"Who are you?" Tanong ni Hiro sa babaeng kaharap niya ngayon. Nakatutok sa mukha nito hawak niyang baril. Hindi niya inaalis ang pakikipag titigan niya dito.
Kita niya ang pagbabago ng emosyon nito sa mata. Halo halong emosyon ang nakikita ni Hiro dito. Mayroong takot, pangamba at saya.
Nakatitig lamang ito sa kanya at mukhang wala rin balak na tutukan man lang siya ng baril. Hindi maintindihan ni Hiro ang sarili dahil may kung ano sa damdamin niya ang namumuo dahil lamang sa mga titig nito. Pakiramdam niya ay kilala niya ang babae.
Gumalaw ng bahagya ang babaeng kaharap niya. Umabante ang isang paa nito.
"Damn! Huwag kang kikilos! Answer me! Who the fuck are you?!" May diing tanong ni Hiro. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatutok ng baril niya sa mukha nito.
Napatigil ito sa paghakbang palapit sa kanya ng sumigaw siya. Kumabog ng malakas ang puso niya ng bigla itong ngumiti. May kakaiba sa ngiti nito. Hindi iyon nang-uuyam o nananakot na ngiti kung hindi isang masayang ngiti. A genuine smile. Kaya lalong nangunot ang noo ni Hiro.
Parang may nagtutulak kay hiro na ibaba ang baril at lapitan ito upang yakapin at halikan. Hindi niya maintindihan ang sarili. Naguguluhan na siya. Natanong din niya ang sarili kung bakit ganito ang reaksyon niya sa babae.
Biglang sumagi sa isip niya si Aria. Ayaw niyang magkasala dito. Ayaw niyang may nararamdaman siya na ganito sa ibang babae. Gusto niya ay tanging kay Aria lamang niya ito nararamdaman. Damn
Ang ipinagtataka pa niya sa sarili ay kung bakit imbis na magalit siya dito ay parang sabik pa siya na mayakap ito. Kung ano ang reaksyon ng katawan at puso niya para kay Aria ay parehong pareho ang nararamdamn niya sa babaemg kaharap niya ngayon.
Alam niya na ito ang babaeng humalik sa kanya noon sa yate. Kaya gusto niyang malaman kung sino ito. Kung hindi man ito si Aria na mukhang imposible dahil hindi lang pigura, kilos at mukha ang kahawig nito, dahil pati ang damdamin niya para dito ay pareho.
Ngunit naisip din ni Hiro na kung si Aria ito ay bakit hindi nito sinabi sa kanya. Bakit ito magsisinungaling? Namumuo na naman ng pagdududa niya para kay Aria. Naisip din niya na baka naman may kakambal si Aria. Hindi lang nito nababanggit sa kanya.
Hindi na niya alam ang iisipin niya. Sa totoo lang ay para na siyang mababaliw sa kakaisip. Naisip niya na umuwi na at kausapin si Aria ng masinsinan. Gusto niya na sa bibig mismo nito manggaling ang lahat, kung may dapat ba siyang malaman.
"Hindi ka ba magsasalita? Fucking answer me" humugot ng malalim na hininga si Hiro at malamlam na tumingin ito sa babae. "Honey, ikaw ba yan? Please tell me." May lambing sa bawat salita na binitawan ni Hiro.
Nakita niya ang paglamlam ng mukha nito. Para itong mayroong gustong sabihin sa kanya. Ibinaba ni Hiro ang baril na hawak niya. Ibinuka niya ang mga kamay niya na para bang naghihintay siya na itapon nito ang sarili sa kanya upang yakapin niya ito.
"Hon, kung ikaw yan please give me a hug. Please Aria, mababaliw na ako sa pag-iisip."
Akmang tatakbo si Aria para yakapin si Hiro ng biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa likuran nito.
Mabilis na iniangat ni Aria ang baril at pinaputukan ang mga lalaki sa likuran ni Hiro.
Nanlaki ang mata ni Hiro ng makitang tutukan siya ng baril ng babae at mabilis itong nagpaputok. Ngunit nang makarinig siya ng mga ungol na nasasaktan ay mabilis siyang napatingin sa likuran niya.
Nakita niya ang dalawang lalaki na humandusay sa lupa. Nanlalaki ang mga mata niya na ibinalik ang tingin sa babaeng nakamaskara.
Ngunit laking panlulumo niya ng makitang wala na ang babaeng kanina lamang ay kausap niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/278552287-288-k535222.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...