Chapter 6

4.3K 125 2
                                        

Maagang nagising si Aria kinabukasan. At dahil tulog pa si Hiro ay nagkusa na siyang magluto ng kanilang almusal. Mabuti na lamang at may stock itong pagkain dahil may maluluto siya.

Abala siya sa pagluluto ng kanilang almusal. Nagluto siya ng siningag, itlog at bacon. Iyon kasi ang nakita niya sa ref nito.

Suot niya ang malaking t-shirt na ipinahiram sa kanya ni Hiro kagabi. Dahil malaki naman iyon at hanggang sa ibabaw ito ng tuhod niya kaya hindi na siya nag-abalang isuot ang boxer short na ibinigay ni Hiro. Tanging iyon lamang ang suot niya dahil nilabhan niya ang under wear na suot niya kagabi. Plano niyang kumuha ng ilang mga damit sa apartment niya habang nasa condo siya ni Hiro upang mayroon siyang magamit. Kahit gustong gusto niyang gamitin ang mga damit nito ay nahihiya naman siya. Dito na nga siya pansamantalang nakatuloy kaya ayaw naman niya itong abusuhin pa.

Habang nagluluto siya ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Dahil pakiramdam niya ay bagong kasal sila ni Hiro. Hindi niya maiwasang kiligin kapag naalala niya ang nangyari sa club kagabi. Napakabait at gentleman ni Hiro kaya lalo siyang nahuhulog dito. Dasal lang niya ay huwag siyang tuluyang mabaliw dahil sa pagmamahal niya kay Hiro.

Habang si Hiro ay pupungas pungas na bumangon ng kanyang kama. Lumabas siya ng kanyang silid at naamoy agad niya ang mabangong sinangag sa kusina.

Kumunot ang noo niya at kumurap kurap pa siya. Nagtataka siya kung sino ang nagluluto ng pagkain sa kusina niya. Inalala niya kung dumating ba ang yaya Cora niya kagabi. Hanggang mapatigil siya at maalala niya na isama nga pala niya si Aria sa bahay niya. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa kusina.

Naabutan niya itong abala sa pagluluto suot ang kanyang malaking t-shirt. Napasandal siya sa hamba ng kusina habang nakahalukipkip ang mga braso.

Hinahod niya ng tingin ang katawan ni Aria mula ulo hanggang paa habang nakatalikod ito sa kanya. Ni hindi nito namamalayan na nakatingin siya dahil sa pagiging abala nito. Napangiti pa siya ng makitang wala itong sapin sa paa at bahangyang itinataas ang isang paa at marahan na ikiniskis iyon sa kanyang isang binti. Namumula ang talampakan nito na para bang ang lambot lambot niyon.

Agad siyang napailing at inalis ang tingin sa paa at hita nitong makinis. Kitang kita niya ang ganda ng hubog ng mga binti at hita nito. Huminga siya ng malalim dahil nakakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan.

Sinong mag-aakala na babagay dito ang damit niya. Ngayon lamang niya nakita na may babaeng nagsuot ng damit niya at hindi niya alam na bagay pala iyon sa isang babae lalo na kung si Aria ang magsusuot. Fuck ano ba itong mga naiisip ko? Napangiwing bulong ni Hiro sa sarili.

Bagay din dito ang pagkakapusod ng buhok nito. Dahil kita niya ang makinis nitong leeg at batok. Bakit parang ang sarap amoyin non.. Fuck fuck!! Nagiging manyakis na ako. Habang tinititigan niya si Aria ay napagtanto niya na talagang maganda ito lalo na ngayong simple lang ang suot nito at wala itong kahit anong make up. Mas lumalabas ang totoo nitong ganda.

Napahawak si Hiro sa dibdib niya ng maramdamang tumibok muli ang puso niya ng mabilis na para bang kinakabahan siya. Halos kapusin din siya ng hininga habang tinititigan niya si Aria. Iyon na naman ang pakiramdam niya tulad ng naramdaman niya kagabi. Ganyan ang epekto ni Aria sa kanya. At hindi niya maintindihan kung bakit. Halos hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip dito. Lalo na kapag naiisip niya ang mga halik at labi nito.

Nang itaas ni Aria ang kamay dahil may kukuhanin ito sa itaas ng kitchen cabinet ay kusa ding umangat ang damit na suot nito. Napatingin si Hiro sa ibabang parte ng katawan nito nang umangat ang damit nito.

Nanlaki ang mata niya at napaubo ubo pa siya sa kanyang nakita. Kitang kita niya ang makinis nitong pang-upo. Dahil sa pagkakaubo niya kaya napatingin si Aria sa kanya. Halos atakihin siya sa puso ng makita niyang wala itong suot na pang loob at tanging t-shirt lamang niya ang suot nito. Tang ina, torture ito. Bulong ni Hiro sa sarili habang nag-iinit ang kanyang mukha. Alam niyang namumula na ang mukha at leeg niya kaya bahagya siyang tumalikod.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon