Chapter 21

3.7K 113 8
                                        

Sabay na hinarap ni Hiro at Aria ang mga natitirang tauhan ni Mr Castro. Hinahanap din nila ito upang mahuli nila ito ng buhay para mapagbayaran nito sa kulungan ang lahat ng kasamaan na ginawa nito.

Maingat nilang tinahak ang bawat sulok ng warehouse hanggang makita nila ang ilang tauhan ni Mr. Castro na lumabas patungo sa likod ng warehouse.

Maingat silang sumunod sa mga ito at hindi nga sila nagkamali dahil nakita nila si Mr Castro na tumatakbo papalapit sa nakaparada nitong sasakyan at mukhang balak itong tumakas.

Agad na binaril ni Hiro ang natitira nitong tauhan kaya nanlalaki ang mata itong tumingin sa kanya. Napahinto ito sa planong pagsakay ng sasakyan.

Akala ni Hiro ay manlalaban ito sa kanila ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ibinaba nito ang baril na nakatutok sa kanila. At para itong maamong tupa na tumingin sa mukha ni Hiro. Nagmukha nga itong mabait dahil sa ginawa nitong pagsusumamo kay Hiro.

Ngunit hindi nagpatinag si Aria. Nanatiling nakatutok ang baril niya sa matandang lalaki na mariing nakatingin kay Hiro. Hindi siya maaaring magpakakampante dahil naniniwala siyang hindi totoo ang ipinapakita nitong kabaitan.

"Hiro anak." Malumanay nitong ani kay Hiro.

Tumigil ng paglalakad si Hiro sa harapan nito at ibinaba rin nito ang hawak niyang baril.

"Sumuko na po kayo. Kailangan nyong pagbayaran ang kasalanang ginawa nyo." Magalang na ani ni Hiro. Kahit na may ginawa itong masama sa kanyang ama ay ninong pa rin niya ito. Ngunit kailangan itong makulong dahil sa mga kasalanan nito hindi lang sa kanila maging sa lipunan.

"Hiro, hayaan mo na akong umalis. Wala naman akong balak saktan ang daddy mo. Gusto ko lang siyang takutin. Anak pabayaan mo na akong makaalis."

Napangisi si Hiro at umiling pa siya na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi nito.

"Naririnig nyo ba ang sinasabi nyo? Alagad ako ng batas at trabaho ko ang huliin ang masasamang tao na tulad nyo. Tapos gusto nyo pabayaan ko kayo? Gusto nyo pakawalan ko kayo? Hindi pa ako nababaliw para gawin yon."

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mr Castro. Kung kanina ay para itong maamong tupa ngunit ngayon ay bigla itong naging mala demonyong ngumisi sa kanya. Matalim din ang tingin na ipinupukol nito kay Hiro.

Tumawa ito ng malakas na parang nababaliw. Umiiling pa ito at humarap ng maayos kay Hiro. Tumabi naman si Aria kay Hiro ng bahagya dahil hindi maganda ang nararamdaman niya sa usapan ng dalawa.

"Manang mana ka talaga sa ama mo. Mamamatay na lang nagpapaka bayani pa." Tumatawa nitong ani. "Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa siya pinatay nong binigyan ako ng pagkakataon. Sana itinulad ko na rin siya sa asawa niya noon."

Natigilan si Hiro dahil sa salitang lumabas sa bibig nito. Mariin siyang napatingin sa lalaking kaharap. Nanginginig na rin ang kanyang katawan sa galit. Hindi pa man niya naririnig na ito ang pumatay na ina niya ay parang gusto na niya itong paulanan ng bala sa katawan.

"Nagulat ka ba?" tumawa ulit ito ng mala demonyong tawa. Mahihiya si Lucifer sa uri ng pagtawa nito.

"Oo ako ang pumatay sa mommy mo." Nanlambot ang tuhod ni Hiro. Naramdaman iyon ni Aria kaya mabilis niyang inalalayan ang kasintahan. Kita niya rin ang pamumula ng mata nito dahil sa pag-iyak.

Matagal nang hinahanap ni Hiro ang pumatay sa mommy niya. Hindi niya akalain na nakakasama na pala niya ang pumatay dito ngunit para itong walang ginawang kasalanan kung humarap sa kanila ng daddy niya.

Kahit gustong yakapin ni Aria si Hiro sa mga oras na iyon ay hindi niya magawa. May kinakaharap sila ngayon at hindi sila maaaring malingat dahil kaunting pagkakamali ay tiyak na buhay nila ang kapalit.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon