Chapter 17

4K 114 3
                                        

Nang makarating sila sa restaurant na kakainan nila ay agad silang lumabas ng sasakyan. Pa simple pang kinuha ni Hiro ang baril na nakatago sa loob ng sasakyan at isinuksok iyon sa kanyang likuran.

Lumabas siya at pinagbuksan si Aria ng pinto ng kotse. At katulad ni Hiro ay pa simple rin nitong inayos ang dalawang baril na nasa hita niya.

Nakangiti silang pumasok sa loob ng resto. Parehong hindi nagpapahalata sa nangyayari sa paligid. Ipinaghila ni Hiro si Aria ng upuan at inalalayan niya itong umupo. Siya naman ay umupo sa harapan ni Aria kung saan ay kita niya sa likod nito ang pintuan ng resto. Kaya makikita niya ang lahat ng papasok sa loob ng resto.

Ngumiti sila sa isa't-isa. At nang may pumasok sa loob ng resto na apat na lalaki ay pasimpleng lumapit si Hiro kay Aria. Hinalikan niya si Aria sa pisngi habang nakangiti. Kung titingnan sila ay parang naglalambingan lamang silang dalawa.

"Hon, i think we've got company." Bulong ni Hiro sa pagitan ng paghalik niya sa pisngi nito. Ngunit ang mata niya ay iniikot sa paligid ng resto. At dahil salamin ang dingding ng resto ay kita niya sa labas ang ilang lalaki na nakabantay at lilinga linga sa paligid.

"Hmm! Nakita ko na sila paalis pa lang tayo." Malambing naman na sagot ni Aria. Sabay haplos pa nito sa pisngi ni Hiro.

Napangiti lalo si Hiro dahil sa pagkamangha sa kasintahan. Hindi mo ito makikitaan ng kahit anong takot. Ni hindi na nga niya ito sinabihan na huwag magpahalata dahil ito mismo ay cool na nakangiti sa kanya na para bang walang kakaibang nangyayari.

"Really?" Nakangiting tanong ni Hiro.

"Hmm! Ilan sila?"

"Apat yong pumasok. Dalawa sa kanan, dalawa sa kaliwa. Pero marami sa labas. Mukhang kukulangin ang bala ko."

"Oh! Okay!"

"Dala mo ba ang baril?" Tanong ni Hiro habang hinahalikan ang noo ni Aria. Nang may lumapit sa kanilang waiter ay pasimpleng binulungan ni Hiro at inabutan ito ng numero na tatawagan nito kapag nagkagulo. Inutusan rin niya itong paalisin muna ang mga crew ng hindi nahahalata.

"Let's dance hon, para makita mo sila at mapag-planuhan natin ang kilos natin."

"Okay!" Nakangiting sagot ni Aria na cool na cool pa rin. Kahit papaano ay natutuwa si Hiro dahil hindi mo ito makikitaan ng kaba sa mukha. Sanay na sanay ito sa ganitong sitwasyon. Mas kinakabahan pa nga siya dahil natatakot siya na baka mapahamak ito.

Tumayo si Hiro at nakangiting humarap sa kay Aria. Inilahad nito ang kamay at inabot naman iyon ni Aria.

Pumwesto sila sa bandang gilid, yong walang gaanong tao dahil kung sakali na papuputukan sila ng mga ito ay walang gaanong sibilyan na madadamay.

Sumayaw sila habang magkayakap. Ang labi ni Hiro ay nasa ulo nito malapit sa tainga. Pinagmamasdan nila ang kabuuan ng resto. Pa simple nila itong pinag-aaralan. Nang makita ni Hiro na bumunot na ng baril ang dalawa sa apat na lalaki ay agad niyang binulungan si Aria.

"Hon, are you ready? Kaliwa ka kanan ako." Pagbibigay niya ng signal sa kasintahan.

"Okay, mag-iingat ka. Mamahalin pa kita." Biro ni Aria kaya napatawa pa si Hiro.

Mabilis niyang hinalikan si Aria kasabay ng paghihiwalay nilang dalawa ng direksyon at pagbunot nilang pareho ng mga baril na nakatago sa mga katawan nila.

Binaril agad ni Hiro ang lalaking nakita niya kaya tinamaan agad ito at tumumba sa sahig. Ganon din ang ginawa ni Aria at mabilis na napatumba ang isa. Nakipag palitan sila ng putok sa mga lalaking hindi nila kilala kung bakit sila sinusundan.

"Dapa! Dumapa kayo!" Sigaw ni Hiro sa mga sibilyang tumitili at sumisigaw dahil sa takot. Nagtatago siya habang nakikipag palitan ng putok sa mga lalaki. Nakita niyang napatumba ulit ni Aria ang isa pa sa apat na lalaki. Ngunit agad na may pumasok na dalawa. Anak ng pating bulong ni Hiro sa sarili.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon