Chapter 7

2.6K 111 16
                                    

Nang makarating si Hiro sa head quarters ay agad siyang pumasok sa opisina ng kapitan nila. Hindi na siya makapaghintay na hindi ito makausap dahil hindi na niya maintindihan ang sarili.

Kanina bago siya umalis ng bahay ay gusto niyang halikan sa labi si Aria. Ayaw din niya na umalis ito dahil gusto niya na pag-uwi niya mamaya ay madatnan niya ito sa condo niya.

Nagtataka din siya sa sarili dahil parati siyang nakakaramdam ng pag-iinit ng katawan lalo na kapag naaalala niya ang katawan ni Aria. Hindi naman siya madalas ganito at hindi siya basta bastang tinitigasan ng ganon kadali. Ngunit kay Aria ay iba. Dahil iniisip pa lamang niya ay tumatayo na ang manoy niya.

Habang nasa biyahe siya ay lutang ang isip niya kakaisip dito dahil nagpaalam ito na kukunin ang gamit nito sa club. Of course babalik ito ng club dahil doon ito nagtatrabaho. At wala siyang karapatan upang pakialaman ang personal nitong buhay. Lalo na't may pamilya itong binubuhay sa probinsya.

Nalaman kasi niya na ito ang breadwinner ng pamilya at kaya ito nagtrabaho doon upang matustusan ang gamot ng ina nito.

Nang makarating siya sa harap ng pinto ay kumatok agad siya. Narinig niya na sumagot ang kapitan nila ng 'come in' kaya pumasok siya sa loob.

Ngunit nagulat si Hiro ng makita si director James Ramirez na kausap ang kapitan nila kaya mabilis siyang sumaludo sa mga ito.

Sumagot naman ang dalawa sa kanyang pagbibigay galang. Itinuro pa nito ang upuan sa harapan ng director nila.

"Maupo ka Garcia. May kailangan ka ba?" Tanong ni Jake kay Hiro.

Hindi niya alam kung sasabihin ba niya dahil nahihiya siya sa director nila. Kung sa kapitan nga nila ay nahihiya na siya dito pa kaya.

Nahihiya siyang tumango at umupo ng maayos sa harapan ng mga ito. Pakiramdam niya ay lilitisin siya ng mga ito. Pinagpapawisan siya ng malamig.

"Relax Garcia." Nakangiting ani ni Jake.

"Masyado bang mahalaga iyan? Kailangan ko bang umalis?" Tumatawang saad naman ng director nila. Alam niyang madalas ay mapagbiro ito lalo na kung wala naman sila sa seryosong operasyon.

Umiling iling siya dahil baka masamain nito kung hihintayin niya na umalis ito bago siya magsalita.

"Eh... Ka-kasi po sir may sasabihin po sana ako sa inyo."

Napataas ang kilay ni Jake ng makita ang pag-aalangan sa mukha ni Garcia. Nagkatinginan pa sila ng ninong James niya.

"Ano ba iyon?" Seryosong sagot ni Jake kay Hiro.

"Si-sir may... May sakit ho ata ako sa puso." Nahihiya niyang saad bago siya yumuko.

Nagkatinginan naman sila Jake at James sa isa't-isa. Biglang nakaramdam ng pag-aalala ang mga ito sa kanya.

"Paano mo nalaman? Bakit dito ka dumeretso? Bakit hindi ka magpatingin sa ospital Garcia?" Inis na saad ng director nila.

Napakamot ng ulo si Hiro at tumingin sa dalawa. "Hindi ko po kasi alam kung ano ang gagawin ko eh."

"Garcia, magpacheck up ka. Kailan mo pa ba ito nararamdaman? Bakit hindi mo sinasabi?"

Bumuntong hininga si Hiro at kita nila Jake at James ang pagkalito at problema nito sa mukha. Naisip tuloy ni Jake na mukhang malaki ang problema ng buddy niya dahil halata iyon sa mukha nito.

"Gusto mo ba samahan kita bud?" Tanong muli ni Jake kay Hiro.

Umiling si Hiro at kumamot pa sa kanyang ulo. Bakit ba kamot ng kamot ito ng ulo. Kailan pa ito nagkaroon ng kuto? Bulong ng director nila sa isip. Napakamot tuloy ito sa sarili nitong ulo.

(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon