Chapter 20

3.9K 126 4
                                        

Nang sumapit ang gabi ay naghanda na si Aria sa plano nila ni Darwin. Pasado alas diyes ng gabi nang umalis siya sa mansion. Sinigurado muna niyang tulog Hiro bago siya umalis.

Mabuti na lamang at napagod niya ito ng husto. Kahit siya man ay pagod na pagod rin. Sino ba naman ang hindi mapapagod kung lahat ata ng position ay sinubukan nila.

Daig pa nila ang acrobat dahil sa mga pinaggagagawa nila ni Hiro. Ngunit hindi naman nito matatawaran ang saya sa tuwing gagawin nila ni Hiro iyon. Sa tuwing aangkinin nila ang isa't-isa ay mas lumalalim ang relasyon nila at mas naiintidihan nila ang nararamdaman ng bawat isa.

Nang makarating siya sa apartment ay naghahanda na rin si Darwin. May nakahanda itong maliit na itim na backpack na may lamang mga bala baril at mga pampasabog na si Darwin mismo ang may gawa.

Kapwa mga itim din ang damit na suot nilang pareho upang makapagtago sila mula sa dilim.

"Wala ka ba talagang plano na ipaalam kay Hiro ito?" Tanong ni Darwin habang inaayos nito ang baril na hawak nito.

Napatingin siya dito habang abala rin siya sa paglalagay ng bala sa magasin. Umiling siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Paano kung magalit siya sayo? Noong una nagsinungaling ka na. Pero tinanggap niya, ngayon magsisinungaling ka na naman. Sa palagay mo ba okay pa rin sa kanya iyon?"

Sandali siyang natigilan sa tanong ni Darwin sa kanya. Napatingin siya muli dito at nakatingin na rin pala ito sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "Alam kong magagalit siya, pero ginagawa ko naman ito para sa kanya. At isa pa trabaho natin ito kaya kung anong magiging desisyon niya tatanggapin ko." Malungkot na ani ni Aria.

Sa totoo lang ay nag-aalala siya. Iyon talaga ang iniisip niya ang magalit sa kanya si Hiro. Natatandaan pa niya ng mangako sila sa isa't-isa na wala ng lihiman na mangyayari, ngunit napako ang pangako niya. Dasal na lamang niya ay huwag itong magalit ng husto sa kanya.

Alam niya ang takot ni Hiro dahil naikwento na lahat ni Jake sa kanya ang totoong nangyari sa mommy nito. At alam niyang nagka-trauma si Hiro noon na maaaring bumalik kapag na triggered ito. Kaya sisikapin niyang bumalik kay Hiro ng tanging galos lang ang mayroon sa katawan at hindi isang malamig na bangkay.

NANG MAKAALIS si Aria sa bahay ay agad na bumangon si Hiro. Tinawagan agad niya ang mga kasamahan niya na naghihintay ng signal niya.

Ang hindi alam ni Aria ay alam ni Hiro ang plano nilang iyon. Mabuti na lamang at nasabi ito ng kapitan nila sa kanya.

Ang akala niya ay aamin si Aria sa plano nito ngunit mukhang buo na talaga ang pasya nito na huwag ipaalam sa kanya ang lahat.

Sa isang banda ay hindi niya magawang magalit dito dahil alam niyang kasalanan niya. Pinangunahan siya ng kanyang emosyon at nakalimutan niya ang propesyon. Isa siyang alagad ng batas at tungkulin nila ang pangalagaan at iligtas ang mga sibilyan.

Alam niyang gagawin ni Aria ito dahil sa kanya at sobra siyang nagsisisi dahil naging pabaya siya. Tiyak niyang hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa babaeng pinakamamahal niya.

Lahat sila ay nasa sala ng mansion kasama ang team nila. Syempre wala pa rin sila Ruiz at Lopez dahil may inaasikaso pa ang mga ito na kaso.

Tanging ang kapitan nila, si Robles Evangelista at Alvarez. May darating na back up ngunit dederetso na ang mga ito sa warehouse kung nasaan ang kanyang ama.

Napabuntong hininga lamang siya. Kung kumpleto sana sila ay mas malakas ang grupo nila. Lalo na kung kasama nila si Choi at Salvador. Si Salvador ang kanyang una at totoong buddy. Best friend niya ito at nasa training pa lamang sila noon ay ito na ang kasa-kasama niya. May nangyari dito na hindi nila inaasahan kaya hindi nila ito kasama. At nawala sa serbisyo.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon