"Avia paki labas mo na itong mga barbeque sa pool." Utos ni Aria sa kapatid niya.
Nasa mansion sila ng mga Fernandez ngayon. Nagkayayaan ang mga itong magkaroon ng barbeque party. At dahil malaki ang pool ng mga Fernandez ay nagpresinta si Nathalia na sa mansion na lang kaya pumayag ang lahat.
Ngumiti si Avia sa kanya at sinunod naman ng inutos niya dito. Kahit papaano ay hindi nalulungkot si Aria dahil bukod sa may mga bago siyang matatawag na pamilya ay kasama pa niya ang kapatid niya.
"Oy buntis, maupo ka nga doon. Dapat nag-iingat ka lalo na at kabuwanan mo na." Ani naman ni Nathalia sa kanya.
Napangiti siya at umiling dito. "Okay lang ako. At saka medyo namamanas na nga ang mga binti at paa ko kakaupo."
Simula ng makilala niya si Nathalia ay naging matalik niya itong kaibigan. Hindi ito mahirap makasundo. At kahit mayaman ang pamilya nito ay hindi siya mapagmataas at suplada. Nanatili siyang down to earth at pala kaibigan.
Madalas din silang lumabas kasama sila Althea at Avia. Hiling nga nila ay mag-asawa na ang iba para naman madagdagan sila. Tinatawag nila ang grupo nilang mga kababaihan na commander's wives. Dahil sa sobrang masunurin at takot sa kanila ang mga asawa nila. Talaga naman tiklop sa kanila ang mga ito lalo na kapag galit na sila. Si Nathalia ang naatasan nila na maging leader ng grupo total ito ang unang nag-asawa sa kanila at ito rin ang asawa ng kapitan nila.
Naalala pa niya na dalawang buwan matapos mag propose ni Hiro sa kanya ay ginanap ang kasal nila. Sa isla Ortiz sila ikinasal tulad nina Jake at Nathalia. Si Nathalia ang naging punong abala ng kasal nila at ginawa itong surprise sa kanya.
Nalaman niyang inako pala ng ama ni Nathalia ang gastos sa kasal ng buong grupo at sinabihan ang mga ito na sa isla Ortiz magpakasal at siya ang sagot sa lahat ng gagastusin ng mga ito. Pasasalamat na rin daw sa kanila dahil sa pagkakaligtas nila sa unica iha nitong si Nathalia.
Ito rin ang tumayong principal sponsor nila kasama ang asawa nito. Maging ang director general na si James Ramirez at ang asawa nito ay ninang at ninong nila.
Masasabi niya na isa iyon sa hindi niya makakalimutan na pangyayari sa buhay niya. Medyo nalungkot pa siya dahil hindi nakarating si Darwin sa kasal nila dahil nasa isang delikadong mission ito.
"Hindi ka pa ba napapagod?"
Umiling siyang muli sa tanong nito. "Hindi, actually ngayon nga lang ako nakakakilos. Paano ba naman, maghapon na ata akong nakahiga sa kama. Simula ng mag paternity leave yang si Hiro at mamalagi sa bahay eh hindi na ako makakilos. Kung hindi ako nakahiga, nakaupo naman."
Tumawa ng malakas si Nathalia dahil sa sinabi ni Aria. Natatandaan niya na ganon din si Jake sa kanya hanggang sa makapanganak siya.
Naisip niyang mukhang may pagkakapareho ang mga ito at iyon ay ang pagiging maalaga nila sa mga magiging asawa nila. At maswerte sila ni Aria dahil nakatagpo sila ng tulad ni Hiro at Jake.
"Naku masanay ka na. Ako nga simula ng maging kabuwanan ko noon hindi na ako lumabas ng kwarto. Kung lalabas man ako pero binubuhat ako ni Jake." Tumatawang kwento ni Nathalia.
Napailing na natawa na rin si Aria. Ganon din kasi si Hiro sa kanya.
"Sinabi mo pa. Kung makapag alaga akala mo ayaw tayo pahirapan. Pero kapag gustong umiskor halos patayin tayo sa pagod."
Humagalpak ng tawa si Nathalia dahil nakakarelate siya doon. At isa siya sa makakapagpatunay na sobra ang libido ng asawa nila. Narinig iyon ni Avia at Althea kaya namula ang mukha ng mga ito.
"Naku kung mamula naman ang mukha nyo akala nyo mga virgin." Birong ani ni Nathalia sa dalawa na ikinatawa ni Aria.
Nang matapos sila sa paghahanda ng pagkain ay nagpasya silang pumunta sa pool kung nasaan ang mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
