Warning: Mature Content | R-18
Magdamag na hinintay ni Hiro si Aria sa condo niya. Hindi siya nakatulog dahil sa pag-aalala dito. Dumaan din siya sa club na pinapasukan nito ngunit sinabi sa kanyang hindi ito pumasok kaya dumoble ang pag-aalala niya.
Hindi niya nagawang makatulog man lang dahil sa pag-iisip niya kung nasaan na ito. Lalo siyang nakaramdam ng inis sa sarili dahil ni hindi man lamang niya alam kung saan ba niya ito hahanapin.
Wala naman kasi siyang alam tungkol sa totoong pagkatao ni Aria. Ngunit hindi niya maalis na isipin na baka may nangyari ng masama dito.
Naikot na ata niya ang buong condo niya dahil sa pag-iisip kay Aria. Naka-ilang tasa na rin siya ng kape habang naghihintay siya.
Napabuntong hininga siya at tumayo sa couch na nasa sala at pumunta ng kusina upang uminom ng tubig.
Habang umiinom siya ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng condo kaya dali dali niyang sinalubong ang taong pumasok.
Nang makarating siya sa harapan ng pinto ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Aria.
Sandali silang natigilan at nagtitigan ng ilang segundo. Kita nilang pareho sa mga mata ng isa't-isa ang kawalan ng tulog. Hindi nila maiwasang isipin na pareho silang hindi nakatulog dahil sa pag-iisip.
Dahil ayaw na ni Aria na makipagtalo pa kay Hiro, kaya siya na agad ang bumawi ng titig dito. Yumuko siya habang isinasarado ang pintuan.
Si Hiro naman ay hindi na nakatiis pa dahil kating kati na ang bibig niya na tanungin ito kung saan ba ito nanggaling.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing? Alam mo bang magdamag akong naghintay sayo?!" Inis na tanong ni Hiro dito. Nakapameywang pa ito sa harapan ni Aria.
Lihim na napangiti si Aria dahil sa mga tanong nito sa kanya. At dahil sa nangyari at sinabi ni Hiro kahapon ay inalis na niya sa sarili ang umasa. Maliwanag na hindi siya gusto ni Hiro kaya napagdesisyunan niyang aalis na siya sa bahay nito at aasikasuhin na muna niya ang kasong hawak niya.
Hindi sa sumusuko siya dito dahil wala naman siyang balak sumuko. Gusto lamang niya na lumayo pansamantala dahil ayaw naman niyang ipilit ang sarili kay Hiro. Baka imbis na magustuhan at mahalin siya nito ay magalit at masuklam ito sa kanya kaya naisip niyang mabuti pang umalis na muna siya.
"Bakit mo naman ako hinintay. Dapat hindi ka na nag-abala pa." Malamig na sagot ni Aria.
Natigilan si Hiro dahil sa isinagot nito sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang kaba at takot na hindi niya maintindihan.
Dumeretso si Aria sa silid na inuukupahan niya at sumunod naman si Hiro sa kanya.
"Anong hindi na dapat ako nag-abala pa. Alam mo bang nag-alala ako sayo. Akala ko kung ano na ang nang..." Hindi na naituloy ni Hiro ang sinasabi niya dahil nakita niya itong naglabas ng malaking bag at isa isa nitong inilagay ang mga damit nito sa loob ng bag.
Nakaramdam ng takot si Hiro dahil mukhang balak ng umalis ni Aria sa condo niya. Kaya lumapit siya dito ng bahagya dahil na alarma siya.
"Bakit mo inilalagay ang mga gamit mo sa bag? Aalis ka? Iiwan ko ako?" Nag-aalalang tanong ni Hiro. Napasabunot pa ito sa buhok nito.
Napangiti naman si Aria ng makita ang hindi maipaliwanag nitong mukha. Para itong matatae na ewan. At katulad pa rin ng ginawa niya ay hindi siya maaaring umasa sa ipinapakita ni Hiro sa kanya. Nagiging asyumera siya dahil sa mga ikinikilos nito kaya natuto na siya na hindi lahat ng magandang ipinapakita nito ay may kahulugan.
Tumango si Aria bilang sagot sa tanong ni Hiro. "Oo, dumating na kasi yung kaibigan ko kaya doon na ulit ako titira. At saka nakakahiya na sa..."
Natigil ang pagsasalita ni Aria nang bigla siyang hablutin ni Hiro palapit sa katawan nito at siilin ng mapusok na halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/278552287-288-k535222.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...