Chapter 2

753 18 1
                                    

Bea POV

Pagod akong umuwi ng bahay pagtapos ng evening training namin. Mga pasado 7pm na rin. Gutom pa ako ngayon dahil hindi ako nakakain ng maayos kaninang lunch time dahil hinahabol ko ang klase kong 1pm.

First day na first day sa klase at training halos gusto ko ng sumubsob sa kama. Pagtapos kong i-park ang kotse ko sa garage ay kinuha ko na ang bag ko sa compartment at pumasok na din sa bahay.

"Mom! Dad! I'm home." sigaw ko pagkapasok. Ganito naman talaga ako pag uuwi ng bahay. Gusto kong mangbulabog. Boses naman ng aso na nanggagaling sa kusina ang bumati sa akin. "Hello Charlie!" umupo ako saka hinimas himas ang aso kong corgi.

Wala atang tao?

Nasanay kasi akong agad na sasalubong sila sa akin. I put my bag on the sofa.

"Momm! Dad!" Sigaw ko ulit habang papunta ng kusina.

Hindi naman kalakihan ang bahay namin. Sakto lang para sa aming tatlo at sa tatlo ding kasambahay namin. Actually, kasama namin si kuya but since gusto ng magsarili at may nakita na ding trabaho idagdag pa na medyo malayo sa village ay napagpasyahang mag co-condo nalang siya. At take note, in his expense. Kainggit nga eh kasi nag i-independent na siya. Pero hopeful din naman akong papunta na rin ako dun.

"Congratulations Bea!"

Agad akong napaigtad sa gulat ng bumungad sa akin sila mommy at daddy kasama na rin sila Kuya Jun, Ate May at Manang Sita na sinamahan pa ng poppers at ballon nang makita ko sila sa kusina. They are so happy surprising me kahit hindi ko naman birthday. Yung kaninang pagod ko ay biglang nabawasan at na eexcite ako.

"Whats this? Its not my birthday!" Nangingiti kong sabi habang humahalik sa pisngi nila Mommy at Daddy. Nagmano na rin ako sa mga nakakatanda maliban kay Ate May na  limang taong tanda lang sa akin. Ayaw din naman niyang minamano ko siya.

"Yes, its not yet your birthday but we are so happy that you made it to your training at nakasama ka na sa first six." Masayang balita sa akin ni Mommy.

"Pano niyo nalaman?" takang tanong ko. 

"Alyssa called us, honey." si Dad. 

Sa isip isip ko napapafacepalm na ako. Oo nga pala, may espiya sila sa Ateneo. 

"Well, thank you guys.. nawala ang pagod ko dahil sa surprise na ito." masaya kong sabi. "Pwede na ba tayong kumain, im really hungry." 

"O sege sege.. teka maghahanda na ako ng juice." natatarantang sabi naman ni Manang Sita. 

Dito sa amin, sabay sabay kaming kumakain kasama sila Manang, Ate at Kuya Jun. We are one family dahil para sa amin pamilya na din sila. Sobrang saya ng dinner namin dahil puno nang tawanan, kumustahan at medyo asaran. 

"Marami bang pogi sa Ateneo, Bey?" tanong sa akin ni Ate May. Nasa harapan ko siya naka upo. Natawa ako sa tanong niya. 

"Oy oy... baka naman magpapareto ka kay Bea dun May ha, pag aaral muna atupagin mo." bara sa amin ni Daddy na nasa kabisera. Nasa kanan niya si Mommy at kabila naman niya si Manang Sita na katabi ni May at Kuya Jun.

"Oo nga May, kung ano ano pa ang tinatanong mo kay Bea." singit naman ni Manang Sita. Natatawa nalang din ako habang nakayukong kumakain. Nakita ko kasing medyo nakasimangot si Ate May sa sinabi nila Daddy at Manang. 

Pagtapos naming kumain ay umakyat na rin ako sa taas para makapagbihis at makapagpahinga na rin. It's a tiring day today pero worth it naman at saka may mga nakikilala na din akong mga bagong kaibigan. Di naman kasi ako ganun ka-palaibigan, mas gusto ko lang na nasa gilid lang at nagmamasid. May pagkamakulit din nama ako pag nakilala at pag komportable na ako sa kanya. 

Pumunta ako sa may veranda ng kwarto ko habang nagpapatuyo ng buhok. Kinulikot ko ang cellphone ko ng makita ko ang mga notifications. Sobrang daming mga messages dahil naka join na pala ako sa isang group chat. 

Lady Eagles Group Chat

Ella: Magsitahimik nga kayong lahat! Ang iingay ninyo!

Ponggay: Si Jhowjhow naman kasi...

Jho: Bakit ako? 

Maddie: Ikaw ang nag join kay Bea sa chat. yeeee

Ponggay: Oo nga...

Jia: Teka? Anong ganaps?

Ella: Absent ka!! San ka na naman nagpupupunta?

Jia: May project lang na ginawa!

Ponggay: May date siya!

Ella: Ay teka, nag se-seen na si Bea o. 

Ponggay: Hi Bea!

Maddie: Hello Bea.

Jia: Hi Bea.. we didnt met kanina. 

Ponggay: Hoy Jho! Si Bea o!

Natatawa at nahihiya ako sa mga nababasa kong conversation nila. Pero ang nagpapangiti talaga sa akin yung inaasar nila si Jho. Nakita kasi na si Jho talaga ang nag add sa akin sa group. 

Bea: Hi guys.. thank you sa pag- welcome. 

Puro asaran na naman ang nagyayari. Nakikita ko ding nag se-seen lang ang ilan dahil siguro nakikiread lang o busy sa kung ano man ang ginagawa. Ang active lang sa pang-aasaran ay sina Ponggay at Ate Ella. Nakikisali din naman si Jia at Maddie.

Sila Ate Ly, Ate Den at Ate Ella lang naman ang medyo close ko sa Lady Eagles dahil magkakilala ang mga common friends namin pero yung iba ay hindi na. Masaya nga ako na naka gaanan ko ng loob si Jho.

Hindi ko na namalayan na past 11 na pala. Kung hindi lang ako kinatok ni Daddy na matulog na ay siguro nakikipagkulitan pa ako. 

I decided to call it a day at saka tumayo at nag unat. This is my favorite place here in our house. Ang veranda ko. Kita ko kasi ang likurang bahagi ng village kung saan may maliit na lawa sa di kalayuan. Sinadya talaga yun para sa exclusive park. Tapos sobrang ganda pa tingnan nun pag natatamaan ng buwan at may mga stars pa. 

I deeply inhale-exhale and silently thank God for this wonderful life saka ko kinuha ang cellphone at tuwalya na nakapatong sa mesa at pumasok na sa loob. Pagkahiga ko ay chineck ko ulit ang inbox ng messenger ko and there's a new message na nagpapangiti at nagpapa excite sa akin.

Jho: Goodnight Bey... see you tomorrow morning. Wag ka ng ma-late para di ka makapag push up. 

I hit the profile pic to go to her profile then add her as a friend. Agad din naman niyang in-accept then I push the reply button.

Bea: Goodnight too, Jhoana

Then I dose to sleep with a smile on my face. 

Journey (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now