Bahagyang natigilan at natulala si Hiro ng bigla siyang siilin ng halik ni Aria. Hindi niya ito napaghandaan kaya nagulat siya. Hindi rin siya sanay sa ganito dahil hindi pa naman niya nasusubukang makipag date o magka girlfriend man lang. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya dahil sa sobrang kaba. Parang panandaliang tumigil ang mundo niya dahil sa halik na ipinaparamdam nito sa kanya.
Ang ipinagtataka pa niya ay pamilyar ang mabango nitong amoy at ang lambot ng labi nito. Parang may kapareho iyon. Biglang sumagi sa isipan niya ang babaeng misteryosa na humalik sa kanya noon sa yate.
Nagkataon lang ba o iisa talaga sila? Ngunit agad nawala ang pagdududa niya ng maalalang isang agent ang babaeng iyon. At ang babaeng humahalik sa kanya ngayon ay isang stripper ng club. Kaya impossibleng iisang tao lamang sila.
Ngunit paano niya ipapaliwanag na kahit ang paghalik nito ay kapareho ng halik ni Aria? Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang kilala niya ang halik na iyon. Dahil ilang buwan siyang hindi pinatulog ng halik na iyon.
Tinugon ni Hiro ang halik nito at hinawakan pa niya ito sa ulo para mas dumiin ang labi nito sa kanya. Ipinasok niya ang kanyang dila at ginalugad ang loob nito na para bang may hinahanap.
Napa-ungol naman si Aria dahil sa ginawang paghalik ni Hiro sa kanya. Hindi niya inaasahan na tutugon ito at hahalikan siya ng nakapupugtong hiningang halik.
Kapwa naghahabol silang dalawa ng hininga matapos ang isang mapusok na halik na pinagsaluhan nila.
Tinungga ni Hiro ang alak na nasa harapan nito habang si Aria ay bahagyang tumagilid upang itago ang pamumula ng kanyang mukha.
Kung kanina ay nanlalambot ang tuhod ni Aria, ngayon ay para na siyang lumpo dahil tiyak na hindi na siya makakatayo dahil sa panghihina nito.
"Anong gusto mong inumin?" Napatingin si Aria ng magsalita si Hiro. Nginitian na naman siya nito kaya lihim naman niyang dinakot ang dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Napangiti naman si Hiro ng makitang namula ang mukha ni Aria. Napansin din niya na maganda ito at makinis ang balat. Mukha itong anak mayaman kaya nagtataka siya kung bakit ganitong uri ng trabaho ang pinasok nito.
"Ahm! orange juice na lang. Ayoko kasing malasing." Ani ni Aria.
Tumango si Hiro at umorder sa waitress ng orange juice ni Aria.
"Bakit iyon ang inorder mo? Hindi ba sa iniinom ninyo at sa iniinom namin kayo kikita. Pwera na lang kung mabigyan kayo ng tip diba?"
Kumunot ang noo ni Aria dahil sa itinanong ni Hiro sa kanya Nagsisinungaling ba ito sa kanya nang sabihin nitong first time niyang pumunta sa club. Siguro ay nakapunta na siya sa club ngunit sa ibang club. Muli na naman kumulo ang dugo niya dahil doon. Isipin pa lang niya na may ibang humahaplos dito ay gusto na niyang magwala dahil sa galit.
"Paano mo nalaman? Akala ko ba first time mo dito?" Mataray na tanong niya dito.
Tumawa ng mahina si Hiro at umiling iling pa. "Yeah! First time ko nga dito. Hindi lang naman ito ang nag-iisang club. Maraming club, at alam kong karamihan ay pareho lang ang patakaran sa ganyan."
Napangiwi si Aria dahil sa sagot ni Hiro. Confirm, nagpupunta nga sa ganitong lugar ang lalaking minahal niya. Takte yan. Akala ko jackpot na ako eh. Bulong sa isip ni Aria.
"I thought your not like them. Ka pareho ka rin pala nila." Bulong muli ni Aria na hindi niya napansin na napalaks na pala.
Mabilis na napatingin si Hiro sa kanya. Nagulat siya dahil sa pagkakabigkas nito ng english word. May accent ito at hindi siya maaaring magkamali. Mukhang may itinatago ang babaeng ito. At interesado siyang malaman iyon.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
