Chapter 21

289 9 2
                                    

J H O

Tatlong taong nakalipas.

"Teka ano ba to?" naguguluhan kong tanong. Nakapiring kasi ako at ang sabi niya wag ko daw tanggalin.

"Malapit na tayo."

"Kanina pa yan ha."medyo kinakabahan pero excited.

"Relax ka lang kasi -- andito na tayo."

Naramdaman ko ang pagpark ng kotse at ng paghinto nito. 

"Uy di to kidnap ha." natatawa kong sabi ulit. Alas otso na din kasi ng gabi tapos dinala pa ako sa di ko alam kung saan to.

"Grabe ka naman, Babe. Hindi no."

Parang lumabas siya ng kotse at pinagbuksan naman ako nito at inalalayang lumabas. Dahan dahan naman yung lakad ko kung saan niya ako iginiya. 

"Dito na tayo -- wait -- dito ka. Okay -- 1, 2 3." at tinanggal ang nakapiring sa akin. "Happy Anniversary Jho." masiglang bati nito.

Nag adjust naman yung mata ko sa mga nagkikislapang ilaw sa harapan ko at nang mapagtanto ay nilibot ko agad yung paningin ko sa lugar. Ang ganda --

"Do you like it?"

Tatango tango naman akong sumang ayon. It's a dinner date on a private restaurant. Kami lang dalawa sa overlooking at yung ibang customers naman ay nasa loob lang ng restaurant. Medyo nakikita din naman namin sila pero sa isang maliit lang na wall glass kaya may privacy pa rin naman kami. Tapos may mga lights pa sa may puno at sa kahoy na railings. Sobrang romantic ng lugar.

"Come on -- let's have our dinner." pinaghila niya ako ng upuan at nakangiting naupo naman ako. 

"Thank you." at umupo na rin siya sa harapan ko.

Ang sarap ng piniprepare na foods at halos paborito ko pa. Mapapadami yata ako ng kain nito pero di bale -- sunog naman tong lahat ng calories pag nasa training na ulit ako.

Pagka graduate ko ay nag pursue ako bilang professional volleyball. Ang hirap din naman kasing iwan agad yung nakasanayan mo na -- kaya eto ang pinili ko. Kahit na may mga offers na sa akin na trabaho dito sa Pilipinas at abroad pero napag -isip isip ko bata pa naman ako siguro sa susunod na yun -- sa ngayon volleyball muna. 

Gosh -- ang sarap talaga nitong steak na hinanda nila -- hindi maalat, sakto lang ang tamis at super juicy at ang lambot pa. Kita sa kilos ko yung nag eenjoy talaga ako sa pag kain.

"You never fail sa amuse me Jho -- pag nasasarapan ka sa pag kain bigla kang napapasayaw." natatawa niyang sabi.

"Masarap kasi eh -- at ang lambot pa." puri ko.

"Ofcourse -- my dad knew the chef here kaya dito niya nirecommed to have a dinner date with you. Special kasi tong gabi to sa akin." ngiti niyang sabi 

"Talaga? Anyway -- kumusta na pala si Tito? Okay na ba yung braso niya?" tanong ko. Nung isang linggo kasi habang nag gogolf kami kasama si Tito ay hindi maganda yung pagka swing ng golf club kaya yung braso niya sumakit. Baka may naipit lang na ugat o nabiglang tendons dun.

"Okay naman siya. Nag physiotheraphy nung isang araw kasi hindi pa niya maitaas yung kamay niya." 

Tatango tango naman ako habang nag e-slice ulit ng steak.

"Pwede pa tayong mag order ng steak kung gusto mo?" 

"Sakto na to --" natatawa kong sabi. "Baka mahirapan akong sunugin tong calories."

Napaangat naman ako ng tingin ng maramdaman ko ang dalawang pares ng matang nakatingin sa akin. Para naman akong nailang bigla kaya tumikhim muna ako saka ko ininom yung wine na nasa kabilang side ko. Hmm-- pati wine masarap.

"Tinutunaw mo ako sa mga titig mo ha." concious kong sabi sa kanya.

