Chapter 13

4.2K 114 20
                                        

Pumunta si Aria sa usapan nila ni Darwin. Kahit hindi maganda at masama ang pakiramdam niya ay hindi siya nagdalawang isip na makipagkita dito.

Halos hindi nga siya makalakad ng maayos at iika ika siya. Pakiramdam din niya ay magkakaroon siya ng lagnat kaya gusto na niya agad matapos kung ano man ang plano ni Darwin.

Maaga sa oras ng usapan nila ay nakarating na siya sa di kalayuan ng club. Agad niyang nakita ang itim na sasakyan na nakaparada sa madilim na bahagi ng lugar.

Nakita niya ang ilaw na signal ni Darwin kaya naglakad siya papalapit doon. Nang makalapit siya ay binuksan niya ang pinto at pumasok agad siya sa loob.

Bago pa man siya pumunta sa usapan nila ay nag-usap na sila sa telepono. At base sa sinabi nito ay may entrapment operation ang grupo ni Hiro ngayong gabi sa mysterious club, kaya kahit hindi niya kaya ay pinilit niya ang katawan. Ayaw niyang maghintay na lang sa bahay dahil hindi rin siya mapapakali. Nag-aalala siya kay Hiro dahil baka kung ano ang mangyari dito.

Bago pa nga siya iwanan ni Hiro kanina ay binilinan siya nito na matulog ng maaga at huwag na siyang hintayin pa, dahil baka umagahin na ito ng uwi. Pinakain muna din siya nito ng hapunan bago umalis. Ito rin ang nagpaligo at nagbihis sa kanya ng pantulog. Talagang alagang alaga siya ni Hiro. Ang hindi alam ni Hiro ay nasa iisang lugar sila ngayon ni Aria.

"Are you okay? Bakit iika-ika ka maglakad?" Bungad na tanong sa kanya ni Darwin ng makapasok siya sa loob ng sasakyan nito.

"Nah! I'm fine. Natusok lang ako ng malaking karayom sa singit." Natatawang sagot ni Aria.

Napakunot ang noong tumingin si Darwin kay Aria. Tiningnan nito kung seryoso ba ito sa sinabi nito. Karayom sa singit? Bulong na tanong ng isip ni Darwin.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan bud. Baka isipin ko na in love ka na naman sa akin." Nakangising ani ni Aria.

Agad na napangiwi si Darwin dahil sa sinabi nito. Oo at nagkagusto siya kay Aria noon, ngunit ngayon ay wala na. Tanging matalik na kaibigan, partner sa trabaho at kabuddy na lamang ang turing niya dito.

Ngumingiti si Darwin habang umiiling. "Nasa loob lang tayo ng sasakyan ko pero pakiramdam ko biglang lumakas ang hangin."

Tumawa si Aria dahil sa biro nito sa kanya. Napailing na rin siya.

"Siya nga pala, tumatawag daw si Avia sayo. Hindi ka niya makontak."

Napatingin siya bigla kay Darwin ng marinig ang pangalan na binanggit nito.

"Bakit daw?" Kunot noong tanong niya dito.

"Malay ko. Tawagan mo kasi." Tinanguan na lamang niya ito upang hindi na mangulit pa sa kanya. Wala siya sa mood na makipag kulitan dito kaya tumahimik na lamang siya

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Darwin sa kanya.

"Yeah! I'm fine. Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Pag-amin naman ni Aria.

"Umuwi ka na lang. Ako na lang ang bahala dito."

Agad na umiling si Aria sa sinabi ni Darwin. "Okay lang ako bud. At saka hindi rin ako mapapakali sa bahay lalo na't alam kong nasa panganib si Hiro."

"Talagang grabe ang tama mo sa kanya. Napaka swerte ni Hiro."

Ngumiti si Aria at saglit na inalala ang gwapong mukha ni Hiro. Kaya lalo siyang matamis na ngumiti.

Napansin naman ni Darwin ang mga ngiti ni Aria at kahit madilim at ilaw lamang na galing sa kabilang poste ang liwanag nila ay hindi nakatakas sa kanya ang kislap ng mga mata ni Aria.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon