After two months
"Dadalaw ka bud?" Tanong ni Alvarez kay Hiro ng makita nitong nag-aayos ito ng gamit niya. Agad na tumango si Hiro kaya napatingin sa kanya ang lahat.
Nakabalik na rin sina Ruiz at Lopez. matapos ang kasong hinawakan ng mga ito kaya kumpleto sila ngayon sa loob ng opisina.
Nagulat pa ang mga ito ng malaman ang nangyari kay Aria. Kahit si Lopez ay may kinakaharap ding personal na problema tulad niya kaya halos hindi na manumbalik sa dating saya ang grupo nila.
Maging si Jake ay hindi alam ang gagawin sa kanyang dalawang agent. Magkaiba man ang kinakaharap na problema ng mga ito ngunit alam niya na pareho ang sakit na nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Hindi niya alam kung paano niya matutulungan ang mga ito. Lahat sila ay apektado. Maging ang mga trabaho ng mga ito.
"Bud, kaya pa ba? Kung kailangan mo ng kausap narito kami." Ani ni Jake na nakatingin na rin kay Hiro.
Tumango si Hiro at pilit na ngumiti dito. Alam niyang nag-aalala sa kanya ang lahat. Laking pasasalamat niya dahil nandyan ang mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. Kahit papaano ay nararamdaman niya na may karamay siya na harapin ang lahat ng pagsubok na kinakaharap niya ngayon. Na hindi siya nag-iisa.
Ibinaling niya ang tingin kay Lopez na naka yuko at halata rin ang problema sa mukha nito. Masayahing tao si Lopez kaya hindi nila maiwasan na maapektuhan dito.
Kahit gusto ni Hiro na payuhan ito ay hindi niya magawa. Dahil kahit siya ay mabigat ang dinadala.
Bumuntong hininga ang lahat, parang may kung anong madilim na awra ang bumabalot sa loob ng opisina nila. Walang nagsasalita.
Hanggang pumasok ang director nila na si director James Ramirez. Napatingin ang lahat dito. Nagulat naman ito nang makapasok ito sa loob ng opisina dahil sa mga mukha ng mga tao sa loob na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Agad namang tumayo ang mga ito at sabay sabay na sumaludo dito.
Nang sagutin ang pagsaludo ng mga ito ay umupo siya sa harapan nila. Napailing si James at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga agent ni Jake. Mukhang kailangan na niyang magsalita upang mabuhayan ng loob ang grupong naging paborito na niya.
Aaminin niya na sa dami ng grupo ng mga agent ay itong grupo ni Jake ang paborito niya. Mga totoong tao at may paninindigan. Mga tapat sa tungkulin at maaasahan kung kinakailangan. Tunay na kaibigan at hindi nang-iiwan, sasamahan ka nila sa kahit anong laban. Kaya aminin man niya o hindi ay mahal niya ang grupo ni Jake. Parang mga anak na niya ang mga ito.
"Anong meron bakit lahat kayo nakabusangot?" Ani ni director James sa mga ito. Walang nagsalita at nanatiling tahimik ang lahat.
"Ang alam ko si Lopez at Garcia lang ang may pinagdadaanan ngayon. Eh bakit lahat kayo mukhang pinagbagsakan ng langit." Saad muli nito. Na mukhang naghihintay na may sumagot.
"Si Alvarez din sir may problema!" Makahulugang saad ni Robles kaya mabilis silang napatingin kay Alvarez.
Kumunot ang noo nito at masamang tiningnan si Robles. Agad na ngumisi ito kaya lalong nainis si Alvarez.
"Gago ka talaga, nananahimik ako dito." Galit na saad ni Alvarez na sinamaan pa ng tingin si Robles.
"Anong problema mo? Sasabay ka pa sa dalawang ito?" Kunot noong tanong ni Jake dito.
"Problema niya yung bago niyang ka-buddy sir. Masayado raw po kasing maganda." Muling pagsabad ni Robles.
Ang madilim na awra sa loob ng silid ay mabilis napilitan ng kakaibang hangin dahil natawa ang ilan sa kanila. Maging si Lopez at Garcia ay hindi napigilang mapangiti. Napailing na lamang si Jake.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