"You really beautiful"

Napangiti ako sa compliment niya. Ganyan naman yan lagi -- lagi akong kinocompliment. Yan yung gusto ko sa kanya -- mabait, maalaga, thoughtful, napapatawa niya ako kahit minsan naiinis ako sa kanya. Pag may mga away naman kami -- parang ako yung laging may kasalanan dahil sa pagiging masungit ko sa kanya pero iniintindi niya pa rin ako. Sa totoo lang dahil sa kanya nagtagal yung relasyon namin ng halos tatlong taon at masaya ako dun dahil through my ups and downs andiyan lang siya laging nakasuporta.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Nagsmile siya akin at nag smile din naman ako sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko dahil parang na tetense siya ngayon pero tumango lang naman siya at pinahid ang kunwaring pawis niya sa noo.

Hindi naman mainit dito pero bakit pinagpapawisan to.

"Kinakabahan lang." sagot naman niya.

Napakunot noo naman ako dun pero I just shrug it off. Kinabahan siguro dahil sa date namin?

Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong sumayaw at nagpaunlak naman ako. Nagsway kaming dalawa sa saliw ng musika. Ang bango bango niya na parang nakakapagparelax sa akin. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang marahan niya akong sinasayaw.

"Are you happy Jho?"

Happy? -- oo masaya naman -- masaya ba? Siguro? Oo. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Mas gusto ko tong nakapikit ako habang sinasayaw niya ako. 

"Kasi ako masaya pag kasama ka."

Masaya din ako -- pero agad akong napamulat ng marinig ko yung biglang nag iba yung boses niya. Kunot-noo akong napatingin sa kanya. 

"Why?" 

"W-Wala." tapos ay binalik ko na ulit ako sa posisyon ko kanina. Ilang sandali lang ay natapos na rin ang kanta at nag stop siya. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko saka niya ako pinaharap. Nag smile siya sa akin tapos ay humakbang siya ng isang hakbang paatras.

"Jho -- tatlong taon -- tatlong taon simula ng maging akin ka and I am the happiest person when you said yes to that day. At kahit sa loob ng tatlong taon na yun -- may mga hindi pagkakaintindihan o pag aaway masaya ako dahil hindi ka bumitaw. At masaya ako dahil ikaw ang minahal ko and I don't wanna lose you anymore."

Lumakas lalo yung kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. No this cant be -- 

Nakita kong may hinugot siya sa kanyang bulsa at parang nag slow motion yung pag yuko ng kanyang kaliwang tuhod at pag bukas ng maliit na kahon sa harapan ko. Para akong statuwa sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o ano ang dapat kong i-react.

Dapat masaya ako eh -- dapat talaga masaya ako pero bakit? Bakit may kulang -- bakit ganun? Naguguluhan ako.

"Jho --" sambit niya ulit.

"Will you marry me?"

Napahakbang ko paatras ang isang paa ko. Ewan ko -- halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Walang lumalabas sa  labi ko kinakapa ko pa ang sarili ko kung panaginip ba ito? 

Dapat masaya ako ngayon!

"Jho?" tawag niya sa akin dahil hindi ako nagsalita. Kumunot pa bahagya ang kanyang noo.

I gather myself and I close my eyes to take a deep breath. Relax Jhoana -- gagawin mo ngayon ang dapat mong ginawa 3 years ago.

"I-im sorry!" garalgal kong sabi sa kanya then I open my eyes. Nakatayo na pala siya pero nababanaag sa mukha nito ang kaguluhan.

"What you mean?" 

"Im sorry -- im really sorry." naiiyak ko na namang hingi ng paumanhin.

"Nabigla ba kita? Um -- pwede namang we just postpone this, right? Im sorry kung nabigla kita Babe." lalapit sana siya para hawakan ako pero umatras ako at minosyon kong wag muna siyang lalapit. 

"Jho?"

"Im really sorry -- mahal naman kita eh pero ngayon para akong naguguluhan. Masaya naman ako pag kasama ka pero ewan ko -- naguguluhan ako." at tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi naman kasi ako ready na mag po-propose siya ngayon eh. 

"Im sorry -- im really sorry -- I can't marry you -- Nico."


----------------------


Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now