Inihatid muna siya ni Darwin sa condo ni Hiro bago ito umuwi sa apartment nila upang mapag-aralan nito ang dapat gawin sa kasong hawak nila.
Hahayaan na niya na si Darwin ang gumawa ng lahat tutal ay nagawa naman na niya ang parte niya. Sa ngayon ay iintindihan na muna niya kung paano niya maaakit si Hiro habang magkasama sila nito sa iisang bubong.
Alam niyang madali na lamang niya iyon magagawa lalo na't nararamdaman niyang may atraksiyon si Hiro sa kanya. Pasasaan ba't mamahalin din siya nito. Kailangan lamang niyang magtiwala sa taglay niyang alindog at ganda.
Nang makarating siya sa condo nito ay agad siyang pumasok sa loob. Naabutan niya itong nakahiga sa sofa. Napakunot ang noo ni Aria ng makitang natutulog si Hiro sa sala. Iniisip niya kung hinintay ba siya nito na makauwi kaya ito nakatulog sa sala. Napangiti siya ng makitang mahimbing itong natutulog.
Lumapit si Aria at umupo sa tabi ni Hiro. Dahan dahan niyang hinaplos ang pisngi nito habang tinititigan niya ang gwapo nitong mukha.
"Bakit ba mahal na mahal kita? Hihintayin ko na mahalin mo rin ako." Bulong ni Aria habang nakatitig sa mukha ni Hiro.
Hinalikan niya ang noo at tungki ng ilong nito. Maya maya ay gumalaw si Hiro at dahan dahang iminulat nito ang kanyang mata.
Bahagyang lumayo si Aria dito at tumayo sa harapan ni Hiro.
"Nandito ka na pala." Ani ni Hiro na pupungas pungas pa.
"Yeah! Kararating ko lang. Bakit dito ka natutulog sa sala? Hinintay mo ba ako?" Nakangising tanong ni Aria.
Kita niya ang namumula nitong mukha at leeg. Halos hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanya.
"Bakit naman kita hihintayin? Asawa ba kita?" Inis na ani ni Hiro upang pagtakpan ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Ang totoo ay hinintay talaga niya si Aria. Nahihiya lamang siya na aminin ito. Nag-aalala siya dito na baka kung ano na ang nangyari dito. Kahit gusto niyang pigilan ito sa pagpasok sa club ay hindi niya magawa. Wala siyang karapatan na panghimasukan ang personal nitong buhay.
Ngumiti si Aria sa kay Hiro kaya halos malaglag na naman ang puso niya. Hindi pa nga siya nakaka recover sa narinig niya dito habang natutulog siya.
Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Aria. Malinaw sa pandinig niya na sinabi ni Aria na mahal siya nito kaya ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Bumilis din ang tibok nito at halos tumigil siya sa paghinga. Kaya nagpanggap siyang nagising dahil baka kung ano pa ang marinig niya at hindi na niya kayanin pa. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Ngunit mas lamang ang pakiramdam niya na masaya.
Alam niyang bago ang lahat ng ito sa kanya at kung tama nga ang kapitan nila ay baka nahuhulog na rin talaga ang loob niya kay Aria. Baka unti unti na nga itong nakapasok sa puso niya. At ang tanong niya sa sarili ay kaya ba niyang harapin iyon. Natatakot siya na baka masaktan siya lalo na at wala siyang karanasan sa pag-ibig.
Lumapit si Aria sa kanya at yumakap ito sa leeg niya. "Sa ngayon hindi mo pa ako asawa. Pero soon magiging misis mo rin ako honey." Malambing na ani nito.
Pinatakan ng magaan na halik ni Aria si Hiro sa labi. Hihiwalay na sana siya ng biglang kabigin ni Hiro ang kanyang batok at mas pinalalim nito ang halik na dapat ay saglit lamang.
Umupo si Hiro sa couch habang nasa kandungan niya si Aria. Nakaharap ito sa kanya habang nakakandong.
Patuloy lamang ang kanilang mainit na halik na pinagsasaluhan habang nakayakap si Hiro sa beywang niya at si Aria naman ay nakasabunot sa buhok ni Hiro.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Storie d'amore(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...
