Special Chapter

2.8K 59 19
                                        

"Atasha anak, uuwi ka ba mamaya?" Tanong ni Aria sa anak na nasa kabilang linya.

"Opo, pero huwag nyo munang sasabihin kay daddy. Gusto ko i-surprise siya tulad ni ate at Amir." Sagot nito sa kanya.

"Oh sige. Hindi ko sasabihin sa kanya. Ingat ka sa biyahe anak."

Matapos niyang makausap si Atasha ay nagpadala naman siya ng mensahe sa anak na panganay na si Mira.

Tatlong taon na sa Paris ang anak nilang panganay. Matapos ang eskandalong kinasangkutan ng dati nitong nobyo na si Lexus ay nagpasya itong lumayo upang makalimot.

Pinayagan nila ito kahit masakit para sa kanila ang malayo dito. Ngunit alam nilang hindi ito makaka-move on kung parati nitong makikita ang mga taong dahilan ng pagkabigo niya.

Nang maghiwalay si Mira at Lexus ay tinupad niya ang pangarap niyang maging isang modelo.

Nag-give up siya noon sa pangarap niya dahil sa nobyo. Ngunit hindi niya aakalain na mangyayari ang hindi inaasahan na pangyayari.

Nagkahiwalay silang dalawa at tuluyan na itong lumayo upang hilumin ang sugat sa puso nito.

"Si Atasha ba yon, honey?" Tanong ni Hiro sa asawa ng makapasok ito sa kusina.

"Oo hon, hindi daw siya makakauwi ngayong pasko dahil marami siyang tatapusin na trabaho."

"Hmm." Anito saka umupo sa mesa upang kumain ng almusal.

Nagtataka siyang tumingin sa mga bakanteng upuan saka muling tumingin sa asawa na abala sa paghahanda ng almusal.

"Hindi rin ba uuwi yong dalawa mong anak?" Tanong muli nito.

Mababakas sa boses ni Hiro ang lungkot kaya bahagyang ngumiti si Aria.

Lumapit ito sa asawa saka yumakap sa balikat nito.

"Hindi pa ako sigurado kay Amir kung makakauwi siya. Hindi pa siya sumasagot sa mensahe ko. Alam mo naman ang trabaho ng anak mong yon. At saka mahirap talaga siyang kontakin."

Bumuntong-hininga si Hiro saka niya hinaplos ang braso ng asawa na nakayakap sa balikat niya.

Isa ng ganap na intelligence at secret agent ang bunso nilang anak na si Amir. Noong college ito ng magsabi sa kanila na gusto nitong maging katulad ng Tito Darwin nila.

Noong una ay hindi sila pumayag dahil natatakot sila na maaari itong mapahamak habang nasa trabaho. Ngunit wala rin silang nagawa dahil iyon talaga ang gusto nito.

Mas importante sa kanila na maging masaya ang mga anak nila.

Habang si Atasha naman ay abala rin sa kompanya nila Hiro na minana pa nito sa kanyang ama.

"Malalaki na talaga ang mga anak natin. Hindi ko namamalayan na naiwan na pala tayong dalawa dito." Malungkot na ani Hiro.

Bukas ay pasko na at ito ang unang pasko na hindi nila makakasama ang mga anak.

May mga sarili ng buhay ang mga ito. At hindi naman nila mapigilan dahil alam nilang masaya ang mga ito sa kani-kanilang buhay.

"Hon, alam kong malungkot ka. Pero nandito naman ako. Sasamahan kita sa lahat." Malambing na sagot ni Aria sa asawa.

Umangat ang mukha ni Hiro at nakangising tumingin kay Aria.

"Gumawa na lang tayo ng bagong baby, honey." Anito na tumataas baba pa ang kilay.

Humagalpak ng tawa si Aria at nahampas niya ng mahina ang balikat ni Hiro.

"Tumigil ka nga. Ang tatanda na natin."

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon