Chapter 14

267 11 0
                                    

B E A

Nangingiti akong nag stretching mag isa dito ngayon sa BEG. It's training again at next week na ang opening ng Conference. 

Si Jho? Nag text na mala-late lang daw siya ng konti dahil kadarating lang niya galing probinsiya kasi umuwi siya saglit. Hindi nalang siya nagpahintay sa akin at sinabihang akong susunod lang siya. 

"O." Abot ni Ate Ella ng papel sa akin. "Para kang timang diyan." sabay upo naman niya sa tabi ko. 

Pano kasi kinikilig ako sa sinabi ni Jho nung nag dinner kami. Actually, it went well naman talaga pero  ako naman tong na joke niya.

"Ikaw --"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng sinabi niyang iyon. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. Eto na ba yung sinasabing siya ang unang mag first move.

"Joke!!" tawa niyang bawi at nag peace sign pa. "Nakakatawa reaction mo Bei. You should see yourself ." 

Bigla namang kumunot yung noo ko. Hmp! 

E di na joke ka din? tukso ng isipan ko. Gantihan lang? Ganun?

Parang nag iba ang timpla ko ng mood ko at lalong lalo pang nakakainis yung tawa ng dalawang lamok sa tainga ko. 

"Eto naman di na mabiro." untag ni Jho. "Syempre kasama ka na dun sa priority ko -- were partners, were tandem, were bestfriends diba? At saka JhoBea tayo. Hindi ka pu-pwedeng mag-isa lang dahil walang JhoBea kung walang Jho at Bea." then she wiggle her eyebrow and smile at me.

Kung kaninang inis ay bigla itong nag disappear na parang bula. That's how the Jhoana effect on me. It's like in an instant she can turn my pissed mode into light mode and I love it. 


"O asan na." nabalik ako sa pagmumuni-muni ko sa boses ni Ate Ella. Andito pa pala siya.

"Ang alin ba." 

"Ayan o! Ayan sa papel o." inangat pa niya yung papel na kanina pa niya binibigay sa akin. At saka ano ba to?

"Ano ba to Ate Ells?" tanong ko.

"Mga resibo yan saka listahan ng mga nabili namin. Andiyan na rin yung inorder namin ni Maddie sa resto saka yung panggasolina sa kotse ni Jia."

Kunot-noo akong napatingin sa kanya. Anong -- ano yun? Naguguluhan pa din ako. 

"Yan yung time na nag date kayo ni Jho! Makupad ka kasi kaya kami nalang ang gumawa ng paraan." explain niya.

"I thought libre na yun -- why would I pay you?" tukso ko kay Ate Ella na siyang ikinakunot ng noo niya.

Natawa tuloy ako.

"Aba -- mahirap buhay ngayon no kaya bayaran mo ako dun."

"Magkano ba --" tiningnan ko yung mga nakasulat at gulat na gulat akong napabaling ulit kay Ate Ella. "15 thousand five hundred fifty pesos????!" 

"And fifty cents." dagdag pa niya. 

"Ate Ella naman ang mahal naman nun. Isang buwang allowance ko na yun sa prof fee ah." Yes may allowance kasi kami bilang student-athlete. Di naman kasi ganun kadali yung status namin no. 

"Hay naku -- sa buong team ikaw ang pinakamayaman kaya kayang kaya mo akong bayaran niyan. Nung isang buwan nga bumili ka ng sapatos worth of 20thousand kaya sisiw lang yan. At isa pa -- para naman yun sa inyo ni Jho no. Yun nga lang ang mahal nung flowers na inorder ni Jia!"

San ba kasi niya yun binili! Ba't ang mahal mahal! 

Pero naalala ko. Dinisplay iyon ni Jho sa kwarto niya. Kahit na nga medyo nalalanta na ay di niya ginagalaw. Cute daw sabi niya at first flower daw na binigay ko para sa kanya.

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now