B E A
Napakamot nalang ako sa kilay ko nang makitang nakangising na parang nakakaloko sila Jia, Ate Ells, Maddie ang Ponggay sa harapan ko. Hindi man sabihin ng dalawang kumag na yun na sinabihan nila sila Jia ay alam kong kinuwento na nila yung usapan namin.
Napapalatak nalang ako nung isipin ko nung nakaraan araw kung pano namin nalusutan yung tanong ni Jho sa akin.
"You love me?" tanong ni Jho na parang sa akin na nakatingin. Pero agad akong umiwas at tiningnan ko sila Ponggay at Maddie na parang nanghihingi ng saklolo.
Ano ba tong pinasukan kong gulo!
"Ah eh -- ano -- I love Maddie! I love Jia! I love Ate Ells! I love Bea -- I love everybody!!" nagsisigaw na sabi ni Ponggay. "Oh ayan kumpleto na yun." saka nag peace sign.
"Hey! Why you havent texted me na tapos na pala klase mo at nasundo kita." agaw pansin ko kay Jho.
"I thought nasa bahay ka eh and nag free cut naman yung isa kong subject kaya di nalang kita tinext and nag aya sila Ate Ells na tumambay dito -- di ko din alam na andito pala kayo." paliwanag naman ni Jho.
"Hmm -- smells fishy naman here." maarteng sambit ni Ate Ella at umupo sa may sofa.
"Bea!" napabalik nalang ako sa kasalukuyan ng narinig ko ang tawag ni Jho. Lumapit din ito sa akin at may dalang mineral water. "Lalim ng iniisip ah. O tubig mo."
Actually, andito na ulit kami sa BEG at nag training. Akala nga namin wala munang training kasi off season na pero nung sabihing sasali kami sa mga Open Conference para paghandaan ang next UAAP kaya heto -- balik training. Buti nalang din hindi hectic yung mga schedules namin sa klase pwera nalang sa mga seniors namin dahil graduating. Si Ate Ella lang naman naman sa senior ang parang pa peteks-peteks lang eh. Galing mag time management, may time sa game, sa training at higit sa lahat may time siyang asarin at pasarangan ako. Tulad ngayon nakita kong palapit ito sa amin.
"Aba si Bea lang may tubig Jho?" nanunuksong sabi nito. Napa facepalm nalang ako. Agad din namang tumalima si Jho at pumunta sa gilid para kumuha ng bottled water.
"Ay sorry -- di naman ako na inform na ako pala mag didistribute ng tubig." saka binigay kay Ate Ella yung tubig. Kinuha na rin niya yung isang set saka binigyan yung team mates namin.
"Hmm well." maarte nitong tingin sa akin saka naghalukipkip pa.
"What Ate?" walang ganang sagot ko dito. Kahit di ako tinawag alam kong may pahiwatig yung pagsabi niya nun.
"Kailan mo balak ligawan yung alaga ko."
Ito na nga bang sinasabi ko eh. Kaya ayokong magsabi dahil alam kong e-pi-pressure lang nila ako.
"Ate Ella -- hindi naman ako nagmamadali."
"Aba -- ang kupad naman niyan." medyo napataas yung boses niya pagkasabi niya nun kaya nagtinginan yung ibang teammates namin. Pati na rin si Jho na nasa di kalayuan lang at kausap si Ate Ly.
"Shh -- Ate -- lower your voice." the heck! Bigla tuloy sumakit ulo dito.
"Wag mo nga kasi akong paandaran diyan sa pagiging slow mo." mataray nitong sabi. "Kung hindi mo pa liligawan si Jho e ano? Landi-landi lang muna ganun?"
Napahilamos tuloy ako gamit ang mga kamay ko ng di oras.
"Hindi naman sa ganun. I just don't want to take advantage on our friendship. Hindi naman ibig sabihin na umamin na ako sa inyo ay agad akong manligaw diba at isa pa Ate Ells. Hindi pa din naman alam ng ilan na nagkakagusto ako sa babae." ngiwi kong sabi.