B E A
"Ay gaga ka talaga!" sermon sa akin ni Ate Ella isang hapon habang nakatambay ulit kami sa rooftop. Walang tao sa dorm dahil may klase lahat pati na rin si Jia, Maddie at Ponggay.
Kami naman ni Ate Ella ay freecut sa major subject namin kaya nag aya akong tumambay dito saka kinuwento ko yung nakaraang gabi na magkausap kami ni Jho.
Sobrang kabado ako nun.
"What if -- we make it real?" kinakabahang sambit ko. Bigla din naman akong natauhan dun. Shit!
"Ha? What you mean?" kunot noong naguguluhang tanong naman ni Jho sa akin.
Eto na naman ako ngayon, natataranta sa kung ano ang isasagot. Naisip ko na to eh, alam ko yung dapat kong sabihin eh pero naman yung sagot ko parang nilayasan ako. Hindi ko makapa sa utak ko.
"Hey! Im just joking" agad kong bawi. Umiwas din ako sa mga titig ni Jho dahil sumilay dito yung panukso niyang ngiti.
"Hmm -- crush mo ako no?" tukso niya at pilit akong tinitingnan.
Tumayo ako sa kama at pinuntahan ulit yung study table kung saan andon yung mga nagkalat na notebooks ni Jho.
"Bea! Sagutin mo kasi ako -- ano? Crush mo ako no?" kulit niya sa akin. Para na siyang buntot ngayon sunod ng sunod. Kulang nalang kumandong pero yung ginawa niya ay tinukod niya yung dalawang siko niya sa table at pa cute na pinagmasdan ako.
Tiningnan ko na siya and I swear sobrang pinigilan ko yung sarili ko wag siyang kurutin sa pisngi.
"You wish!" pagkukubli ko. "Im just joking naman kasi." sabi ko pa. Pero hindi pa din tapos si Jho sa pagpapacute sa akin. Arghh -- inuubos niya yung buong lakas ko sa pagpipigil. "You have a lot of times looking at those videos pero hindi mo to mapag aralan oh." inangat ko yung notebook niya.
Tumayo siya at bumalik ulit sa kama.
"KJ naman neto." reklamo niya.
"Napakalaking gaga!" pag uulit pa ni Ate Ella. Inirapan ko nalang siya saka pinatong yung throw pillow sa tiyan ko at halukipkip na napasandal nalang sa sofa.
Your right Ate. Pagsang ayon ng utak ko. Whatever.
"Ayun na kasi -- konting push nalang sana di mo nagawa!" litanya na naman niya. "Napakalaking torpe."
"Ate naman eh. I just can't talk to her like that." depensa ko naman. Oo na -- ako na tong torpe.
Napapalatak si Ate Ella na kinuha yung cellphone niya ngayon at parang may tatawagan yata.
"Aba teka -- susunduin mo ba si Jhoana ngayon?" tanong niya sa akin habang may tinitingnan sa kanyang cellphone.
"Oo." I look at my wristwatch. Alas tres na ng hapon. "Mamayang 4:30. Bakit?"
She didnt answer me instead she stand up at bahagyang lumayo sa akin at nilagay ang cellphone sa tainga na parang may tinawagan.
Nawalang gana nalang akong napasandal uli sa upuuang sofa saka bumuntong - hininga. Naisip ko na naman yung pangyayari na yun. Pagtapos kasi nun ay hindi na ako nagsalita. Kinuha ko nalang yung mga lego ko na hindi ko natatapos and I let myself enjoyed by it. At mga ilang sandali pa ay nadinig ko na yung mahihinang hilik ni Jho.
Agad din naman akong tumayo and look at the clock. It's almost 11pm na pala at di ko namalayan ang oras. Actually, magkatabi kaming matulog dito pag dito siya umuuwi but that time ko lang siya namamasdan ng malapitan. Yung hindi ko makikita yung mga mata niyang parang hinihili akong yakapin siya.