Chapter 5

4.5K 132 5
                                        

Kapwa tahimik nang maisakay ni Hiro si Aria sa kanyang sasakyan. Naiinis siya sa sarili dahil hinayaan na naman niya na pangunahan siya ng kanyang emosyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nagpadalos dalos sa kanyang mga ginagawa. Hindi na niya naisip na may mission siyang dapat tapusin, ngunit ano ang kanyang ginagawa. Parang gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa nangyari sa loob ng club.

Nainis din siya dahil napilitan siyang gamitin ang totoong yaman niya dahil kay Aria. Totoo ang sinabi niya na kaya niyang magbayad ng kahit magkano at hindi sa pagmamalaki ay kaya talaga niyang ipasara ang club na iyon kahit hindi bilang NBI agent kung hindi bilang isang anak ng tycoon businessman.

Kilala ang pamilya nila sa larangan ng business. At bilyonaryo ang kanyang ama. Ngunit malalapit na kaibigan lamang niya ang nakakaalam ng totoong pagkatao niya. Solo siyang tagapagmana ng lahat. At pati na rin ng mga ari-arian na iniwan ng mga lolo at lola niya ay nasa kanya. Kaya madalas ay siya ang taya kapag lumalabas silang magkakasama ng mga kasamahan niya.

Napatingin siya kay Aria na hanggang ngayon ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya akalain na mapapasubo siya dahil sa babaeng ito. At hindi niya akalain magagawa niya ang bagay na iyon. Talagang nag-init ang ulo niya at nagalit siya ng makitang nagsasayaw ito sa harapan ng mga manyakis na iyon.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lamang siyang nagkaroon ng pakialam kay Aria. Kakaiba ang nararamdaman niya para dito. At hindi niya alam kung bakit ganon.

Tahimik lamang na pinakikiramdaman ni Aria si Hiro. Kita niya ang pagtatagis ng bagang nito at pagdilim ng awra nito. Dinig pa niya ang malalim nitong paghinga tanda na pinapakalma nito ang sarili.

Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Hiro para sa kanya. Kahit hindi gustong umasa ng puso niya ay umaasa ito. Na balang araw ay si Hiro ang ending niya. Na matutugunan ang ilang taon niyang nararamdaman dito.

Naalala pa niya nang una silang magkita ni Hiro sa mall. May tinulungan itong bata na umiiyak dahil nawawala ito. Nakipagkilala siya pa siya dito noon, ngunit siguro ay hindi na siya nito natatandaan. At simula noon ay inalam niya ang buong pagkatao ni Hiro. Kilala niya ito at alam niya ang mga pinagdaanan nito dahil lihim niya itong inimbistigahan. At nong huling magkita sila ay sinabi ng director Ramirez nila na may assignment nga ang mga ito kaya nagpresinta siya na maging spy upang makita niya itong muli.

Napatingin siya at natigil ang paggugunita niya ng tumikhim at magsalita si Hiro. "Sa-saan kita ihahatid?" Ani ni Hiro sa kanya ng hindi man lamang siya sinulyapan.

Nakagat niya ang labi dahil hindi niya alam kung saan siya magpapahatid. Hindi pa niya pwedeng sabihin kung saan siya nakatira. Ayaw niya na malaman nito ang totoong pagkatao niya hangga't hindi pa tapos ang assignment niya.

Kailangan niyang maka-isip ng paraan upang hindi ito magduda sa kanya. Bahala na si batman at superman. Bulong ni Aria.

"Ahm! Di-dito ako sa-sa club ma-matutulog ngayon." Mahinang bulong ni Aria. Hindi din siya makatingin kay Hiro. Pakiramdam kasi niya ay ang laki ng kasalanan niya dito dahil sa pagsisinungaling niya dito.

"Dito?!!" Inis at may halong irita na saad ni Hiro kay Aria.

Galit na nakatingin si Hiro kay Aria. Parang gusto niya itong sigawan dahil sa sinabi nito. Matapos niya itong ialis sa club ay babalik din ito at doon pa balak matulog.

"Bakit? Wala ka bang bahay at doon ka matutulog?" Napahilot si Hiro sa kanyang noo. Naisip niya na ano ba itong pinapasok niya.

Lalong nakagat ni Aria ang labi niya at umiwas siya ng tingin dito. Kailangan niyang maka-isip ng dahilan. Nakakainis naman itong lalaki na ito ang daming tanong. Kung hindi lang kita mahal naku naku!!. Inis din na bulong ni Aria.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon