Nakatitig lamang si Hiro kay Aria habang sinusuri ito ng mga doctor. Hindi niya inaalis ang tingin dito dahil natatakot siya na baka malingat siya at mapagtanto niyang hindi iyon totoo. Na panaginip lamang na gising na ito.
Ngunit hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Totoong gising na nga si Aria dahil maging ang mga doctor ay nagulat din ng makitang nakamulat ito. Napa sign of cross pa ang iba dahil hindi sila makapaniwala na gising na ito.
Habang sinusuri ng doctor si Aria ay abala naman si Hiro sa pagtawag sa kapatid nitong si Avia. Kailangan niyang ibalita dito na gising na ang kapatid nito. Tulad niya ay alam niyang naghihintay din ito na magising ang ate nito. Maging ang mga kasamahan niya ay binulabog niya sa pagtulog. Alas tres pa lang ng madaling araw ngunit wala siyang pakialam dahil gusto niyang ibalita sa mga ito ang magandang balita.
Hindi na siya magtataka kung biglang magpuntahan ang mga ito ng pupungas pungas. Dasal na lamang niya ay walang maaksidente sa mga ito.
Nang matapos ang mga doctor ay lumapit ito kay Hiro. Tiningnan niyang muli si Aria na ngayon ay natutulog nang muli.
"Doc!" Nag-aalalang pagtawag niya niya sa doctor.
Tinapik ang balikat niya nito bago ngumiti. "Don't worry, she's fine. Kailangan lang namin siyang patulugin upang tanggalin ang tubo sa nasa bibig niya. Magigising din siya mamaya."
"Maraming salamat po." Sagot ni Hiro.
"Huwag kang magpasalamat sa akin. Sa panginoon ka mas dapat magpasalamat. Naging instrumento lang ako Hiro. Siya pa rin ang may kakayahan ng lahat ng himala."
Ngumiti siya at tumango dito. Napatingin sila sa pinto ng may kumatok. Pumasok si Avia na halatang kagigising lang sa pagtulog dahil nakapang tulog pa ito. Naka pajama ito at sandong puti na hapit ang katawan nito. Mukhang hindi na nito napansin ang suot dahil siguro sa pagmamadali na makarating ng ospital dahil sa ibinalita niya.
Gusto man pahiramin ito ni Hiro ng extra t-shirt ay hindi niya magawa dahil baka mapahiya naman ito sa kanila kaya hindi na lamang niya ito pinansin. Total naman ay madaling araw pa lang at wala pang gaanong tao na makakakita dito.
"K-Kuya kumusta si ate?" Naiiyak na ani nito. Gusto tuloy batukan ni Hiro ang sarili dahil sa ginawa niyang pagtawag dito. Bigla kasi siyang naawa sa itsura nito. Mukhang nabigla ito kaya umiiyak na ito.
"The doctor said, she's fine. Pinatulog lang nila sandali. Pero okay na siya Avia. Gising na ang ate mo. Hindi na siya matutulog ng matagal." Kahit si Hiro ay hindi naiwasang may tumulo na luha sa kanyang mata. Umiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan.
Nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso niya. Napakabuti ng diyos dahil binigyan pa siya ng pagkakataon na makasama nila si Aria ng matagal na panahon kaya ipinangako niya na hindi niya iyon sasayangin. Mamahalin niya si Aria ng higit pa sa buhay niya.
Lumapit si Avia sa kapatid nito ay hinawakan nito ang kamay ni Aria habang umiiyak.
"A-Ate..." Paulit ulit nitong hinalikan ang kamay ni Aria.
Lumayo muna siya sandali sa magkapatid. Kinausap muna niya ang doctor at hinayaan na muna niya si Avia. Nang makapag paalam ang doctor ay siyang pagdating ng mga kasamahan niya.
Humahangos ang mga ito na pupungas pungas pa. Halos lahat sila ay halatang kagagaling lang sa pagtulog dahil sa mga suot ng mga ito.
Natawa pa siya kay Robles at Evangelista dahil pareho itong naka boxer short at T-shirt habang ang iba naman ay naka pajama tulad ng kapitan nila na si Jake. Lahat din sila ay naka-tsinelas maliban kay Robles na walang suot na sapin sa paa. Napailing na lamang siya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
