Chapter 8

2.8K 100 3
                                    

Matapos makuha ni Aria ang ilang gamit niya sa apartment ay nagpasya agad siyang bumalik sa condo ni Hiro.

Dahil wala siyang magawa maghapon at hindi pa siya maaaring pumunta ng club ay naglinis na lamang siya ng buong bahay.

Tiningnan din niya ang dala dala niyang laptop kung may natanggap ba siyang mensahe galing sa director nila. Ginawa niya ang lahat ng dapat niyang gawin ng araw na iyon habang wala si Hiro. Dahil hindi niya iyon nagagawa kung kasama niya ito dahil baka mabuko siya at malaman kung sino ba talaga siya.

Sa totoo lang ay gusto niyang makita at namimiss na niya si Hiro. Kahit ang boses nito ay gusto rin niyang marinig. Pakiramdam niya ay kahit malapit sila sa isa't-isa ay malayo pa rin. Dahil siguro hindi niya maipakilala ng maayos ang sarili kay Hiro.

Nang matapos siyang magluto ay agad siyang naligo upang pumunta ng club. Maaga siyang pupunta upang ayusin ang gulong ginawa ni Hiro doon. Ayaw niya na mawalan siya ng trabaho sa club dahil hindi pa niya nagagawa ang mission niya.

Lalo na at nakatanggap siya ng balita mula sa partner niya na narito na sa pilipinas ang mga Russian na sinusubaybayan nila.

Matapos niyang mag-ayos sa sarili at mag-iwan ng note sa mesa ay nagpasya na siyang umalis.

Sumakay na lamang siya ng taxi dahil hindi niya maaaring gamitin ang kotse niya. Kung dati ay sa club lamang siya nag-iingat ngayon ay doble ang pag-iingat niya dahil kay Hiro.

Pasado alas siete ng gabi ng makarating siya sa club. Nagulat pa siya ng makita ang mga ilang kalalakihan na nasa labas ng club. May hinuha siya na narito na ang mga Russian na inaabangan nila.

Hindi pa naman nagbubukas ang club kaya wala pang costumer na dumarating. Usually nagbubukas ito ng bandang alas otso ng gabi.

Pumasok siya sa loob ng club at naabutan niya doon ang iba niyang mga kasamahan na nagkukompulan.

Nagbubulungan ang mga ito na animo'y may kakaibang nangyayari aa loob. Lumapit siya sa mga ito.

"Bakit anong meron?" Tanong ni Aria sa isa sa mga babaeng naroroon.

"May bisita si big boss. Mga galing daw ng ibang bansa kaya hindi tayo magbubukas ngayon. At sila lamang ang pagsisilbihan natin." Napataas ang kilay ni Aria ng marinig iyon.

"Oh! Talaga? Naku pagkakataon na natin makabingwit ng forenger." Saad ni Aria. Pumalakpak pa siya na parang natutuwa. Kaya ngumiti sa kanya ang mga kasmahan niya. Kailangan niyang galingan sa pag-arte.

Nagpaalam muna siya sandali sa mga ito na lalabas muna siya. Kailangan niyang maabisuhan si Darwin kung ano ang lagay ng club. May palagay siyang pipili ang mga ito ng babaeng makakasama nito sa gabing iyon kaya kailangan niyang kumilos.

Hinintay niya na dumating si Darwin at kinuha niya ang ibinilin niya ditong sleeping pills. Hindi niya maaring patayin kung sino man ang lalaking pipili sa kanya dahil baka mabuko ang plano nila. Kaya paiinumin na lamang niya ito ng pampatulog.

Tama nga ang sinabi ng kasamhan niya. Hindi nga nagbukas ang club ng gabing iyon. Pumili rin si mamu ng ilang babae na sasayaw para sa mga ito at dahil sa ginawa ni Hiro kagabi ay hindi siya pinili ni mamu na sumayaw. Ngunit napili naman siya bilang isa sa mga te-table sa mga ito.

Nasa sampung Russian ang bisita nila ngayon. Ngunit may tatlong namumukod tangi dahil kung tiningnan ang mga ito ay parang mga diyos kung pagsilbihan at asikasuhin ng may ari ng club. Nakita na niya ang mga ito sa larawan na ibinigay sa kanyang report bago niya tanggapin ang assignment na ito. Sila ay sina Kirill, Fedor at Gleb. Ang tatlong Russian na utak ng red dragon syndicate.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon