Isang linggo na ang nakalilipas simula ng makapasok si Aria sa club na minamanmanan niya. Pagkarating niya galing ng America ay inalam agad niya ang magiging assignment niya.
Minanmanan muna niya ito ng ilang araw bago niya napagpasyahan na pumasok dito bilang isang stripper.
Wala siyang ibang choice kung hindi magpanggap na nangangailangan ng trabaho at magkunwari na kailangan niya ng pera. Gumawa din siya ng kwento na kapit siya sa patalim dahil sa sakit ng nanay niya na nasa probinsya.
Mabuti na lamang at hindi siya nahirapan at nakapasok agad siya dito. Sa totoo lang ay asiwa siya na sumayaw at maghubad sa harapan ng mga lalaki. Ngunit wala siyang pagpipilian. Walang bakante sa mga waitress kaya napilitan siyang tanggapin ang trabahong iyon. Sa bagay ay hindi naman iisang beses niya ito ginawa. Dahil kapag kailangan niyang mag-under cover sa isang mission ay ginagawa niya iyon. Mas malala pa nga dahil sa America niya iyon ginagawa at mas liberated ang mga tao doon.
Mas maigi na rin iyon kaysa isabak siya sa casa na sinasabi ng mamu nila sa club. Assignment niya ang alamin kung sino ang utak ng red dragon syndicate na galing ng Russia. Nakatanggap sila ng balita na sa pilipinas ang mga ito magkikita ngayon kaya ipinadala siya ng kanilang departamento para dito.
Ipinarada niya sa di kalayuan ang sasakyan niya. Suot ang maiksing black tube dress na hapit na hapit sa kanyang katawan. Dumeretso siya sa likod ng club at pumasok sa employees quarter.
Kailangan na naman niyang umarte sa harapan ng mga costumer. Kailangan niyang magmasid at mag focus sa ginagawa niya. Hindi siya maaaring pumalpak. Dahil buhay ng mga batang menor de edad ang nakasalalay sa kanya.
Araw araw ay sumasayaw siya sa harap ng mga hayok sa laman at manyak na lalaki. Kahit pakiramdam niya ay nababawasan ang dignidad niya ay nilalakasan niya ang kanyang loob para sa mga batang babae na ibinebenta ng club at ng casa na ito.
Hindi na siya makapapayag pa na may mabiktima pa ang mga halang ang kaluluwa. Kaya ng sabihin sa kanya ng kanilang director ang assignment niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa.
Sa isang linggo niyang pagtatrabaho sa club ay wala man lang siyang bakas na makita tungkol sa red dragon. Masyadong mailap at mukhang maingat sila pagdating sa mga transaksyong nangyayari sa loob nito.
Nagtataka din siya dahil may isang beses na hindi sila pinapasok. Isasara raw ang club kaya nagduda siya na may magaganap na auction ng mga kababaihan. Mukhang ginagawa lang nila na panakip sa totoong nangyayari ang club.
"Oh Maria, nandyan ka na pala. Magbihis ka na at lumabas ka na doon."
Napangiwi si Aria ng marinig ang pagtawag sa kanya ng mamu nila. Mamu ang tawag nila dito dahil ito ang pinaka kanang kamay ng may ari. Ito ang namamahala kapag wala ang may ari ng club. Mahigit kwarenta na ang edad nito ngunit kahit may edad ay nanatili itong maganda.
Dito siya lumapit noon upang pumasok sa club. At dahil likas na maganda siya ay nakuha siya agad bilang stripper.
"Maria talaga mamu. Nasa club tayo tapos tatawagin mo akong Maria? Napaka banal ng pangalan na iyon." Biro niya dito. Sinusubukan din niyang kuhanin ang loob nito dahil alam niya na may alam ito sa mga nangyayaring bentahan ng mga babae.
"Anong gusto mong itawag ko sayo. Iyon naman talaga ang pangalan mo, diba?" Irap nito sa kanya.
Natawa siya at umiling dito. "Mamu, Marie... Marie ang pangalan ko. Sa dami ng babaeng hinawakan mo mukhang pumapalya na ang memorya mo sa pangalan. Senyales yan na tumatanda ka na." Humagikgik siya dahil sa reaksyon nito.
Kumunot ang noo nito na lalo niyang ikinatawa. "Ewan ko sayo. Bilisan mo na at lumabas ka na doon. Akala ko ba kailangan mo ng malaking halaga para sa nanay mo?"

BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...