"O Bebyang -- aba masaya ka yata ngayon ah." bati sa akin ni Manang Sita ng makalabas na ako ng kotse ko. May dala dala pa itong hose ng tubig para diligan yung mga haliman.
"Hello po Manang" masiglang bati ko naman sa kanya at saka ko siya hinug sa likuran. Napayuko pa ako para medyo magpantay pa kami. At saka isang malutong na beso ang ginawad ko sa pisngi niya. She's like a second mother to me kasi. "Mwahh. Sila Mommy at Daddy?" tanong ko naman nito.
"Hay naku talaga kang bata ka. Nasa loob sila hinihintay ka yata. O ano? Nag breakfast na ka na ba?"
"Opo -- tapos na po sa dorm." sa dorm din kasi ako natulog kagabi dahil nag movie marathon kami ni Jho sa kwarto niya tapos nakatulog siya sa braso ko at di ko na rin siya nagalaw kasi nakayakap pa siya sa akin so natulog na rin ako. Di na ako nakapag paalam kina Mommy at Daddy -- pagka gising ko kaninang umaga, tadtad ng missed calls at text yung cellphone at yung huli kong text na natanggap ay galing kay Daddy saying na mag uusap daw kami pag uwi ko. Ate Ly also informed me na tinawagan siya nina Dad para tanungin kong nasaan ako.
"Naku isa pa yan -- simula nung mag kolehiyo ka, di ka na napirmi dito sa bahay." sermon niya sa akin. Napakamot nalang ako sa batok ko.
"Eh you know naman Manang -- college life is different from highschool" lusot ko pa. Pero magkaiba naman talaga at idagdag mo pang student-athlete ako so -- may mga panahon talagang hindi inaasahan na di ako makakauwi. "Um -- galit ba sila Dad?" mahina kong tanong dahil medyo kinakabahan kasi ako.
"Hay naku -- kahit naman galit yang Daddy mo sayo alam mo naman kung pano yan suyuin kaya pumanhik ka na dun at kanina pa sila nag hihintay sayo." taboy niya sa akin saka naman pumasok na ako ng bahay.
Nakita kong nasa may sala lang pala sila nakaupo. Si mommy ay busy sa kanyang cross stitch habang si daddy naman ay naka de kwatrong nagbabasa ng dyaryo. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at saka humilik sa pisngi.
"Goodmorning, Mom, Dad." bati ako.
"Oh -- umupo ka muna diyan bago ka pumasok sa kwarto mo." seryosong sabi ni Mommy at nakita kong itinupi nman ni Daddy ang newspaper saka tumingin sa akin. Dahan-dahan din akong umupo sa tapat nila.
"Im sorry." mahina kong sabi.
"You left us worried last night, Isabel." ang baritonong sermon agad ni Daddy nung naka upo na ako. Yumuko nalang ako saka lumabi -- guilty din naman kasi.
"Muntik ng magtawag ng police ang Daddy mo kagabi Bea buti nalang natawagan namin si Alyssa."
"Sorry Mom -- Sorry Dad. I know it's my fault. Nakatulog kasi ako kaya hindi ko na nabasa yung text and calls niyo. I promise I won't let that happened again." guilty kong saad. Pinaglaro ko pa yung dalawang hintuturo ko.
Narinig kong bumuntong hininga sila Mommy at Daddy. Effective pa din pala yung pagpapa awa effect ko. Nung bata kasi ako pag may nagagawa akong kasalanan ay ganito lang ginagawa ko -- agad akong mag so-sorry and I will admit my fault at hindi ko na uulitin. Ayoko din namang mapalo no.
"O siya -- you promised." ulit ni Mommy kaya nag angat agad ako ng tingin habang nakangiti. Oh I love my parentals!
"Sino kasama mo kagabi?" tanong ni Daddy.
"Im with Jho, Dad." walang kagatol-gatol kong sabi.
"And speaking of Jhoana -- how is she? Hindi na siya nagagawi dito sa bahay?" tanong ni Mommy na bumalik yung atensiyon niya sa kanyang ginagawa kanina.
"She's okay naman -- but busy. We are all busy -- kailangan din namin kasing bumawi lalo ng malapit na mag finals sa conference at papalapit na ang UAAP."
