B E A
Kakatapos lang ng evening training kamin at kakarating lang din namin sa dorm. Bagsak agad yung katawan ni Jho sa kama habang nilagay ko naman sa side yung mga bag namin.
"Ho kapagod!" reklamo niya. Umupo naman ako sa kanyang tabi saka humarap siya ng higa na nakalagay sa kanyang tiyan ang kanyang mga kamay. "Ikaw Bei -- di ka napagod?"
Kinuha ko yung paa niya saka tinanggal ang kanyang sapatos.
"Hmm -- slight." ngiti kong sabi sa kanya. Pagod naman talaga ako pero pagkasama ko siya na rerecharge talaga ako.
"Grabe naman yang energy mo." saka siya sumiksik sa akin saka niyakap ako sa tiyan.
"Hey Jho." buong lakas lang naman niya akong hinila pahiga at mas sumiksik pa siya doon. Hindi pa nga kami naliligo eh. "Ang lagkit pa natin ah" reklamo ko pero pati yung paa niya nilingkis na niya sa katawan ko.
"Di naman ah. Mabango nga eh."
Kinilig naman ako dun.
"Dito ka ba matutulog?"
"Hmm -- in this position? I think hindi na ako makakatayo at makakauwi nito." naramdaman ko ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako.
I lay my arms on the bed at agad naman niyang pinatong yung ulo niya don. Niyakap ko nalang din siya kahit hindi pa kaming dalawa naliligo. Hindi ko na din nalamayan ang oras na nakatulog na pala kami
Pagkagising ko ay ganun pa din yung ayos ko pero wala na si Jho sa tabi ko. It's already 1 in the morning. I rise up at tiningnan ko ang pinto ng washroom baka lalabas si Jho doon pero wala.
Tumayo nalang ako saka ko kinuha yung towel at naligo. Naalala ko na hindi pa pala kami kumakain kaya medyo kumakalam yung tiyan ko. Pagkadating kasi namin sa dorm deritso agad kaming lahat sa kanya-kanyang kwarto. Pagod na nga utak namin dahil sa classes pagod pa katawan namin sa trainings.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko. Nagtataka ako kung bakit wala pa din si Jho pero naisip ko baka nasa kusina at kumakain. Nang matapos akong magpatuyo ng buhok ay lumabas na ako at pumunta ng kusina pero wala naman siya don. I texted her at tinanong kung nasan siya at nag reply naman agad. Nasa roof top lang pala siya. Kumuha muna ako ng biscuit at saka tubig at nagtungo na rin sa roof top.
Pagkalabas ko sa sliding door ay nakita ko si Jho na nakatayo sa may railings. She's wearing a long sweater habang yakap ang kanyang sariling nakatingin sa unahan Nilapag ko muna yung dala kong tubig at biscuit sa table saka dahan-dahang lumapit sa kanya.
I slide my arms around her waist and back hug her. I smell the wonderful scent of her hair and I love it.
"Andito ka lang pala." mahinang sabi ko. Kinuha naman niya yung kamay ko at niyakap naman niya. Isinandal din niya yung ulo niya sa dibdib ko.
"Hindi na ako makatulog eh. Hindi na rin kita nagising kasi ang lakas mong humilik." natatawa niyang sabi.
"I told you I don't snore." at mas lalo ko pa siyang niyakap. "Kumain ka na?" tanong ko.
"Hindi naman ako nagugutom."
May nadinig naman kaming tunog sa di kalayuan kaya sinusway ni Jho yung katawan namin. Ikinangiti ko naman yun at saka ko siya pinaharap. She looks at me and I swear my heart melt the way she smiles at me right now.
While swaying to the music we almost just hear ay pinatong ni Jho ang kanyang noo sa labi ko and instantly kiss her forehead.
"What's wrong Jho?" first time kasi to. She's really so sweet and open ngayon. Naisip ko baka siya yung magtatapat sa akin kaya bigla akong kinabahan.
"Wala naman -- I'm just happy." yung kamay niyang nasa baywang ko ay nilagay na niya sa batok ko. Parang nagsitayuan naman yung balahibo ko dahil sa lamig niyang kamay na dumampi doon.
"Me too." sabi ko habang yung labi ko ay nasa noo pa rin niya.
"Can we stay like this for a minute?"
"Of course." at mas hinapit ko pa siya. Napayakap na din siya ng tuluyan sa akin. Alam kong dinig na dinig na niya yung kabog ng dibdib ko dahil inihilig na niya yung ulo niya sa dibdib ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero wala naman siyang sinasabi.
"You -- turned me inside out and you showed me what life was about only you -- the only one that stole my heart away." mahinang kanta ko sa musikang nadidinig namin. "I -- wanna do all I can just to show -- make you understand only you -- the only one that stole my heart away."
Ng matapos ang kanta na nadinig namin ay pinaharap ko siya and I cupped her face. Bumuntong hininga muna ako bago ko pagdesisyonan kung anumang salitang lalabas sa labi ko ngayon.
I look at her lips. Those lips that I want to kiss pero nilalabanan ko lang yung tukso and then I looked at her eyes. My favorite part of her.
I think this is it. Wala ng atrasan to. Maybe this is the right time and right timing that I really need to tell this. Dahil kung hindi ko pa to masasabi ngayon -- baka mahirapan na naman akong kapain yung lakas ng loob na naramdaman ko.
"Jho -- i have something to tell you." napalunok pa ako. Ganito pala kahirap ang magtapat sa taong mahal mo.
"Ano yun?" yung pakiramdam ko ngayon ay para akong inie-squeeze sa pressure. Isang malalim na hugot ng hininga bago ako mag salita.
"I --
--------------------
short update. Grabe hiningal ako halos everyday update. ahahaha. Kinakapa ko talaga yung plot ng storya. Whew. I hope you guys enjoy. *wink
Ciao