Matapos malaman ni Hiro ang nangyari sa kanyang ama ay agad itong tumawag sa kapitan nila na si Jake. Alam na rin pala nito ang nangyari dahil napanood nito ang balita sa telebisyon.
Sinabihan siya nito na pumunta sa presinto kung saan naroon ang mga pulis na rumesponde sa pangyayari at ang nag-iimbistiga sa kaso ng kanyang ama.
Kaya nagmadali sila ni Aria na pumunta sa presinto. Habang nasa sasakyan sila ay hindi maipaliwanag ang takot ni Hiro na baka mapahamak ang kanyang ama.
Kahit hindi sila magkasundong mag-ama ay hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya. Ito na lamang ang natitira niyang pamilya kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling may mangyaring masama dito.
Naramdaman ni Hiro na may mainit na kamay na dumapo sa kanyang braso kaya napatingin siya dito. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Aria. Kaya kinuha niya ang kamay nito at dinala sa labi upang dampian ng isang magaan na halik.
Alam niya na nag-aalala ito sa kanya. Hindi man ito nagsasalita ay ramdam niya na nakasuporta ito at kahit papaano ay pakiramdam niya na hindi siya nag-iisa sa laban
"Hon." Sumulyap muli siya dito ng tawagin siya nito. "Huwag kang masyadong mag-alala. Makikita rin natin ang daddy mo."
Ngumiti siya kay Aria upang ipakita niya rito na okay lamang siya. Ngunit kita ni Aria ang pangamba at takot sa mata ni Hiro. Kaya gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang saya sa mata nito. Tutulungan niya ito na makita ang ama nito. Gagawin ni Aria ang lahat upang maibalik ang daddy ni Hiro.
"Na-natatakot hon. Natatakot ako na pati ang daddy ko ay mawala sa akin. Noong una ang mommy ko, ngayon naman si daddy. Pakiramdam ko wala akong silbi. Hindi ko man lang sila maprotektahan. Wala akong kwentang alagad ng batas." Lalong naawa si Aria ng makita niya ang luhang tumulo sa mata ni Hiro.
"Sshhh! Huwag mong sabihin yan. Hindi mo kasalanan ang nangyayari. Wala kang kasalanan hon, hindi ka diyos para maprotektahan ang lahat."
Niyakap ni Aria si Hiro. Napansin din niya na huminto na pala sila sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung ano ang tamang salita ang sasabihin niya kay Hiro, ngunit alam niya na sa pamamagitan ng yakap ay kahit papaano ay mapapanatag ito.
"Pinatay ang mommy ko sa harapan ko noon at wala akong nagawa. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko man lang siya nailigtas. Hindi siya dapat mamatay kung hindi niya ako prinotektahan. Sana iniwan na lang ako ni mommy para iligtas ang sarili niya. Sana buhay siya ngayon."
Habang yakap ni Aria si Hiro ay panay ang yugyog nito ng balikat dahil sa pag-iyak. Hindi makapaniwala si Aria sa nalaman niya. Ngayon lamang niya nalaman ang tungkol sa mommy nito. At alam niyang kahit nahihirapan ikwento ito ni Hiro ay naglakas ng loob ito na magkwento sa kanya. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito habang ikinikwento nito ang nangyari noon.
Sinapo ni aria ang mukha ni Hiro at iniharap niya ito sa kanya.
"Makinig ka sa akin hon. Kung ano man ang nangyari noon, tapos na iyon. At kung ginawa man iyon ng mommy mo ay dahil mahal ka niya. Hiro kahit ako itataya ko ang buhay ko para sayo dahil mahal na mahal kita. Kaya naiintindihan ko ang mommy mo kung bakit niya ginawa iyon. Please hon, huwag mong sisihin ang sarili mo, huwag kang panghinaan ng loob. Nandito kami, ako at ang mga kasamahan mo na kaibigan mo rin. Hindi ka namin iiwan sa laban na ito. Karamay mo kami kaya please hon."
Tumango si Hiro at parang bata itong yumakap kay Aria. Hinalikan ni Aria si Hiro sa noo habang hinahagod niya ang buhok ni Hiro.
Ilang minuto ang itinagal nila sa gilid ng kalsada. Hanggang mapagpasyahan nilang magtungo na sa presinto. Si Aria na ang nagmaneho ng kotse dahil nanginginig si Hiro. Baka imbis na makarating sila ay maaksidente pa sila kaya nagpresinta na siya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Roman d'amour(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