"I know you can all handle the pressures very well. Malaki tiwala namin ng Daddy sa inyo Bea." ngiting sabi ni Mommy habang si Daddy ay tatango tango lang.
My parents are so supportive kahit na minsan hindi sila makakapanood ng live games ko dahil busy sila sa businesses na hinahandle nila in which naiintindihan ko naman talaga ay lagi din naman nilang pinapanood yung mga replays. May malaking tv screen nga kami doon sa dining area para habang kumakain ay nanonood kami -- minsan puro kantyaw natatanggap ko dahil sa intense ko daw maglaro.
"Thanks Mom -- Dad." saka ako tumayo and hug them.
"Minsan naman dumalaw kayo ng mga team mates mo dito -- especially Jho." sabi ni Daddy.
"Ofcourse!" pero bago pa ako pumanhik sa kwarto ay may naalala akong sabihin sa kanila. Actually, nung isang araw ko pa dapat sabihin eh pero humahanap lang ako ng timing and I think this time is the right timing.
"Before I go -- Mom! Dad!" kabado kong tawag sa kanila at nag angat naman sila ng tingin. "I also have something to tell you." Alam ko namang maiintindihan nila ako at matatanggap nila ako. I really need to tell this to them dahil may karapatan silang malaman to because simply they are my parents.
I sigh deeply before I open my mouth.
---
"O ano? Pinagalitan ka ba? Nagalit ba sila sayo? Galit ba sila Tito at Tita sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Jho sa akin nung tumawag na ako. "Bakit ang tagal mong tumawag? Kinakabahan ako! Uy Bea!"
Natatawa tuloy ako sa tinuran niya. Parang siyang nataranta na di mo mawari eh.
"Jho -- relax. They are not mad. May pinag usapan lang kami kaya matagal akong nakatawag." dinig ko ang buntong-hininga sa kabilang linya.
"Sana naman kasi ginising mo na ako kagabi."
"It's not your fault at naiintindihan naman nila mommy at daddy yun kaya wag ka ng mataranta diyan. They even invite you for dinner here bukas -- kung pwede ka?" umupo ako sa study table at tinaas ko pa yung mga paa ko para ma relax din.
"Ha? Naku! Nahihiya na ako Beatriz."
"Bakit naman?"
"Eh kasi--baka ano -- baka ako yung pagalitan nila." Im sure nakalabi ito ngayon. I cant help to smile at my thought.
"Ofcourse not. Sabay na tayo bukas ha. Pagtapos ng training."
"Ah e -- teka. Hindi ba kasama sila Jia?"
"...isama mo na rin buong team."
"Hindi eh. Ikaw lang." Next time nalang sila. Dami pa namang time.
"O e -- okay. Basta ikaw bahala ha. Kinakabahan na tuloy ko."
"As long as you are with me. You'll be fine." sinsero kong sabi sa kanya. Nag change topic na rin ako at pinag usapan namin yung movie na pinapanood namin kagabi -- The Prom yung title -- pero para yatang wala siyang napanood kasi puro Ha? May nangyari bang ganun? o di kaya Di ko yun nakita ah. Napafacepalm nalang ako sa mga sinasagot niya.
"Pero atleast Bei -- in the end sila pa din yung nagkatuluyuan diba?" sabi ni Jho.
"How did you know that they end up together -- your not watching it Jho." napairap tuloy ako.
"Uy -- nanood ako no. Kanina." tapos tatawa tawa siya. "Nakakakilig."
"Oh -- e bakit sabi mo di mo yun nakita?"
"Eto naman -- joke lang yun -- but I watched naman talaga." pagpapacute niyang boses. "And I am super enjoying it lalo na yung last part." natatawa na naman siya.
"Why you always say on the last part?" natawa na rin ako. "Favorite scene mo ba yun?" tukso ko.
"Hmm -- yes."
Para akong timang ngayon habang kausap ko si Jho. Lumipat ako sa kama ko at nahiga tapos niyakap yung unan and I sqeeze it tight. Kasi sa last part ng movie na yun ay nag kiss sila Alyssa at Emma.
"Me too." I said suppressing my kilig.