Hawak ang basket ng bulaklak ay tinatahak ni Hiro ang daan patungo sa musuleo kung saan nakahimlay ang kanyang ina.
Habang papalapit siya sa puntod nito ay pabigat ng pabigat ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung may mukha ba siyang ihaharap sa ina dahil sa lumipas na taon ay wala pa ring magandang balita tungkol sa kaso nito.
Lumipas na naman kasi ang isang taon ngunit wala pa din. Minsan ay aminado siya na pinanghihinaan na siya ng loob. Nawawalan na siya ng pag-asa na baka hindi na niya mabigyan ng katarungan ang pagkamatay nito.
Nang makarating siya ay agad niyang ibinaba ang bulaklak at nagsindi siya ng kandila. Hinaplos niya ang lapida ng ina na may larawan nito.
"Hi mom! Kumusta ka na? Ako eto, okay naman kami. Hindi ako pinababayaan ni yaya Cora. Inalagaan niya ako ng husto." Huminga siya ng malalim upang pigilan na tumulo ang luha sa mata. Naninikip ang dibdib niya.
"Mom, sorry ah.... Nahihiya ako sayo kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin nahuhuli ang mga gumawa sayo nyan. Hanggang ngayon wala pa rin akong silbi." Ang luhang pinipigilan niya ay kusa ng tumulo. Naitakip niya ang braso sa kanyang mata habang umiiyak siya ng mahina.
"Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala mo. Sana ako na lang ang nawala mommy. Sana hindi ikaw ang nandyan." Humahagulgol niyang ani habang hinahaplos ang lapida ng ina.
Taon taon ay ganito niya ginugugol ang paggunita sa pagkawala nito. Taon taon din ay sinisisi niya ang sarili. At patuloy niyang sisisihin ang sarili niya hangga't hindi niya ito nabibigyan ng hustisya.
Isang oras pa siyang namalagi sa musuleo bago niya napagpasyahan na pumasok na sa trabaho. Nakatanggap na rin siya ng tawag mula sa kapitan nila na si Captain Romualdez.
Sumakay siya ng kotse at umalis sa sementeryo. Naalala pa niya ang kasal ng kanyang kapitan. Masaya siya para dito dahil sa wakas ay nahanap na nito ang babaeng kanyang makakasama habang buhay.
Alam niyang deserving ang kapitan nila dahil sa dami ng pinagdaanan nito ay tama lamang na lumigaya ito.
Biglang sumagi sa isip niya ang babaeng nagnakaw ng una niyang halik. Ang babaeng misteryosa na nakita niya sa yate noong huling operasyon nila kasama ang kapitan nila.
Iniisip niya kung makikita pa ba niya ito. Kung sino ito at ano ang itsura nito. Minsan ay gusto niyang magtanong sa director Ramirez nila dahil alam niya na ito ang agent at spy na ipinadala nito.
Napag-alaman din niya na hindi ito nakabase sa pilipinas at galing ito ng ibang bansa. Kaya nawalan siya ng pag-asa na muli itong makita.
Ngunit ang puso niya ay umaasa na muli niya itong makita. Na muli niya itong mahalikan.
Nang makarating siya sa head quarters ay dumeretso agad siya sa opisina ng kapitan nila.
Maraming bumabati sa kanya na mga kasamahan na tulad niya ay mga agent din, at binabati din naman niya ang mga ito ng nakangiti.
Nang makarating siya sa labas ng opisina ng kapitan nila ay kumatok agad siya. Sumagot ito ng 'come in' kaya binuksan niya ang pinto at pumasok siya doon.
"Sir!"
Agad siyang sumaludo dito at sinagot naman iyon ng kapitan niya.
"Have a sit." Seryosong ani ni Jake kay Hiro.
Mabait ang kapitan nila. Yon nga lang ay parating seryoso. Walang ibang nakakatagal sa ugali nito at halos lahat ay takot dito. Tanging siya lamang ang nakakatiis ng pag-uugali nito.
"Sir, ipinatawag nyo daw po ako?" Tumango ito at tumingin sa kanya.
"Kumusta? Galing ka ba sa sementeryo ngayon?" Tanong ni Jake sa kanya habang may kinukuha itong folder.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 2) Seducing The Virgin Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Galing ng America ay babalik ng pilipinas si Aria Marie Sandoval dahil sa ibinigay ditong assignment. isa siyang FBI agent at human trafficking at drugs syndicate ang kasong hahawakan niya. Kahit isang taon...