Nagising si Hiro dahil sa pagkalam ng kanyang tiyan, nakakaramdam na siya ng gutom. Nang tingnan niya ang orasan ay halos lampas na ng tanghalian. At hindi pa sila kumakain ni Aria. Pagkatapos kasi ng ilang ulit na pag-angkin nila sa isa't-isa ay nakatulog din agad sila dahil sa pagod.
Mula umaga pag-uwi ni Aria hanggang magtanghali ay hindi na sila nakakain ng totoong pagkain dahil literal na kinain nila ang isa't-isa.
Napatingin siya kay Aria na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Nakayakap ito sa kanya kaya ramdam niya ang malambot at mainit nitong katawan. Pareho rin silang hubad sa ilalim ng kumot. Humihilik ito ng mahina habang nakahaba ang nguso.
Kahit ilang beses na niya itong inangkin ay hindi siya magsasawang angkinin ito ng paulit ulit. Tinitingnan pa lamang niya ang maganda nitong mukha ay tinitigasan na agad siya. Dahil kay Aria ay aminado siyang lumalabas ang matindi niyang pagnanasa dito. Tama nga ang kapitan nila dahil tingin pa lang ay binubuhay na nito ang natutulog niyang dugo.
Napangiti siya dahil kahit wala itong make up, sabog at magulo ang buhok nito at hindi pa naliligo ay maganda pa rin ito.
Dahan dahan siyang umalis sa pagkakayakap nito sa kanya. Hinalikan niya ito sa noo at labi kaya lalong humaba ang nguso nito habang tulog.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at kinuhanan ito ng litrato. Nang makuntento na siya ay saka niya iyon ginawang wallpaper ng kanyang cellphone.
Nang makaramdam ulit siya ng pagkalam ng tiyan ay nagpasya na siyang maligo upang makapag luto siya ng pagkain nila.
Bago pa siya lumabas ng kwarto ay inayos niya ang kumot na nakabalot sa hubad na katawan ni Aria. Napatingin pa siya sa blood stain na nasa bedsheet ng kama. Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi ng maalala niya na birhen ito nang angkinin niya ito.
Hindi siya makapaniwala ngunit masaya siya dahil siya din ang naka una dito. Ang totoo ay wala namang problema sa kanya kahit hindi na ito virgin. Hindi naman mababawasan ang nararamdaman niya para dito kahit hindi na ito birhen. Una pa lamang ay alam na niya na sa club ito nagtatrabaho kaya expected na niya na hindi na ito birhen. At tanggap niya iyon kung sakali.
Kaya nagulat siya ng malaman niya iyon. Parang isang panaginip ang nangyari sa kanila ni Aria. Masayang masaya siya at ipinagdarasal na lamang niya ay huwag matapos ang kasiyahan na iyon.
Kung dati ay takot siyang magmahal at hinihintay niya iyong babaeng misteryosa na humalik sa kanya noon, ngayon ay wala na siyang pakialam pa. Kahit magpakita pa ito ay hindi niya ipagpapalit si Aria. Kay Aria lang ay kuntento na siya.
Basta ang alam niya ay masaya siya at mahal niya si Aria. Wala siyang plano na pakawaln pa ito at alam niya sa sarili na hindi din niya kakayanin na mawala pa ito sa buhay niya.
Lumabas siya ng kwarto at dumeretso ng kusina. Agad siyang nagluto ng late lunch nila ni Aria. Adobong manok na lamang ang kanyang niluto dahil iyon ang mabilis lutuin dahil gutom na rin siya.
Habang nagluluto siya ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ito ay bumungad sa kanya ang pangalan ni Alvarez kaya agad niya itong sinagot.
"Hello bud."
"Bud, may lakad tayo mamaya." Kumunot ang noo ni Hiro dahil sa sinabi ni Alvarez.
"Saan? Tungkol ba sa club yan?"
"Oo bud, nakatanggap ako ng tip na may magaganap na bentahan ng mga babae mamayang gabi sa club. Tulad ng dati nilang ginagawa, isasara nila ito at hindi papapasukin ang mga empleyado nila."
Tumango si Hiro at napaisip siya kung alam ba ni Aria ang tungkol sa pagsasarado ng club nila kapag may bentahang nagaganap.
"Okay bud. Oo nga pala alam ba nila sir ang lakad na ito?"
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Roman d'amour(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
