Jho POV
Maaga akong nagising kahit late na akong nakatulog kagabi. Siguro body clock ko na rin na kahit walang alarm clock ay 5am na ako magigising. Medyo nag inat ng konti bago pumunta ng banyo para makapang hilamos at magtoothbrush.
It's my turn to cook breakfast today at plano kong magluto ng eggs, bacons saka toasted bread. Ang aarte pa naman ng mga kasama ko dito sa dorm dahil mag hahanap pa talaga ng toasted bread.
I tight bun my hair bago ako bumaba ng kusina. Pero nasa hagdanan pa lang ako ay siya ding paglabas ni Ate Ella sa kanilang kwarto na humihikab pa.
"Goodmorning Ate.." bati ko sa kanya. Sabay na din kaming bumaba.
"Goodmorning, aga mo naman ngayon ah."
"Ako kaya nakatokang magluto."
Tatango tango lang si Ate Ella. Sinamahan na din niya akong mag prepare at magluto.
"Ano pala napagusapan niyo ni Bea kagabi? Mukang kayo nalang natira sa group chat eh. At saka nakatulog na ako.." Tanong ni Ate Ella. Napalingon ako sa kanya habang hinahaain ko ang scramble egg sa kalan.
Nagtataka din naman ako sa mga hirit ng ka team mates ko tungkol sa amin ni Bea. Mali ba yung in-add ko siya sa GC ng Lady Eagles, in fact -- kasali na siya sa team. At saka sabay pa kaming pumunta ng parking lot kagabi dahilan para mang asar pa sila sa amin.
"Wala naman... teka nga Ate? Ano bang meron?" taka kong tanong. Inilagay ko na din sa lamesa ang mga naluto ko. Saktong 6am ay bababa na din yung iba. Sabay kasi kaming lahat mag jogging sa oval bandang 7am.
"Hmm? Wala din naman -- bakit? dapat ba meron?" may halong panunuksong sabi ni Ate Ella.
Napangiwi ako sa kanya na siyang ikinatawa naman niya.
"Yes! Breakfast is ready!" excited na sabi ni Maddie na kakababa lang din. Kasama na din nya ang iba naming teammates na nagkanya kanya na ding upo.
Nag pray muna kami bago kumain. Nasa tig dudulong kabisera sila Ate Ly at Ate Den dahil sila yung mga super seniors namin. Tapos nasa gilid kaming lahat at si Jia ang nasa tabi ko ngayon.
Napalingon ako sa kanya ng tinabig niya ako.
"Anong meron dun kay Bea?"
Pati ba naman siya? Ano bang meron talaga?
"Binubulong niyong dalawa?"
Sabay kaming napatingin kay Ate Den.
"E kasi tong si Jia, tinatanong na naman sa amin ni Bea. Magkaibigan lang naman kasi kami bakit may issue dun?"
Nakita kong may panunuksong tawa na naman ang mga team mates ko.
"Kasi naman Jho, ang bilis niyo agad nagka gaanan ng loob." Si Ate Alyssa.
"Yung bang, first look pa lang. Click na." Ate Ella.
"Eh bakit ba sa inyo dati? Hindi ba agad ako nag click?"
Sabay pa silang nag isip at sabay umiling.
"Hindi eh"
"Ang tahimik mo. Hirap mong kausapin."
"Oo nga.. saka nakakatakot ka pag umirap"
Medyo nawalan ako ng gana sa mga pinagsasabi nila kaya naman tumayo ako at akmang mag wa-walkout nalang total wala naman akong kakampi sa mga ito.
"Oh! San ka pupunta! To naman, aga aga pikon agad." Pigil sa akin ni Jia.
"Eh kainis naman kasi --"