J H O
"Mamaya pa yun." napalingon ako sa nagsasalita.
"Ha? Sino?" naguguluhang tanong ko kay Maddie kahit alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Pano naman kasi, halos mabali na tong leeg ko kakalingon dun sa entrance.
"Sabi ko mamaya pa yun -- mga 20minutes pa"
"Ha? Ano pinagsasabi mo?" saka bumalik ulit sa stretching.
"Si Bea nga."
Hayy -- asan na ba kasi yun? Di ba dapat andito na yun ngayon.
"So?" patay malisya kong sagot.
"Hmpf! Hanggang ngayon pa ba naman?" saka niya ako tinulungan na mag stretching. Sila Maddie, Ponggay at Jia -- lalo na si Ate Ella sila lang yung may lakas ng loob na asarin kami ni Bea. Kahit alam nila nung may Nico pa ako -- hindi pa rin sila tumitigil dahil sabi nila naniniwala daw silang meron!
And I am happy that Bea got them dahil yung time na sobra kong nasaktan si Bea andun sila para sa kanya.
"Ewan ko sayo Mads!"
"Hi Bei!" rinig kog bati ni Maddie kaya bigla akong napalingon.
Narinig ko lang ang hagalpak na tawa ni Maddie kaya sinipa ko siya at agad naman siyang umilag.
Naman kasi! Nang aasar pa.
"Peace!" nakangisi siyang nag piece sign sa akin. "Di pa din nagbabago no, no Jho?"
Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya. Humiga ako tapos si Maddie ay naka upo lang sa tabi ko.
"Anong di pa nagbabago?"
"Yung sa kay Bea nga! Eto naman ang lutang!"
"Wala namang nagbago ah -- bestfriends pa naman kami." natatawa kong sabi pero sa loob loob ko nakasimangot na.
"Hay naku -- hirap mo talagang paaminin." palatak ni Maddie.
Sinubukan talaga nila ako dati na paaminin -- para nga akong ini-enterogate nila Ate Ella eh pero kalaunan sumuko na rin sila. Wala daw silang mapipiga sa akin kaya sabi nila si Bea nalang daw pipigain nila. Di ko din naman alam na umamin pala yun kaya pala ang lakas ng mga loob na mangantyaw.
Sa totoo lang -- gusto ko naman talagang umamin eh pero may pumipigil at kailangan kong pigilan.
"Hi guys! Sorry Im late."
Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses na yun. It's her.
"Hi Bei!"
"Hi Bea!"
"Always naman eh."
"Sus! Nagka jowa lang -- lagi nalang late."
Yan yung mga narinig kong bumabati sa kanya habang nilalapag yung duffel bag sa bleacher. Pero sa totoo lang hindi naman talaga siya late sa call time -- parang sakto pa nga lang yung dating niya kasi dumating na din si Coach O.
Tiningnan ko lang siya. Walang lakas yung mga paa kong tumayo at batiin siya ngayon.
Napapangiti tuloy ako habang sinusuot niya yung knee pads niya. Sexy pa din -- ang lakas pa din ng sex appeal -- sobrang ganda pa din. Haay --
"Jho?"
Natauhan agad ako ng mapagtantong nasa harapan ko na pala si Bea.
Ahhh! Hoy magsalita ka Jhoana!!
"Oh Bei, ikaw na partner dito total partner mo naman to dati sa stretching." rinig ko nalang na sabi ni Maddie saka ito umalis.
Gusto ko tuloy tumakbo at magtago. Para naman pagtakpan yung kaba ko ngayon ay tumayo nalang ako at nagpagpag.