Chapter 22

295 9 4
                                    

J H O

So Bea -- are you confirming your relationship with Jade Castro?

Pigil hininga kong pinapanood ulit ang interview ni Bea kumakailan. Pinikit ko pa ang mga mata ko sa maaring marinig ko ngayon -- ulit. Pang ilang beses ko na ba itong pinanood simula kahapon? Twice? Thrice? pang lima na yata pero kahit ulit-ulitin ko -- ganun pa din yung sagot at mas lalong kumikirot ang dibdib kong madinig iyon sa taong pinakawalan ko mahigit tatlong taon.

Yea -- confirm.

Nakangiti pa siya sa video tila masaya at proud pa siyang aminin ito sa lahat. Kung ako ba iyon? Ganyan din ba siya kasaya? Ganito din ba kami kasaya noon kung sana -- anyway, past is past at kailangan ko na talaga yun tanggapin na kahit kailan -- hindi na kami magiging masaya ni --

"Ate!" sigaw galing sa labas. Pero hindi ako sumagot dahil alam kong mangungulit lang yung kapatid ko. "Ate!!" sigaw niya ulit tapos ay bumukas na ang pinto.

"O!" sagot ko naman pero nagkunwari nalang din akong may ini-scroll ako sa laptop ko. 

"Tapos na ako magluto ng breakfast -- lika na samahan mo na ako."

Nung grumaduate na ako kay umalis na ako sa dorm since si Jaja ay mag co-college na din kaya napagdesisyonan naming mag rent nalang ng condo at sama nalang kami mag stay total nag decide na rin lang ako na mag master nalang para magamit ko na yung last playing years ko. 

Naisip ko tuloy kung bakit ko yun binitiwan dati. 

~~~

"Wag mo nalang yun gamitin para naman makaiwas ka sa mga rumors na naglalabasan ngayon." sabay hawak ni Nico sa kamay ko. Nasa kwarto kami ng dorm ko dahil susunduin sana niya ako para sabay kaming mag lunch pero sabi ko sa kanya na gusto ko munang magpahinga kaya naman pinuntanan niya ako dito sa kwarto. 

Sobrang affected talaga ako sa pagkatalo namin nung championship last week. Tapos may mga tao pang parang sila yung kumukontrol ng buhay ko lalong lalo na sa amin ni Bea. 

And speaking of her -- di ko na rin siya nakita simula nung last week. Baka din apektado din yun actually buong team ang apektado eh. 

"Pero Nico -- alam mo naman na gustong gusto kong bumawi." Yun ang nakaset ng utak ko sa mga panahong to. Gusto kong bumawi -- gusto kong gamiton yung isang pagkakataon na yun para talaga bumawi at para naman may championship ako pag exit ko.

"Pero Jho -- alam mo din naman na halos isang taon akong nagtiis diyan sa Jhobea-Jhobea na yan. Apektado na talaga ako Jho." mahina niyang sabi pero may diin. 

Mabait naman si Nico kaya nga sinagot ko kahit na --

"Hindi naman yun totoo diba?" hindi nga ba? O isang taon na simula ng niloloko ko na sarili ko tungkol sa nararamdaman ko kay Bea.

"Oo nga gaya ng sabi mo pero Jho yung ibang taong nakikita kayo iba yung sinasabi sa akin eh." natatampong himutok niya sa akin. 

Hindi naman nagbago si Bea sa pakikitungo niya sa akin eh. She's still sweet, caring, thoughtful, funny -- sa totoo lang mas napapangiti ako ni Bea kaysa kay Nico.

I stayed silent. 

Siguro kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko that I choose Nico. I dont have a choice but to choose him. At kailangan ko ding pagtuonan ng pansin yung relasyon namin kaysa makasama ko sa team si --

"I'll think about it Nics. Sa ngayon magpapahinga nalang muna ako ha."

~~

"Hoy Ate Jho!" nabalik nalang ako sa kasalukuyan sa sigaw ni Jaja. "Sabi ko breakfast na tayo!"

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now