Chapter 1

5.8K 147 5
                                        

Tunog ng kulog at kidlat ang nagpagising sa batang si Hiro. Babagon sana ito upang doon matulog sa tabi ng kanyang ina dahil takot siya sa kidlat at kulog.

Ngunit nagulat siya na humahangos ang ina nitong pumasok sa loob ng kanyang silid.

"Mom." Mahinang pagtawag niya sa ina. Sumilip muna ito bago isinarado ang pinto at inilock pa nito iyon.

"Sshhh! Huwag kang maingay anak. Lilipat tayo sa kwarto namin ng daddy mo."

Nagtataka at naguguluhan siyang tumingin sa mukha nito. Isang lampshade lamang ang nakabukas na ilaw sa kanyang kwarto. Ngunit kahit madilim ay kita niya ang takot at pamumutla ng mukha nito.

"Mommy bakit po ano pong nangyayari?" Tanong niya dito. Umiling lamang ito at dahan dahan siyang pinababa sa kama.

"Huwag kang maingay hah! Sumunod ka lang."

Hinawakan nito ng mabuti ang kanyang kamay. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang ina.

"M-Mommy bakit po." Kinakabahan siya. Wala ang daddy niya dahil umattend ito ng business conference sa America at sila lamang mag-ina kasama ang mga kasambahay at dalawang security guard na nagbabantay sa kanilang gate.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo. Basta huwang kang gagawa ng kahit anong ingay. Naintindihan mo ba si mommy?"

Tinanguan niya ito at sumunod na lamang sa inutos ng ina. Kumapit siya ng husto sa ina dahil sa takot.

Nang makapasok sila sa loob ng silid nito ay idineretso siya nito sa loob ng walking closet.

Binuksan nito ang closet at pinapasok siya dito. Umupo siya at nagtatanong ang kanyang mga mata na tumingin sa mukha ng ina.

"May mga bad guy sa labas. Kaya kahit anong mangyari huwag na huwag kang lalabas. Kahit anong marinig mo ay huwag kang sisilip. Ipangako mo sa mommy na magiging good boy ka okay?"

Nagsimula na siyang umiyak. Mukhang alam na niya kung ano ang nangyayari. At natatakot siya na baka may masamang mangyari sa kanila. Lalo na sa mommy niya.

Gusto niyang ipagtanggol ang ina ngunit ano ba ang magagawa ng isang batang siyam na taong gulang.

"M-Mommy sama ka na lang dito. Magtago na lang tayo." Ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya.

"Mapapahamak tayong dalawa kapag pareho tayong nagtago. Kaya mag promise ka kay mommy na hindi ka lalabas kahit anong mangyari okay?" Tumango siya habang umiiyak.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon