Chapter 15

4.1K 126 13
                                        

Tulala sa loob ng opisina nila si Hiro habang nakaupo ito at nakasandal pa sa swivel chair. Nilalaro nito sa mga daliri ang ball pen na hawak hawak nito.

Ilang araw na siyang walang maayos na tulog at parating malalim ang iniisip. Simula nang matuklasan niya ang totoo ay parati na siyang tulala kung minsan naman ay hindi siya makapag focus sa trabaho. Ni hindi nga niya nagawang komprontahin si Aria tungkol doon.

Patay malisya lamang niyang ibinalik ang catsuit at maskara sa ilalim ng kama na para bang walang nangyari. Hindi siya nagtanong hindi dahil natatakot siyang may malaman siya, kung hindi ay hindi niya alam kung paano niya bubuksan ang usapan tungkol doon.

Halata naman na ayaw itong sabihin ni Aria sa kanya. Ang totoo ay nasasaktan siya dahil sa lahat ng ipinakita niya kay Aria ay hindi niya matanggap na wala itong tiwala sa kanya. Na para bang ayaw nitong kasali siya sa mundo nito.

Napabuntong hininga si Hiro at bumuga pa ng hangin. Bago nagbago ang kanyang pwesto. Naka pangalumbaba na siya ngayon habang tulala pa rin.

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kay Aria. Gusto niyang pagkatiwalaan siya nito. Naiinis siya dahil sa kabila ng lahat ay mahal niya ito. At walang nagbago sa nararamdaman niya para dito.

Naguguluhan na siya dahil halo halong emosyon na ang nararamdaman niya. Mayroong takot, tampo, inis at saya. Pero mas lamang ang saya dahil sa wakas ay nakita na niya ang babaeng hinahanap niya noon.

Ilang araw na rin siyang bahagyang lumalayo kay Aria at alam niyang hindi man ito nagsasalita ay tiyak na napapansin nito ang pagbabago sa kanya. Mahal niya ito at ayaw niyang mawala si Aria sa kanya siguro ay naghihintay lamang siya na kausapin siya ni Aria at ipagtapat sa kanya ang totoo.

Hindi niya alam kung bakit pero simula ng malaman niya ang totoo at malaman niyang itinago ito ni Aria sa kanya ay nagkaroon siya ng doubt sa pagmamahal nito sa kanya. Iniisip niya na siguro ay hindi ganon kalalim ang nararamdaman nito para sa kanya at masakit iyon sa parte niya dahil mahal na mhal niya si Aria.

Ilang araw na rin na halos hindi sila magkayakap sa pagtulog. Niyayakap lamang niya ito kapag alam niyang tulog na ito. Kahit nagtatampo siya dito ay hindi niya ito matiis. Inaasikaso pa rin niya ang pagkain at ang pagligo nito. At minsan ay nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Na para bang may gusto itong sabihin.

Hindi talaga maganda sa isang relasyon na mayroong sekreto. Nakakasira ito ng tiwala sa isa't-isa. At kapag nawala na ang tiwala ay mawawala na rin ang respeto at pagmamahal.

Naramdaman niyang may pumasok sa loon ng opisina. Ngunit hindi siya nag-abalang lingunin kung sino ito.

Agad namang napatingin sina Alvarez Robles at Evangelista kay Hiro na halos hindi maipinta ang mukha at tulala lamang.

"Garcia!" Sinubukan siyang tawagin ni Alvarez ngunit nanatili itong tulala at walang imik. Nakatingin lamang ito sa kawalan.

Nagkatinginan ang tatlo at halos sabay sabay na kumunot ang noo. Umupo sila malapit sa kinauupuan ni Hiro.

"Garcia! May problem ka ba?" Tanong naman ni Robles dito. Ngunit katulad kanina ay tulala pa rin ito na parang may sariling mundo.

Akala nila ay pinagtitripan sila nito kaya hindi sila pinapansin. Ngunit napansin nila na seryoso ito at mukhang problemado.

"Hoy Garcia!" Sinubukan na ni Evangelista na sigawan ito at ganon pa rin kaya pare-parehong nagsalubong ang kilay ng tatlo.

Sa inis ni Alvarez ay kumuha ito ng magasin at inihampas sa ulo ni Hiro.

"Oh loko! Kanina pa kami tawag ng tawag sayo para kang tanga dyan na nakatulala." Nakangising saad ni Robles dito.

Napahawak naman si Hiro sa ulo niya na hinampas ni Alvarez at mabilis niyang tiningnan ng masama ang mga ito.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon