Nang magising si Aria ay hindi agad ito lumabas ng ospital. Namalagi pa ito ng ilang linggo dahil maraming laboratory test pa ang pinagdaanan nito. Sumailalim din ito sa therapy upang tuluyan na itong gumaling.
Kahit gusto na niyang umuwi ay hindi pumayag si Hiro hanggat hindi ito nakaka siguro na maayos na ang kalagyan niya. Naging mas maalaga ito sa kanya. Parati nitong inuuna ang mga pangangailangan niya.
Sobrang ikinatuwa naman ng ama nila Aria ng malaman nito na nagising na siya. Nakausap pa niya ito sa telepono na umiiyak pa dahil sa kasiyahan.
Mabilis namang lumipas ang ilang buwan. Nagpasya sila Hiro at Aria na manirahan sa mansion kasama ang ama ni Hiro ayon na rin sa hiling nito. Si Avia naman ay hindi na muling bumalik ng Davao kaya ito na ang nakatira ngayon sa condo na pag-aari ni Hiro.
Nang tuluyan ng gumaling si Aria ay hiniling ni Hiro na mag resign na ito sa trabaho nito. Ayaw pa sana nitong pumayag ngunit pinagkaisahan ito ng ama at kapatid. Kaya wala nang nagawa pa si Aria kung hindi pumayag sa gusto ni Hiro.
Dumagdag pa ang sinabi ng doctor na hindi na siya maaaring bigyan ng mabibigat na trabaho. Bawal na rin sa kanya ang mapagod ng husto.
Kaya labag man sa kagustuhan niya ay iniwan niya ang trabahong unang minahal at nagpasaya sa kanya. Kasabay ng pagreresign niya ay siya ding pag-alis ni Darwin sa ahensya. Lumipat ito sa isang secret organization ng gobyerno ng amerika na matagal ng plano ni Darwin. Kaya lamang ito hindi umaalis ay dahil iyon kay Aria kaya nang umalis sa serbisyo si Aria ay umalis na rin ito.
Naalimpungatan si Aria sa pagkakatulog. Nakangiti niyang kinapa ang katabi niya sa kama ngunit agad din nawala ang ngiti niya ng maramdaman niyang wala si Hiro sa kanyang tabi.
Iminulat niya ang kanyang mata at tumingin sa kama. Bumangon siya at iniikot ang tingin sa buong kwarto ngunit wala siyang Hiro na nakita.
Nakabusangot siyang bumangon at bumaba ng kama. Naligo na muna siya at bumaba ng kusina.
Nang makarating siya sa kusina ay nakita niya ang yaya Cora ni Hiro at si Marites na nagbubulungan. Napatingin pa si Marites sa kanya kaya agad silang tumigil sa pag-uusap.
Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ng dalawa. Nakaramdam siya ng pagdaramdam sa mga ito. Pakiramdam kasi niya ay may inililihim ang mga ito sa kanya.
"Nandyan ka na pala nak. Halika na at kumain ka na." Nakangiting ani ni yaya Cora sa kanya.
Pilit siyang ngumiti dito. Mabait ito sa kanya at wala siyang masasabi dito. Kung ano ang turing nito kay Hiro ay ganon din sa kanya kaya wala siyang maireklamo dito.
Dumulog siya sa hapag ng nakasimangot. Nitong mga nakaraang araw ay mabilis magbago ang mood niya. Minsan okay ang pakiramdam niya minsan naman ay hindi.
Ilang buwan na rin simula ng lumabas sila ng ospital at alam niya sa sarili na magaling na siya at walang sakit. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay madalas siyang nasusuka sa umaga. Parati rin niyang gustong maghanap ng pagkain lalo na sa gabi.
Hindi na din niya alam kung bakit ganon ang nararamdaman niya. Minsan gusto niyang nakadikit kay Hiro. Minsan naman ay naiinis siya sa pagmumukha nito.
"Bakit nakabusangot ka? Kumain ka na." Napatingin siya kay yaya Cora at lalo siyang sumimangot.
"Nasaan po si Hiro?"
"Maaga umalis yung asawa mo. May aasikasuhin daw. Hala sige kain na."
Gusto sana niyang ngumiti dahil sa tinawag nitong asawa niya si Hiro ngunit hindi niya magawang ngumiti. Isa pa iyan sa ikinalulungkot niya. Ilang buwan na silang nagsasama ni Hiro, ngunit wala atang balak na pakasalan siya nito. Inisip tuloy niya na baka ayaw siya nitong maging asawa.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...