Chapter 17

266 9 0
                                    

B E A

Sunod-sunod ang talo namin sa conference. Nung isang linggo talo kami sa Adamson tapos kahapon lang talo naman kami sa UE at ang nakakahiya pa ay na sweep kami ng 3 sets. 

Kaya eto ngayon puro sermon ang naabot namin kay Coach O habang nag push ups kami. Grabe ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko so sobrang pagod. Halos isang oras kasi kaming pinatakbo at pina push-up tapos sabi pa pagtapos daw nito ay scrimmage na naman daw.

Bakit naman kasi puros error yung nangyari kahapon. Napa facepalm tuloy ako sa isip ko ng maalala yung katangahan namin. Sa sobrang complacent namin di na namin nakita na kayang kaya pala kaming talunin. 

Walang imikan sa trainings ngayon, yung dating makulit kung kaibigan ayun game face pati na rin ako. Hindi ko na rin namamalayan na lagi ko na palang nasisigawan yung iba kong team mates. 

"Bei -- cool down." paalala sa akin ni Ate Ly. "Hindi lang ikaw ang nasabon -- tayong lahat kaya relax ka lang diyan. Bawi tayo sa next game natin ha." tapik niya sa balikat habang nag one-on-one game kami ng team.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumango. Nakita ko ding umalis si Coach O at parang may kausap ito sa kanyang cellphone. 

"Okay sege -- game!" sigaw ni Ate Ly para pagpatuloy ang laro namin. Nag team A at team B kasi kami. Yung team ko ay si Ate Ly, Ate Ells, Jho, Ate Den, Deanna at Giselle tapos yung iba naman ay nasa Team B. 

Hindi ko din alam kong bakit ako naiinis ngayon sa tuwing mag co-commit ng error yung team namin. So nung nag spike si Jho at na net ball ay napapalatak na naman ako at medyo nasigawan na naman siya.

"Jho naman!" reklamo ko tapos ay nag rotation na kami. Yung posisyon niya ay sa likod ko na. Na block naman namin ni Ate Ly ang running spike ni Maddie kaya score namin at kami ulit ang mag se serve. 

"Galingan mo!" pahabol kong sabi ni Jho na kanina pang hindi umiimik habang papunta na siya sa service line. Humarap ako sa net at nag stretch ng kamay na parang nagbabantay pero agad akong napalingon ng tumama yung bola sa likod ko.

Ouch! Ang sakit naman nun.

Paglingon  ko ay nakita ang  naka simangot na si Jhoana pero nung maramdaman ko yung kirot sa batok ko dahil sa pagtama ng bola ay tumaas na naman yung inis ko.

"Hey! Whats your problem!" singhal ko kay Jho habang hawak ko yung bola saka tinapon ko sa kabilang side. 

"Ikaw! Ikaw yung problema ko!" balik naman niyang singhal sa akin. "Nakakainis ka na! Kanina ka pa!!." habang papalapit sa akin.

Nagsi lapitan naman yung iba naming team mates para awatin kami. 

"Uy! Jho -- Bea -- relax lang kayo." sabi ni Maddie na nasa gitna na namin.

"Calm down lang guys." rinig ko ding sabi ni Ate Ly.

"Kala mo ah ikaw lang yung apektado sa team ah. Kung maka asta ka parang ikaw lang yung nakaramdam ng pagka dismaya! Oo na! Ako na yung puro error! Wag mo lang ipa mukha sa akin na parang wala akong ginagawa para mas ma improve ko yung form ko!!" nangingilid na luhang sumbat sa akin ni Jho. Pinipigilan lang niya na tumulo ang kanyang luha at mabilis din niyang pinunasan iyon. Nagtaas baba na rin yung paghinga niya dahil sa inis.

"Jho -- relax ka na. Okay.." hinila siya ni Ate Ly palayo sa akin. 

"Am I too much?" mahina kong sambit na sakto ding madidinig ng mga taong nasa paligid ko.

"Somobra ka lang ng konti Bei. And just in case hindi mo pa alam -- kagabi pa yan umiiyak dahil nababasa niya yung tweet ng mga bashers sa kanya." kwento sa akin ni Jia. 

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now