman ay nakangiwing panaka-nakang nakatingin sa akin. 

Wala eh. Inlove na ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nasa isip ko din kung pano ko nga ba sabihin sa kanya na mahal ko siya? Pero yung indirect way of saying it -- yung parang hindi ganun kahalata. 

"So ano? same number ba din ba sayo?" tanong ni Jia kay Maddie. 

"Oo -- ang hirap kasi kung papalit palit ka ng number eh." palatak ni Maddie. "Ikaw Ate Ells?" Tanong niya sa kanyang katabi na sa akin naman nakatingin. Nang iinis pa yung kilay ni Ate Ella.

"Yun na din yung number ko. Hoy Ikaw! Ikaw na mukhang Jhoanna na. Anuna?" tabig ni Ate Ella sa akin. "14 pa din ba?"

Hmm -- bakit nga ba ako nag 14? E kasi wala ng option na number nun eh. Kaya yun nalang kinuha ko sakto ding #15 naman si Jho kaya lagi kaming magkatabi. 

Haay -- 143 talaga Jho.

"Hoy!" 

"Number 8 yung sa akin." agad kong sagot.

"Ha? Magpapalit ka?" tanong ni Jia. Tatango tango nalang ako

1+4+3 = 8 -- o diba, indirect way of saying I love you.

Inexplain ko sa kanila bakit ko naisipang magpalit ng jersey number kaya di naiwasang kantyawan ako. Ang corny ko daw-- bakit ba? Pag inlove ka naman talaga lumalabas yung pagiging corny mo diba?

Napatingin tuloy ng makahulugan sa amin si Jho kaya nag gesture ako ng behave. Ang ingay ingay kasi ng mga kasama ko ngayon eh.

Hanggang sa nanindigan talaga ako sa number 8 na yun. Bahala sila basta yun ang gusto ko.

Tinanong pa nga ako ni Jho bakit daw ako nagpalit ng jersey number sagot ko nalang na idol ko si Kobe Bryant.

Naipairap tuloy ako sa sarili ko. Corny talaga.

Wearing jersey number 8 -- Bea de Leon.

Nag high five agad ako sa mga ka team mates ko at pumunta sa gitna ng court. Tinawag na kasi ang first six sa line up. Tapos si Ate Ly, si Jho, Ate Den, Ate Ella at Jia. Kalaban namin ngayon ang UST. 

Nang nasa ikalawang set na kami ay nagpatawag ng time out si Coach O. Agad din naman kaming lumapit sa kanya pero nilapitan nila si Jho. Hindi ko kasi namalayan kung ano ang nangyari sa kanya.

"Hindi yata maganda yung pagka landing ko." sabi niya and she tapping her feet hard. Lumapit naman sa kanya si Jade at inalalayan siyang umupo muna sa beach. Lumapit na din ako para tanungin kung okay lang ba siya o kung malala ba yung nararamdaman niya ngayon.

"Okay ka lang Jho?" tanong ko. 

She nodded and rested her feet on the chair in front of her. 

"Hindi lang maganda yung landing ko but im okay." pag aasure niya sa akin.

Lumapit si Jade dito na may dala ng ice pack na kinuha sa lalagyan saka binalot yung paa ni Jho pagtapos mahubad ang sapatos. 

"She'll be okay, Bea." Jade said with the smile on her face. "Punta ka na dun -- malapit na matapos yung timeout."

Parang nawalan ako ng gana maglaro habang nakikita kong nakaupo si Jho sa bleacher na may ice pack yung paa. She keep on cheering naman at pag technical time out ay nilalapitan ko siya at kinakamusta. Hindi rin naman ganun ka intense si Coach O ngayon dahil alam naman niyang hindi pa ganun ka crucial ang laro at saka lamang na lamang yung score namin.

Natapos ang game na kami ang nanalo. Nagshake hands kami with both teams saka nag bow din sa mga live na nanonood. Player of the game naman si Jia at ini-interview na siya ngayon. Yung ibang teammates ko naman ayun nakiki usyoso sa camera pero ako andito lang sa tabi ni Jho. 

Niligpit ko yung gamit naming dalawa at ako ang nagdala ng duffel bag niya. 

"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko. Tinanggal na din yung ice pack sa paa niya. 

"Oo kaya ko." sagot niya pero paika-ika pa din ito.

"You can ride on my back? I let Ponggay carry our bags. Wait!" agad akong tumalima at pinuntahan si Ponggay na siya na muna magdala ng bags namin ni Jho. Pumayag naman siya pero bago pa ako nakabalik  sa kay Jho ay humirit pa ito sa pananunukso sa akin.

Ang gentlewoman ko daw. Sobrang obvious na obvious ko na daw -- baka si Jho na daw yung aamin. Ay ewan -- hinayaan ko nalang. Mabilis akong bumalik kay Jho saka pinasampa sa likod ko. Sa kotse ko nalang siya sinakay at hindi sa shuttle bus kung saan don siya nakasakay kanina.

Naisip ko na sa bahay ko nalang siya dalhin pero parang nag-aalangan naman ako. I look at her na nakasandal lang sa passenger seat at nakatingin sa labas ng bintana. Parang wala siya mood o may malalim lang na iniisip. 

"Are you okay Jho?" basag katahimikang tanong ko sa kanya. Nakita kong napatingin siya sa akin habang yung tingin ko ay nasa kalsada naman. "Sa dorm ka ba matutulog ngayon o sa bahay?" tanong ko.

"Sa dorm nalang Bei." medyo matamlay niyang sagot. Kinuha niya yung cellphone niya at nag scroll bago sumagot sa tanong ko kanina. "And yes Im okay."

I dont want to leave her alone in the dorm so I decided na dun nalang ako makikitulog. Im gonna text mom and dad nalang na hindi muna ako uuwi ngayon. Buti nalang may dala akong mga damit sa kotse just in case may sleepover na magaganap. 

"I'll stay with you in the dorm." sabi ko habang paliko na ako ng daan papuntang Ateneo. 

"Ha? Pero --"

"Nope! No pero -- im gonna stay for the night. I dont want to leave you like that."

"Bea -- im okay. Kaya ko naman to. You don't have to baby sit me." tanggi ni Jho pero dahil matigas ang ulo ko.

"Ahuh! I insist Jho. You take care of me when I was injured now im gonna take care you. Okay? -- huh! huh.. shhh--hush!" pagputol ko sa pagtanggi niya. Wala na rin siyang magawa ng makarating na kami sa dorm. Pagkatapos kong ma park ang sasakyan ay pinasampa ko na siya sa likod ko. Konting lakaran pa kasi bago makarating sa dorm nila at aakyat pa ng hagdan papunta sa kwarto naman ni Jho.

Kakadating lang din ng shuttle bus kaya ayun na naman ang mapanuksong mga mata ng mga kaibigan ko. Nagkibili balikat nalang ako sa kanila at inirapan dahil nung makita nila kami ay nagkantahan ba naman ng 'otso-otso' song. May pasayaw sayaw pang nalalaman, nakikitawa nalang din si Jho at di nalang pinansin ang tuksuhan

I dont know kung nahahalata na ba niya pero sana kung dumating man ang panahon na tanungin na niya ako sa kung ano ba talaga ang meron sa amin -- sana sa panahon na yun ay handa na akong sagutin siya sa totoong nararamdaman ko.


Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now